Share

chapter 51

Nang sumunod na mga araw ay nakumpleto na ang mga kinakailangan kong check-up upang mapangalagaan kaming dalawa ng magiging baby ko. Babalik pa naman ako sa OB ko para sa'king prenatal schedule.

Kahit tapos nang kumpirmahin ng doktor na tama iyong lumabas na result ng PT ay parang panaginip pa rin ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon na ako ng baby!

Nakakamangha lang na meron nang nabubuong buhay sa sinapupunan ko. Ganito pala iyong feeling ng magiging nanay, nakaka-excite na nakakanerbyos.

Sa samo't saring emosyon na nararamdamab ko ay nanaig iyong saya lalo na ngayong napag-alaman kong maayos naman ang pagbubuntis ko.

Wala akong kaalam-alam na dalawang buwan na pala akong buntis dahil wala naman akong naramdamang kakaiba sa katawan ko.

Hindi ko nga naranasan ang tinatawag na morning sickness, na karaniwang sintomas ng pagdadalang-tao. Pero sinabi ng doktor na normal lang ito. Mayroong mga buntis na hindi talaga nasusuka, habang may iba naman na malala iyong nar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Regielyn Tabio Torres
update n po miss A..
goodnovel comment avatar
Lea Tamura
hahaha mahadera din etong kaibigan mo celle.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status