Share

Playing Pretend with Mr. Billionaire
Playing Pretend with Mr. Billionaire
Author: ljArci

Chapter 1 (Jocelle 's POV)

Napakurap-kurap ako nang bumungad sa'kin pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko ang magarang chandelier na palamuti sa hindi pamilyar na kisame ng kinaroroonan kong silid.

Agad akong nanigas mula sa pagkakahiga nang maramdaman ang kalambutan ng kinahihigaan kong kama.

Abot-abot ang kaba ko habang pinapakiramdaman ang sarili kasabay nang paggunita ng mga pangyayaring naghatid sa'kin sa kasalukuyang sitwasyon.

Walang tunog akong napamura at mariing naipikit ulit ang mga mata dahil sa katangahang nagawa dala na rin ng kalasingan ko kagabi.

Agad kong hinamig ang sarili at nang muli akong magmulat ng mga mata ay pigil-hininga kong inilibot ang paningin sa kinaroroonang silid.

Maliban sa karangyaang sinisigaw nito ay hindi ko matanaw ang hinahanap ko... ang lalaking kasama ko kagabi.

Kung pagbabasehan ang pangangalay ng buo kong katawan at ang agaw-pansin na pananakit ng ibabang bahagi nito ay malinaw kung ano ang nangyari sa'min ng kasama ko sa silid na ito kagabi.

May kalabuan man ang mga eksenang bumabalik sa alaala ko ay sapat na pulang mantsa sa kubre-kama upang ipamukha sa'kin na ang iniingatan ko sa loob ng dalawampung-siyam na taon ay naibigay ko sa isang lalaking ni hindi ko nga maalala ang pangalan.

Kung hindi nga lang ako tanga ay ewan ko na kang kung ano ang maaaring itawag sa'kin!

Nang maalala ang dahilan kung bakit ako nawala sa sarili kagabi dahil sa nakatuwaan kong gawing tubig ang alak ay napabalikwas ako nang bangon.

Kasabay rin niyon ay ang nasasaktan kong ungol dahil sa biglang pagkirot ng bahaging napuruhan sa'kin. 

Mabilis na lumabo ang paningin ko dahil sa pangingilid ng mga luha ko. 

Kung hindi lang ako niloko ni James ay sana hindi ako nagpakalasing kagabi at hindi rin ako basta-basta na lang sumama sa hindi ko kilalang lalaki.

Ang malas ko talaga! Manloloko na nga iyong boyfriend ko— mali, ex-boyfriend ko na ang hayop na iyon dahil binuntis nito ang pinsan ko!

Sa dinami-rami ng babaeng pwede niyang gawing the other woman ay iyong pinsan ko pa na ginawang misyon sa buhay ang makipag-kompetensya sa'kin!

Mariin kong pinunasan ang mga luhang nagsipatakan sa pisngi ko. Hindi ito ang oras upang magdrama ako dahil mas kailangan kong mahanap ngayon ang mga damit na suot ko.

Wala kasi akong saplot sa ilalim ng kumot na kipkip ko ngayon.

Bumaba ako sa kama at umikot pa sa pagbabakasakaling matagpuan ang mga damit ko pero masyadong malinis ang paligid. Wala man lang bakas ng mga ito kahit na sa ilalim ng kama.

Paano ako uuwi nito? O mas tamang itanong ay kung paano ako kalabas ng silid na ito nang walang ibang saplot kundi ang kumot na kasalukuyang nakatapis sa'kin.

Aligaga kong muling sinuyod ang paligid nang makarinig ako ng mga katok mula sa labas ng pintuan. 

Parang sinipa ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko.

Paano kung ang lalaking sinamahan ko kagabi ang kumakatok? 

Kung anu-anong senaryo na ang naglalaro sa utak ko.

Nang hindi tumigil ang kumakatok ay nanginginig ang mga bjnting nilapitan ko ang pintuan at dahan-dahan itong binuksan nang konti at sumilip doon.

"Good morning, Ma'am. Heto na po ang itinawag ninyo sa'min na kakailanganin niyo." Nakangiting mukha ng isang unipormadong staff ng hotel ang bumati sa'kin.

Nasabi kong hotel staff ito dahil pamilyar sa'kin ang suot nitong uniform. Isang hotel room pala ang kasalukuyan kong kinaroroonan at talagang sa isa pa sa mamahaling hotel ako naroon.

Nadagdagan ba naman ang isipin ko dahil hindi ko masabi kung afford ko ba ang overnight sa hotel na ito!

Tumuon sa bitbit na dalawang paper bag ng staff ang atensiyon ko bago ako nag-alangang ngumiti pabalik dito.

"T-thank you," kandautal kong pasasalamat.

Agad kong isinara ang pinto matapos makuha ang inabot nitong bag na itinawag ko raw kahit wala akong maalalang ginawang gano'n.

Nang silipin ko ang laman ng bag ay bahagya pa akong nagulat dahil malinis na damit ang naroon.

Nakahiwalay sa dalawang bag kong bitbit ang damit panlalaki at damit pambabae.

May damit panlalaki kaya ibig sabihin ay hindi pa umalis iyong nakasama ko kagabi tulad nang una kong hinala nang hindi ko ito nahagilap sa paligid.

Tsaka ko lang nabigyang pansin ang mahinang tunog ng lagaslas ng tubig mula sa isa pang saradong pinto na sa hula ko ay ang bathroom.

Mukhang naliligo yata ang hinahanap ko kaya hindi ko ito nagisnan kanina!

Mabilis kong sinamantala ang pagkakataon at dali-daling isinuot ang mga damit pambabae na iniabot ng staff. 

Hindi ko na nga magawang hangaan ang ganda nito at kung paano ito sumakto sa size ko dahil nag-alala akong baka lumabas na ang taong kasalukuyang nasa loob ng banyo.

Dahil sa nangyari sa pagitan namin no'ng nagdaang gabi ay wala akong mukhang maihaharap ngayon dito.

Natatakot ako na baka pagtatawanan nito dahil sa nangyari at ayaw ko ring malaman kung ano ang maaaring impression nito sa'kin.

Matapos makapagbihis ay sunod kung hinanap ang dala kong bag.

Sa kalasingan ko kagabi ay hindi ako sigurado kung nadala ko ba ito rito o naiwan ko roon sa bar na pinuntahan ko.

Nang huminto ang lagaslas ng tubig sa shower ay nanlaki ang mga matang nagkukumahog akong tumakbo papunta sa pintuan palabas.

Kasabay nang paglabas ko at pagsara ng pinto ay narinig ko rin ang pagbukas ng pinto ng banyo.

Abot-abot ang kabang nagpalinga-linga ako sa tahimik na hallway sa paghahanap ng daan pababa ng hotel.

Kahit nahihirapan dahil sa iniindang kirot sa pagitan ng mga hita ko ay patakbo kong nilisan ang nilabasang silid habang nakapaa.

Panay ang lingon ko sa pinanggalingan dahil sa takot na baka may nakasunod sa'kin. Nakahinga lang ako nang maluwag nang mahanap ko ang elevator.

Nagulat pa ako dahil nasa top floor pala ako. Nang bumukas ang walang lamang elevator ay nagmamadali akong lumulan.

Halos bumigay ang tuhod ko sa pasasalamat nang tuluyan umandar ang elevator pababa . Mabuti na lang at wala akong kasabayan at dire-diretso akong inihatid nito hanggang sa lobby ng hotel.

Lakas-loob akong lumabas ng elevator at patagong nakikisabay sa grupo ng mga turistang nagkataong napadaan sa harapan ko.

Hindi ako komportable sa rami ng mga taong kasalukuyang nasa lobby lalo na at kahina-hinala talaga ang ayos ko ngayon.

Siguro ay nagtataka ang mga turistang kasabayan ko kung sino ako at bakit feeling close ako sa kanila pero  wala na akong pakialam doon ang mahalaga ay makalayo ako sa mas malaking kahihiyan.

Nagkalat ang marites sa paligid kaya siguradong mapapansin ang kawalan ko ng ayos kung sakaling mag-isa lang akong magpagala-gala sa magarbong lobby ng hotel.

Ang malala ay baka ipadampot

pa ako dahil nakaka-disbeauty sa paligid ang kadugyutan kong taglay.

"We're on our way, Sir— excuse me."

Lihim akong napaaray nang masagi ng grupo ng mga kalakakihang dadalo yata sa kasal dahil sa pormahang tuxedo.

Kinakailangan ko pang tumabi kasama no'ng mga kasabayan kong foreigners dahil mukhang nagmamadali ang mga ito.

Late na siguro sa kasal kaya gano'n.

May nakaabang na tourist bus sa mga kasamahan ko kaya ako naman ay humanap na rin nang masasakyan pauwi.

Kahit masama ang loob ko dahil sa nangyari sa'kin ay mas pipiliin ko na lang na kalimutan lahat. 

Wala na akong magagawa pa roon sa nawala kong puri. Okay lang sana kung tanging bag ko ang nawala  dahil mumurahin lang naman iyon at kikitain ko pa iyong perang laman niyon pero  iyong bagay na kay James ko sana ibigay ay hindi ko na maaaring maibalik pa!

Nakatulong upang maibsan ang bigat na nararamdaman ko ang kaalamang hindi ang nanlolokong si James ang napag-alayan ko nito... 'di baleng sa hindi ko kakilala basta hindi lang kay James!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Georgia Nicole Tan
Interesting...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status