Share

Chapter 4

Araw na ng kasal at hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko.

Simula pa kanina sa bahay hanggang sa simbahan ay gusto ko na lang maglaho.

Halos lahat ng mga imbitado sa kasal ay pawang nakakalam sa nakaraan namin ni James.

Sa kabila ng mga tinging natatanggap ko ay taas-noo ko pa ring natapos ang seremonyas ng kasal.

Binalewala ko ang mga naririnig na bulungan sa paligid tuwing napapadaan ako at dumagdag pa ang palihim na pangangaral sa'kin ni Mama sa dapat kong ikilos sa harapan ng mga bisita.

Nang magpalitan kanina ng vows ang mga ikinasal ay hindi ko mapigilang mapaismid. 

Minsan na kasing sinabi sa'kin ni James ang mga pangakong binitiwan niya sa harap ng altar para sa pinsan ko.

Wala man lang binago ang gago!  Ang kaibahan lang ay may kodigo ito ngayon, hindi tulad noong kami pa na saulo talga nito ang mga pangakong iyon!

Gustuhin ko mang hindi na tumuloy sa reception ay hindi pwede dahil sinigurado talaga ni Trish na naroon ako.

Halatang gusto niyang saksihan ko ang okasyong ito hanggang sa matapos! Iniisip niya sigurong durog na durog ang pakiramdam ko habang nakikita ang lalaking minsan kong minahal na makasal sa kanya!

Gaga siya! Kung alam niya lang na unang sinabi sa'kin ni James ang pangako nito sa kanya ay tiyak guguho ang mundo niya!

"Darating daw ngayon iyong pinakamalaking investor ng pamilya ng Auntie Lean mo," excited na pagkukwento ni Mama sa kapatid ko habang nakaupo kami sa mesang nakalaan sa'min dito sa reception ng kasal.

Si Auntie Lean ay ang ina ni Trish at laging dinidikitan ni Mama na minsan ay namumukha na itong tanga.

"Balita ko ay sobrang yaman daw nito...mas mayaman pa sa pamilya nina James," pagpapatuloy ni Mama. "Balak yata ni Auntie Lean mo na ireto rito si Vernice." 

Si Vernice ang nakatatandang kapatid ni Trish na kasing-ugali rin nito pero ang kaibahan lang ay wala itong pakialam sa ibang tao kundi ay sa sarili lang nito.

Hindi nga nito pinapansin ang pamilya namin at mas malapit pa ito sa mga mayayamang kaibigan. Kung mayaman ka ay kilala ka nito pero kung hindi ay wala itong pakualam sa'yo kahit nagkadugo pa kayo.

Kung si Trish ay two-faced bitch, si Vernice naman ay pure breed bitch!

"Eh, iyon kung magugustuhan nito si Ate Vernice," maarteng sabat ng kapatid ko na kaugali ng mga pinsan namin. "Paano kung ako iyong magugustuhan, Ma?"

Nawawala nga yata nilang kapatid itong si Rachelle! Manang-mana sa kanila.

"Eh, bongga!" pangungunsinti ng nagaling kong ina. "Magiging mas mayaman pa tayo kaysa pamilya ng Auntie mo."

Sabay na naghagikhikan ang mga ito na para bang tuwang-tuwa sa pinag-uusapan.

"Gwapo ba naman yan, Ma? Baka mamaya niyan ay amoy lupa na iyan."

"Di baleng amoy lupa basta pahihigain ka sa pera."

"Sabagay..."

Gusto ko na talagang maglaho sa kinauupuan dahil sa mga kasama ko rito.

Mabuti pa si Papa dahil tinawag ito ng kapatid na si Uncle Lawrence, ama ni Trish.

Sana pala ay pinilit ko talagang sumama si Dianne para naman may matino akong  kausap ngayon!

Allergy kasi ang isang iyon sa pakikipagplastikan kaya ayaw dumalo.

"Reah!" 

Nahinto ang hagikhikan ng kapatid ko at ina dahil sa excited na tawag ni Auntie Lean.

Sabay na tumayo agad ang ina at kapatid ko upang salubungin ito. Napaismid ako sa kaplastikan ng mga ito.

"Dumating iyong sinasabi ko sa'yong special guest," tuwang-tuwang pagbabalita ni Auntie.

Saglit na nagkatinginan ang mga kausap nito bago magiliw na nakinig ulit sa pinagsasabi niya.

Pasimple ko namang hinahanap sa kumpulan ng mga bisita ang tinutukoy ni Auntie.

Kahit wala akong pakialam dito ay  naengganyo akong silipin kung ano ang hitsura ng irereto ni Auntie sa pinsan ko na panganay nitong anak.

Mas matanda ako ng limang taon kay Vernice at kahit sabihing naunahan ito ng kapatid sa pag-aasawa ay bata pa rin ito at walang dapat ika-pressure hindi katukad ko na nanganganib nang mawala sa kalendaryo.

Bigla akong napatda mula sa kinauupuan nang nagagip ng tingin ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.

Pakiramdam ko ay lumubo ang ulo ko at nanlamig ang buo kong katawan habang nakatingin dito.

Hindi ako naaaring magkamali! Ang lalaking tinitingnan ko ngayon ay ang lalaking nakasama ko no'ng gabing lasing na lasing ako... ang lalaking kumuha ng pinakaiingat-ingatan ko!

Para akong sinuntok sa sikmura nang napansing nakatingin din ito sa'kin kahit mayroon itong ibang kausap.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagkukuhwaring hindi siya napansin.

Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang baso ng tubig na nasa aking harapan.

Bakit sa ngayon ko pa ito nakita? Napuno nang kaba ang puso ko! Kung anu-anong eksena ang nililikha ng aligaga kong isipan.

Paano kung may kinalaman si Trish sa biglaang pagsulpot ng lalaking ito ngayong araw?

Nakaoagtataka namsn kasing sa dinami-dami ng araw at lugar ay ngayon at dito pa talaga kami muling nagtagpo!

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Halos hindi ako makahinga sa kaba! Hindi ko rin maiwasang matakot na baka pakana nga ni Trish ang nangyayari ngayon kaya sinigurado nito dadalo ako hanggang sa reception!

Akmang tatayo ako mula sa kinauupuan upang pumuslit paalis nang mahagip ng tingin ko ang papalapit na bagong kasal.

Gustong tumalon ng puso dahil sa taong nakasunod sa mga ito at matamang nakatitig sa'kin.

Wala na akong iras na tumakas dahil maging si Papa at ang ama ni Trish ay papunta rin sa direksiyon ko.

Hindi ko rin masabi kung kakayanin ko bang tumayo nang maayos sa kabila nang panginginig ng mga binti ko.

Nang tuluyang makalapit sa'kin ang bagong kasal ay may pagmamalaking ngumiti sa'kin si Trish.

Saglit na tumuon ang tingin ko sa nakalingkis nitong kamay sa braso ni James bago huminto sa mukha mukha nito.

Sinadya kong iwasang mapadako ang tingin sa partikular na taong kasama nila.

"Are you enjoying the party, Ate Celle?" malambing na tanong ni Trish na para bang may pakialam talaga ito.

"Huwag mo na akong alalahanin... kasal mo ito kaya dapat ay ikaw iyong mag-enjoy," malumanay kong sagot.

"Namumutla ka yata," puna ni James.

Gusto ko itong samaan ng tingin pero nang mapansin ang bahagyang paglukot ng mukha ni Trish ay mas pinili ko na lang itong ngitian.

"Huwag mo na akong pansinin... asikasuhin mo na lang ang asawa mo," magaan kong tugon.

"Ate Celle, may ipapakilala pala ako sa'yo," singit ni Trish. 

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan upang harapin ang ipapakilala nito at pinagpapasalamat ko na hindi ako bumuway kahit may ideya na ako kung sino ang ipakikilala nito.

"Ito pala ang special guest ko, si Mr. Rowain Michael Walliz, future investor ni Daddy sa kompanya namin."

Hindi ako makatingin ng diretso sa lalaki dahil pinoproseso pa ng utak ko ang katauhan nito.

"Mr. Walliz, pinsan ko pala... Jocelle Galvez." Halatang napipilitan lang itong ipakilala ako. 

"It's nice meeting you, Jocelle."

Nanigas ako bigla dahil sa buo niyang boses at kakaibang tono ng pagsasalita niya nang sambitin ang pangalan ko.

Hindi ko tuloy alam kung tatanggalin ko ba ang nakalahad niyang palad o hindi.

"Hello, Mr. Walliz," magiliw na singit ng kapatid ko at ito ang umabot sa nakalahad na palad ng huli. "I'm Rachelle, kapatid ni Ate Jocelle... at ito naman ang mama namin."

Bahagyang umigting ang panga ni Mr. Walliz bago bumalik sa normal ang mukha nito, malinaw na indikasyon na may hindi ito nagugustuhan sa mga nagaganap.

"Jocelle?" Muli akong napatingin dito dahil sa pagtawag nito sa pangalan ko. 

Matapis pakawalan ang palad ng kapatid ko ay muling nakalahad sa'kin ang palad niya.

"Mr. W-Walliz," may bikig sa lalamunang sambit ko sa pangalan niya sabay abot ng kanyang palad.

Isang ngiti ang unti-unting sumilay sa mapupula niyang mga labi habang humihigpit ang kapit niya sa kamay ko.

Malakas na kumabog ang puso ko at pasimple kong hinila ang palad ko mula sa pagkakahawak niya pero mas humigpit ang kapit niya roon.

"Nasanay na akong tinatawag mong Michael, so just drop the Mr. Walliz," magiliw niyang kausap sa'kin.

Ramdam ko ang gulat na tingin sa'kin ng mga nasa paligid.

"Magkakilala kayo?" tanong ni James.

Bahagyang tumawa si Mr. Walliz at makahulugan akong kinindatan.

Muntik nang malaglag ang puso ko pero sa pagkakataong ito ay hindi dahil sa kaba kundi dahil sa kakaibang damdaming ginising sa'kin ng kindat na iyon.

Kaya siguro ako sumama rito no'ng gabing nalasing ako dahil hindi maikakaila ang nagsisumigaw nitong kagwapuhan na kung itatabi kay James ay nagmumukhang tuod ang huli.

  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status