Share

chapter 52

May disadvantage rin pala kapag halos magkakilala na lahat ng mga tao sa paligid mo dahil pagkapasok ko ulit bukas sa opisina ay sinalubong ako ng mga pagbati mula sa mga katrabaho ko.

Ang bilis umabot sa kanila ng balitang buntis ako. Wala akong naramdamang pagkailang o ano pa man dahil sa kawalan ng ama ng dinadala ko. Hindi nila pimaramdam sa'kin na dapat ko iyong ikahiya at ni isa sa kanila ay walang nag-usisa tungkol doon.

Lahat ay excited sa pinagbubuntis ko at wala silang pinakitang interes sa kung papaano ako nabuntis at bakit wala silang nakikitang tumatayong tatay para sa anak ko.

Ang nakakatuwa pa ay nagpresenta ang lahat na magiging ninang ng anak ko. Dalawang buwan pa nga lang ang tiyan ko ay may nangako nang sasagot sa drinks ng binyagan.

Nakakataba ng puso na kahit kabago-bago ko pa lang ay ganito na ang pagtanggap nila sa'kin.

Maging si Sir Cloud ay nanlibre ng snacks sa buong opisina bilang selebrasyon ng pagbubuntis ko.

Ngayon pa lang ay botong-boto na ako sa kanya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Lhyna Fernandez Castillo
Thank you po miss elvie
goodnovel comment avatar
Lea Tamura
grabe ang handa, thank you po
goodnovel comment avatar
Michelle David Lac
finally miss a tydm sa update khit mejo btin. Bata lgi ako mg aabang Ng bgo update....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status