Share

Chapter 10

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita sa tabi ko si Davien. Seryoso lamang siyang nakatingin sa aming harapan, kay Nabrel. 

"What are you doing here, babe? Who's this guy you're talking to?" Malamig ang kaniyang boses. He kissed my hair. Humigpit ang kaniyang braso sa akin. 

Nilingon ko si Nabrel. Umigting ang kaniyang panga habang nakatitig sa akin. Bumuka ang aking bibig ngunit nag-iwas na siya ng tingin.

Sumikip ang aking dibdib. There was something in my heart. Something strange and heavy. I felt like it was being squeezed. I swallowed the lump in my throat. 

Pinanood ko siyang tahimik na inaangat ang mga balde, hindi na lumingon pa sa akin. 

Pumikit ako nang mariin at inalis ang braso ni Davien sa aking baywang. I tried to smile at him. Nakakunot lamang ang kaniyang noo. I noticed that he was wearing a white button down shirt and khaki shorts. Baklas ang tatlong butones niyon. Nasa ulo niya ang kaniyang aviators. 

"I'm fine here, Davien. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin. Why did you follow me? You should have stayed in the mansion. Hinintay mo na lang dapat ako. Hindi naman ako magtatagal." I said, indirectly telling him to leave. 

"We should go now, Talianna. Hindi ka dapat nakikisalamuha sa mga mangingisda rito," he said coldly and looked at Nabrel. Umawang ang mga labi ko, natulala sakaniya. 

Lumingon ako kay Nabrel. I was sure he heard that! Bumilis ang paghinga ko dahil sa matinding kaba. Naghintay akong lingunin niya ngunit hindi iyon nangyari. Bumalik ang mga kasamahan niya kanina. Kinausap siya ng payat na lalaki, tumatawa ito ngunit tumango lamang siya roon, nanatiling seryoso ang mukha. Ang kaniyang kapatid ay malamig ang tingin sa amin ni Davien.

"Ser, makikiraan po." Dinig kong sinabi ng isang mangingisdang may bitbit na isang balde.

Davien wrinkled his nose and closed his eyes as if he smelled something very unpleasant. Nagtaas siya ng kilay at hinila ako upang tumabi. Umiling siya. 

"We really need to go now, Talianna. Malansa masyado rito. How can you stand the smell here?" His voice was distasteful. He pursed his lips, obviously not pleased with his surrounding. 

"Davien." I gasped. Ang pagkadismaya ko para sakaniya ay hindi ko na maitago. 

"Pasensiya na, ser. Mga lamang-dagat kasi ang hinuhuli namin kaya talagang malansa." Boses iyon ng payat na lalaki. He sounded very sarcastic.

Nagtiim bagang ako at nag-iwas ng tingin. Hinaplos ko ang aking buhok at nagbuga ng hangin.

"Talianna, let's go now," mariing wika ni Davien kasabay ng paghila sa aking braso.

Wala akong nagawa kundi ang hayaan siyang hilahin ako. Lumingon ako sa aking balikat upang tignan si Nabrel. He was already looking at me. He smiled a bit and immediately looked away. Kitang-kita ko ang bahagya niyang pag-iling bago tumalikod.

I bit my lower lip and looked infront of me. I felt the pain in my heart eating me up inside. Kinukurot ang puso ko. Sa bawat pintig niyon, mas tumitindi ang hapdi. Hindi ko maramdaman ang mga paa ko sa bawat paghakbang. Tila isa akong papel na tinatangay ni Davien. Wala ako sa sarili hanggang sa makabalik sa mansiyon. Diretso lamang ako sa hagdan, hindi pinansin ang tawag sa akin ni Davien. 

Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili lamang sa kwarto ko. Kinakatok ako ni Davien ngunit hindi ko siya pinagbuksan. Nagkunwari na lamang akong tulog. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kanina. Kahit sino ay hindi gugustuhing makakita ng ganoong pagtrato sa ibang tao. Kung ako nga ay nakaramdam ng galit, paano pa kaya para sa mga mangingisdang naroon? 

Lumabas lamang ako ng kwarto nang mag-lunch time. Naabutan ko si Davien sa living room, nanonood ng pelikula. Mabilis siyang tumayo nang makita ako. Nakasuot siya ng isang dark blue polo shirt at dark jeans. Hindi ako umimik nang niyakap niya ako. 

"Uuwi ako sa mansiyon. I'll visit my sister. Hinintay kitang magising bago ako umalis. Do you want to come with me? I'm sure Narvinia misses you so much." He smiled gently. 

Umiling lamang ako. Ni hindi ko magawang ngumiti. 

"Babe, are we good?" Bulong niya. Mariin niya akong tinitigan, tila ba naghahanap ng kung ano sa mga mata ko. 

"Huh? Yeah. Of course. Mag-iingat ka. Anong gagamitin mo papunta roon?" Sobrang peke at tipid ng ngiting binigay ko. Nanatili ang hawak niya sa aking magkabilang balikat.

Ngumuso siya. "Magpapasundo ako kay Manong Renato. Are you sure we're okay? Please. Sabihin mo naman sa akin kung may problema tayo. You look upset. May ginawa ba ako?" 

I sighed. "Wala, Davien. I'm just..." I heaved a deep sigh. "I'm just hungry. Kumain ka na ba? We should eat now." Tinanggal ko ang kaniyang pagkakahawak sa akin at tinalikuran siya ngunit mabilis niyang hinablot ang braso ko. Kunot-noo ko siyang binalingan. Seryoso na ang kaniyang mukha at malamig ang tingin sa akin. 

"Talianna, stop being immature. Galit ka pa rin ba sa ginawa ko? Yes! I cheated! Pero hindi ba't napag-usapan na natin iyon? Hindi ko na nga uulitin, 'di ba? Bakit parang ang laki pa rin ng problema mo sa akin?" Tumaas na ang kaniyang boses at halos mapaatras ako. 

Nahagip ng tingin ko si Blair na papasok sana ngunit hindi natuloy. 

Agresibo kong binawi ang aking braso at matalim siyang tinignan. 

"Sinabi na ngang wala! Hindi ba aalis ka? Bakit hindi ka pa umalis ha?!" 

Napasinghap ako nang marahas at mariin niyang hinawakan ang braso ko. Kitang-kita ko ang nag-aalab na galit sakaniyang mga mata. Matapang kong sinalubong ang kaniyang titig. Napakurap siya at mabilis akong binitawan na tila ba napaso sa akin. Hinaplos niya ang kaniyang buhok. Pumikit siya nang mariin at umiling. Nang tignan niya akong muli ay naglaho na ang galit. 

Mapungay na ang kaniyang mga mata. "I'm sorry, babe. I didn't mean that. D-Did I hurt you?" Nanginig ang kaniyang boses at marahang hinawakan ang aking pisngi habang sinusuri ang braso ko.

Umiwas ako at tinulak ang kaniyang dibdib.

"I–I'll just have my lunch, Davien. Excuse me," bulong ko nang hindi siya tinitignan at mabilis siyang tinalikuran. Sa puntong iyon, hindi na niya ako pinigilan pa.

Lumabas ako at nagtungo sa dalampasigan pagkatapos kumain. Hindi ko na nakita pa si Davien. Sana ay magtuluy-tuloy. I don't want to see him now. Hinihiling ko na sana'y hindi na siya bumalik dito. May parte sa aking hindi mapanatag sa tuwing nandiyan siya. Siguro nga ay hindi ko pa siya tuluyang napapatawad sakaniyang ginawa. May parte rin sa aking bumubulong na kung tama bang binigyan ko pa siya ng pagkakataon.

I love him. I'm sure of that. But I'm also sure that there's something has changed. Normal lang naman siguro iyon. Nabahiran na ang tiwala ko sakaniya. Hindi na iyon buo at alam kong mananatili na iyong may lamat.

Cheating is very devastating. It will surely affect you emotionally and mentally. You'll end up questioning your worth as a person. No matter how much you love your partner, once there's a cheating involved, you'll also end up asking yourself if it's still worth the risk or you're just hurting yourself even more.

Tulala lamang ako habang naka-upo sa ilalim ng malaking puno. Nakapatong ang aking baba sa aking tubod. Wala sa sarili kong pinaglalaruan ang maputi at pinong buhangin, binabato sa kung saan.

Hindi ko namalayan na bumubuhos na ang luha ko. Suminghot ako at binaon ang aking mukha sa tuhod. Ginalaw ko ang mga paa habang nasa ganoong posisyon.

Ilang sandali pa akong nanatili roon bago ko napagpasiyahang bumalik na sa mansiyon. Kinalma ko ang sarili. Pinagpag ko ang aking dilaw na bestida.

Naabutan ko si Blair na nagwawalis sa hardin. Ngumiti siya sa akin nang matanaw ako. I bit my lip and walked towards her. Huminto siya sa ginagawa nang makita ang aking paglapit.

"Uhm, I'm sure may number ka ni Nabrel, right?" I smiled gently.

Sandali siyang natigilan at tumitig lamang sa akin. Walang bakas ng kahit na anong ekspresyon ang kaniyang mukha. Nagtaas ako ng kilay.

Baka naman kung anong iniisip niya. Tingin niya ba ay may binabalak ako sakaniyang boyfriend?

"I'll just inform him tungkol sa pagpunta namin sa isla ni Dad. Gusto kong i-free niya ang schedule niya sa Linggo. But if you want, ikaw na lang ang magsabi. You don't have to give me his number. Yeah. Pwede namang ganoon na lang." Tumango-tango ako at nag-iwas ng tingin. Hinaplos ko ang aking buhok.

"Why am I even asking for his number?" Bulong ko sa aking sarili.

"H-Hindi, Ma'am. Mas magandang kayo na ang magsabi. Ito po. Ibibigay ko. Sandali lang." Kitang-kita ko pa ang pagkataranta niya habang kinakapa ang bulsa ng kaniyang uniporme.

I smiled at her while waiting. Sinave ko ang number ni Nabrel at nagpasalamat kay Blair.

"Uhm, nasa trabaho pa siya ngayon, Ma'am. Hindi pwede ang cellphone doon sa oras ng trabaho," she said gently when she noticed that I was typing.

Nahinto ang pagtitipa ko at nag-angat ng tingin sakaniya. "Oh. Alright. I'm sorry. I'll just, uhm." Tumikhim ako. "I'll just text him later then." 

But when I went to my room, I was looking at my phone every damn second. I want to call him now! Naisip ko na hindi sapat ang text lang. Paano kung tamad pala siya mag-reply? Pero nasa trabaho nga siya, 'di ba? Dinungaw ko ang orasan ng aking telepono. Ala una na ng tanghali. Anong oras ba ang shift niya? Ang alam ko ay tanghali. Anong oras naman ang break nila? Or do they even have a break time?

I'll just try to call him. Kung hindi niya man sagutin, then it's fine with me. Maiintindihan ko naman.

Kinagat ko ang aking labi habang pinapakinggan ang pag-ri-ring ng kabilang linya. Sa ika-apat na ring, doon niya sinagot. Pakiramdam ko nanigas ako bigla.

"Hello? Sino 'to?" Malamig niyang bungad.

Napalunok ako at biglang kinabahan. Akala ko ba bawal ang cellphone doon? Bakit niya sinagot?

"Uhm, Nabrel. It's me. Si Talianna," marahan kong sinabi. I was biting my lip while waiting for his answer. Ilang sandali siyang natahimik sa kabilang linya. May naririnig akong boses. Hindi klaro ngunit sigurado akong boses ng isang babae iyon. 

"Talianna? Bakit ka tumawag? Paano mo nalaman ang number ko?" Aniya sa tonong nagtataka.

"Kay Blair! Duh. Kanino pa ba?" Napairap ako. 

"Bakit ka tumawag?" Ulit niya. 

"Bawal ba? I'm sorry. Sinubukan ko lang. Pero bakit mo sinagot? Ang sabi ni Blair bawal ang cellphone diyan. Are you even at your work, Nabrel?" 

"Shit, Talianna!" Aniya na ikinasindak ko. Bakit siya nagmumura? Minumura niya ako?! 

"What's your problem, Nabrel? Hindi mo ako kailangang murahin! I'm sorry! Bakit mo kasi sinagot kung bawal naman pala?" 

I gritted my teeth. Na-offend ako sakaniyang pagmumura! He could have just told me that he's not allowed to use phone!

"A-Ano? Hindi kita minumura. Hindi lang..." I heard him sighed. "Hindi lang ako makapaniwalang kausap kita ngayon sa telepono." Humina ang kaniyang tono sa dulo. Dinig ko ang mabigat niyang paghinga. 

"What about it? I'm sorry. I'll go now. Mamaya na lang ulit kita tatawagan."

"Ayos lang, Talianna. Kadarating ko lang sa trabaho." Sandali siyang natigilan. "Mamaya na, Amethyst. May kausap pa ako." 

Kumunot ang noo ko. 

Who the hell is Amethyst? Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon? Nakaramdam ako ng iritasyon. Nagloloko ka rin ba, Nabrel? 

"Who's that?" Malamig kong sinabi. 

"Huh?" 

Pumikit ako nang mariin. "Nothing. Bye. I'll call you later. Siguraduhin mo lang na sasagutin mo, Nabrel." 

"Hindi na, Talianna." 

I pursed my lips. Sumabog ang matinding iritasyon sa akin. "Fine! I will never call you again, Nabrel. Makakaasa ka!" 

Dinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. 

"Hindi ikaw ang tatawag, Talianna. Ako..." Malumanay niyang saad. "Ako ang tatawag sa'yo. Tatapusin ko lang ang trabaho ko rito. Pagkatapos tatawagan na kita..." His voice was a bit cold and husky. 

Bahagya akong natulala, hindi malaman ang sasabihin.

"Tatawag ako, Talianna." he said, like it was a promise. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status