Share

CHAPTER 26

Matapos ang kalahating oras ay bumalik na rin si Cloud at inaya na akong umuwi.

Iyong nakita ko pala sa kuwarto niya before nang natulog ako sa bahay ng mga magulang niya ay iyong mga posters ng anime na nakadikit sa wall, puro action movies at series ang mga iyon kaya naisip ko na baka hindi siya nanonood ng mga love story na anime.

"Sa office na pala ako madalas mag-s-stay sa susunod na mga araw pero uuwi naman ako every night at every weekend." Kararating lang namin sa bahay, nasa sala kami ngayon at nanood sa telebisyon. Ganito ba talaga kapag may asawa ka na? Lagi mong ipapaalam sa asawa mo ang mga gagawin mo? Depende rin siguro.

"May office pala kayo?" Kahit na nanood siya ay sumusulyap pa rin siya sa akin kapag may sasabihin siya o kaya ay kapag sasagot siya sa mga tanong ko.

"May main office kami nila daddy para sa businesses namin."

"Sino ang mga kasama mo roon?" Naku-curious ako kaya tanong ako nang tanong. Curiosity killed the cat kaya, pero hindi naman ako cat so keri
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status