Share

Pranking the Businessman
Pranking the Businessman
Author: CoronLass

CHAPTER 1

Gara's Point of View

Lumipad patungo sa States ang boyfriend ko para tuparin ang pangarap niya na maging abogado anim na buwan na ang nakakalipas. Doon muna siya mag-aaral. Parang mas nanlamig na siya magmula noong araw na umalis siya sa Pilipinas.

Dahil lang kaya iyon sa lamig doon?

Halos hindi na rin siya nagpaparamdam pero pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na wala lang iyon. Na baka busy lang. Wala ni isang text o tawag man lang. Hindi niya rin sinasagot ang mga text at tawag ko.

Baka sobrang busy talaga.

Tinatatagan ko nalang ang loob ko at pinanghahawakan ang matagal naming pinagsamahan. Bago pa man siya umalis ramdam ko na ang panlalamig niya pero hindi ko nalang ginawang big deal dahil baka nagkakamali lang ako. Hindi ko nalang din pinansin ang sinabi ni Ida na baka kaya raw pumunta sa States ang boyfriend ko ay para mag-abog*go. Tutal magkatunog naman daw.

Gara Villareal Andrade, twenty-three years old, 5'6 ang height, maganda naman, at mapagmahal naman.

Habang lumilipad at naglalakbay ang aking diwa ay todo pala ang tingin sa akin ng kaibigan kong si Ida o Merrida Gomez Sandoval, she is my bestfriend for eight years.

"Ida?" sambit ko.

"What?"

"Sa tingin mo ba naaalala ako ni Tary at mahal niya pa rin ako kahit nasa malayo na siya?" Si Tary, ang boyfriend ko. My first ever boyfriend and hoping that he will be the last.

"Hindi ako mapatingin, Gara."

"Sa palagay mo ba okay lang siya roon at wala siyang ibang babae sa America? Hindi na kasi siya nagpaparamdam."

"Hindi ako mapalagay, girl!" natatawang sambit ni Ida. Aba naman! Napakapasaway niyang babae.

"Nang-aasar ka, girl? Seryoso ako rito ah. Iiyak ako, sige ka!" Imbes na kaawaan ako ay tinawanan niya pa ako lalo. Nice, right? Napaka-supportive niyang kaibigan. Find a friend like Ida. She is supportive for real, madalas nga lang nanti-trip.

"Kung talagang sapat ang pagmamahal niya sa'yo ay hindi iyon makaka-isip na mambabae," seryosong sambit niya. Parang love guru kung magsalita eh. Ang kaninang tumatawa kong kaibigan ay naka-poker face na ngayon.

"Sa tingin mo ba sapat ang pagmamahal niya sa akin?"

"Ikaw, ano sa tingin mo?" Sabi na nga ba ibabalik niya sa akin ang tanong na iyon. Sabagay, tama naman na ako ang sumagot dahil ako ang mas nakakaalam. Hot seat!

"Sapat! Naniniwala ako," matapang kong sambit. Alam kong mahal na mahal ako ni Tary at mahal na mahal ko rin siya. Nagmamahalan kaming dalawa. Mahal ko siya.

"That's it! I guess we're done here. Punta tayong Mall, Gara!"

"Sige-sige. Tutal lagi nalang tayong nandito sa bahay. Nakakasawa na ring tumitig sa kisame, panooring gumapang ang mga langgam, lumanghap ng alikabok, at titigan ang mukha mo HAHAHA!"

"Ang dami mong sinabi. Eng-eng ka talagang babae ka!"

"Hoy! Hindi ako engot, 'no!"

"Naku, itatanggi mo pa e kinakausap mo nga iyong alaga mong isda na si Tilaffy at marami ka pang ginagawang ka-elyenan lalo na kapag bored ka."

"Ases, oo na lang HAHA!"

"Magbihis na nga tayo at nang maka-alis na tayo agad."

Kung tatanungin ninyo kung sino ang pinakamatagal mag-ayos ng sarili sa aming dalawa ni Ida ay siya iyon. Light and simple make up lang ay sapat na sa akin plus simple outfits lang din.

Oversized t-shirt na kulay violet na may minimal print malapit sa may dibdib at pants lang ang suot ko.

Nang nasa mall na kami ay naglibot-libot muna kami dahil hindi namin talaga alam kung ano ang bibilhin namin. Napadaan kami sa store ng mga bags at hinila talaga ako ni Ida para pumasok sa loob.

"Look, Gara! Ang gaganda! Waaa!" masiglang sambit niya sabay sipat-sipat sa bawat bag na matapunan niya ng pansin. She really likes bags while ako hindi mahilig.

"Mas maganda roon sa kabilang store," bulong ko sa kaniya. Bulong lang baka kasi may makarinig.

Matapos ang ilang minuto ay napilit ko na rin si Ida na lumipat kami sa ibang store.

"Kainis ka naman! Mas magaganda roon sa unang store na pinuntahan natin, eh!" sambit ni Ida na medyo naiinis na sa akin.

"S'yempre joke lang iyong kanina hehe. May mga stuff toys kasi rito kaya gusto kong lumipat tayo."

"Sabi na nga ba eh!"

"Sorry na po, madam."

"I understand you. Pasaway ka talaga."

"Yey! Sabi na nga ba't hindi mo ako matitiis eh!" Niyakap ko siya para makabawi at niyakap niya rin ako. Para kaming tangang nagyayakapan sa loob ng store habang marami ang namimili.

"Sige na, pumunta ka na roon sa mga stuff toy at pipili na rin ako ng bags na bibilhin ko." Naghiwalay muna kami ng landas pansamantala.

Sobrang tuwang-tuwa ako sa mga human-sized teddy bear na nakikita ko at sobrang hirap pumili ng bibilhin. Lahat ay cute at adorable! Kahit papaano ay bahagyang natutuon sa iba ang atensiyon ko at hindi ko na masiyadong naiisip si Tary. Deserve ko rin naman ng break kahit papaano.

"Hoy! Ang tagal mo bumili, inday. Well, tama ka naman na mas magaganda ang mga bags dito. I bought two oh and I really loved it!" may pagmamalaking sambit niya at ipinakita pa ang mga bags na binili niya. Ang gaganda nga ng nabili niya at for sure maganda rin ang presyo.

"Baka matagalan pa ako. Hindi ako makapili eh."

"Sige, antayin kita sa isang coffee shop. Medyo sumama kasi ang sikmura ko at kailangan kong maka-inom nang medyo mainit-init. Te-text ko nalang sa iyo ang name ng coffee shop ah."

"Sige-sige. Susunod ako agad."

"Bye muna." Masayang ngumiti muna si Ida bago na lumakad papalayo.

Nakapaganda talaga ng kaibigan ko! Ida has short hair, parang hair ni Dora na kulay uling. Pero ang pinagkaiba lang kay Dora ay kulot ang buhok ni Ida. Parang curly spaghetti ang hair niya pero hindi iyon nakabawas sa kagandahan niya. Maputi rin siya at makinis ang balat. Kaya nga lang ay manipis ang kilay niya kaya ako ang madalas na nagkikilay sa kaniya para magmukhang makapal din. She is NBSB (No Boyfriend Since Birth) at SSB (Single Since Birth) dahil wala sa isip niya ang pagbo-boyfriend haha. Masaya raw kasing maging single. Malaya.

Nang makapili at makabili na ako ng regular-sized teddy bear ay pumunta na ako sa coffee shop kung saan naroon si Ida. Ang cute ng name ng coffee shop kung nasaan siya.

Nasa malayo palang ako ay agad na akong nakita ni Ida kaya naman kumaway-kaway pa siya habang ang lawak ng ngiti sa mga labi niya. Lumilitaw ang mga biloy niya lalo.

"Wow! Violet ah," sambit ni Ida nang makita niya ang bitbit kong teddy bear habang papalapit ako sa kinaroroonan niya.

"S'yempre naman. Violet is my favorite color." Pangpatay daw na kulay ang violet pero para sa akin ay hindi. For me, unique ang kulay na violet dahil iilan lang ang nakaka-appreciate rito. Saka malapit sa puso ko ang violet. Sobrang lapit.

"I know, dear. Umupo ka muna at ako na ang mag-o-order ng kape mo. Anong gusto mo?" Mabait talaga si Ida, sobrang caring na kaibigan. Kaibigan na hindi ka hahayaang mag-isa at palaging nandiyan kapag kailagan mo ng karamay.

"A cup of Cappuccino lang."

Tumayo na siya. "Okay, wait for me here. Mag-o-order lang ako sa counter."

"Thanks, Ida!" nakangiti kong sambit.

Habang wala pa si Ida ay binuksan ko muna ang bag ko para sana kunin ang librong binabasa ko. Pag-angat ko ng libro ay may biglang nahulog at nilipad ito ng hangin na nagmumula sa malapit na stand fan sa may table namin ni Ida.

Medyo malayo-layo ang narating nito kaya kinailangan kong tumayo at maglakad para kunin ito. "Ba't kasi iyon pa ang nahulog? Sana itong bente pesos ko nalang," pabulong kong tanong sa sarili ko habang papalapit na sa larawang nilipad ng hangin.

Akmang pupulutin ko na ito nang bigla kong nasagi ang isang table kung nasaan naka-upo ang isang lalaki na akmang hihigop ng kape. Dahil sa nasagi ko ang table ay umurong ito nang bahagya kaya nasagi rin ang kamay ng lalaki at napatakan ng kape ang kaniyang suot. "Patay!" agad kong nasambit. "Gosh. Sorry!"

"You're so clumsy, miss. Look what you did!" Itinuro niya ang suot niyang polo shirt na may stain na ng kape.

Tsk, ang suplado. Nag-sorry na nga eh.

Hindi ko muna siya pinansin bagkus ay pinulot ko muna ang larawan ng boyfriend ko. Matapos ko itong pulutin ay muli ko siyang hinarap.

"Sorry lang ho! Tao lang din po ako, nakakasagi rin minsan. Napaka-arte mo ho."

"Talk to yourself, miss. You're not worth it to argue with." Agad na siyang tumayo at tumalikod na ni hindi man lang ako hinayaang makapagsalita pa.

Napakayabang!

Pinanood ko nalang siya habang lumalakad papalayo. Balak ko pa sana siyang sigawan kaso nahiya na ako dahil kami na pala ang center of attraction. Nakakahiya.

Matangkad siyang lalaki at maputi ang balat, kapara ng ulap sa mainit na tanghali. Sobrang tangos ng ilong niya, parang ilong ng Amerikano! Naalala ko tuloy ang Mt. Everest dahil sa ilong niya. Matipuno ang katawan, halatang nag-gi-gym. Makapal ang kilay niya, kakulay ng uling ang buhok niyang clean cut ang gupit na maayos ang pagkakasuklay. Mukha siyang anak ng milyonaryo! Mukha lang naman. Pero nakakainis pa rin siya!

"Gara? Ano 'yong eksena niyo kanina rito ha? Mala-teleserye ah. Isang g'wapo at magandang nilalang encounter sa coffee shop. Just wow!" Hindi ko alam kung nang-iinis ba itong si Ida o kung ano.

"G'wapo ba kamo? Saan naman banda? Sa dulo ng buhok niya?"

"Ases, g'wapo naman talaga iyong si kuya ah."

"Ah, wala akong pakialam."

"Oh, ayan na ang kape mo." Inilapag na ng isang staff ang kape sa table namin pero wala na ako sa mood na magkape pa. Buwisit na suplado na iyon talaga.

"Tara na, Ida. Uwi na tayo."

"Oh, bilis naman? Pero sige, tara na. Halatang wala ka na sa mood na maglibot-libot pa." Iniligpit namin ang mga gamit namin at iniwan nalang ang kape sa table.

Aalis na sana kami sa coffee shop nang bigla kong nakita ang mga fruit na nasa counter.

"Are you selling these fruits?" tanong ko sa babaeng nasa counter.

"Yes, ma'am."

"Give me an apple and two oranges. How much?" Hindi ko na tinanong si Ida kung gusto niya dahil hindi naman siya mahilig sa prutas, ni hindi nga siya kumakain. Ang alien niya sa part na iyon.

"One hundred pesos, ma'am." Inilagay niya na ang apple at oranges sa isang paper bag at iniabot sa akin, nakangiti ko naman itong kinuha.

Matapos kong magbayad ay tuluyan na kaming umalis sa coffee shop. Nasa labas na kami ng mall nang may nakita akong engot na nakatalikod sa may parking lot, may kausap yata sa cellphone. Bigla nalang may pumasok na kalokohan sa isipan ko kaya naman...

"Tara takbo!" mahina kong sambit at hinila si Ida para tumakbo papalayo.

Nang nasa kalayuan na kami ay huminto na rin kami para makapagpahinga muna.

"Ano ka ba, Gara?! Ba't mo siya binato ng mansanas, huh?" seryosong tanong ni Ida habang pinupunasan ang butil-butil niyang pawis. Buti nalang pala at sapatos ang suot namin dahil kung hindi ay baka hindi ko nabato ng mansanas ni Eba ang lalaking iyon. Dahil mahihirapan kaming tumakbo kapag nagkataon. Nakikisama pa rin ang pagkakataon.

"He deserved it. Napakayabang niya. Napakasuplado pa!"

"Kahit na. Hindi mo dapat ginawa iyon. Natamaan siya ng apple na ibinato mo. Alam mo lagot ka kapag nalaman niyang ikaw ang bumato sa kaniya. Pasalamat ka dahil hindi agad siya nakalingon kanina nang binato mo siya."

"Huwag mo ako konsiyensyahin, Ida. Hindi naman siguro masakit iyon at hindi naman siguro siya mababalian dahil sa pagbato ko."

"Hindi mo ba narinig sinabi niya kanina?"

"Ano raw ba?"

"You'll pay for this no matter who you are raw."

"Ases, iyon ba? Para namang natatakot ako sa kaniya."

"Napakatapang mo rin talaga eh, 'no?"

"Oo naman. Hindi ang katulad niya ang makakapagpatiklop sa isang katulad kong maganda."

"Taas din ng self-confidence, 'te."

"Of course. Tara na't bumalik na tayo sa parking lot, for sure wala na ang bakulaw na iyon."

***

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status