Share

CHAPTER 3

Sai's Point of View

Party-party wooo! Well, the party is actually done and it went well.

Sa aming magkakaibigan ay ako ang pinakamatagal malasing at si Cloud naman ang pinakamabilis, siguro ay dahil sa bihira lang siya uminom ng alak.

Mahirap siyang gisingin kapag talagang lasing na at madalas talaga ay hindi na niya alam ang nangyayari sa paligid niya kapag sobra na ang alak sa katawan niya. Iyong tipong black out talaga lahat at wala siyang maaalala pagkatapos niya makatulog o kaya ay mawalan ng malay. Kapag knock out na kumbaga.

May minsan nga na hinila nalang namin siya para mailipat namin sa isang kuwarto para makapagpahinga siya roon mag-isa dahil lasing na rin kami at hirap na magbuhat ng isa pang lasing. Kinaumagahan tinanong namin siya kung paano siya nakarating sa kuwartong iyon at ang sagot niya ay hindi niya raw alam. Creepy, right?

May minsan din na kinurot ko siya, ang sagot niya naman nang tinanong ko siya kung may naramdaman ba siyang masakit nang tulog na siya dahil sa kalasingan ay wala rin daw.

Umiinom lang siya kapag kami ang kasama niya. Kapag lasing na siya at talagang plakda na ay hindi talaga namin iniiwanan dahil mahirap na baka manakawan pa o kaya ay baka mapag-trip-an pa ng kung sinu-sino.

"Ito pala ang hindi mabilis malasing ah haha," nasambit ko nalang bigla.

Matagal na naming napapansin ang patungkol sa problema niya kapag nalalasing siya pero hindi lang namin pinapahalata na nakakahalata na kami. May plano kasi kami ni Sandy sa kaniya haha. Balak talaga naming lasingin siya.

Mahimbing na siyang natutulog. Boom, plakda!

Ala-una na ng madaling araw at kakaunti nalang ang tao sa bar kung saan si Sandy nagpa-party. Umuwi na ang mga bisita. Iyong mga babae naman na katabi namin ay parte lang din ng plano para sa gagawin namin kay Cloud at hindi totoong nakikipagharutan kami sa kanila.

Ilang hakbang lang mula sa bar ang Hotel Del Sorpresa kung saan kami magpapalipas ng oras.

"P're, dalhin na natin si Cloud sa room niya," sambit ni Sandy na kanina pa gustong umalis sa bar kaya lang ay hindi siya makaalis kaagad dahil may mga bisita pa nang maaga pa. Kasama nalang namin ang iilang staffs ng bar na nagliligpit at naglilinis ng mga bagay-bagay habang ang iba sa kanila ay panay ang kahihikab dala na rin ng antok.

"Sure." Ipinatong ko ang isang braso niya sa leeg ko at ganun din ang ginawa ni Sandy sa isang braso ni Cloud para maalalayan namin siya patungo sa room niya, ang room na magsisilbing venue upang maisakatuparan namin ni Sandy ang plano namin sa kaniya. Sumasayad ang dalawang paa niya sa floor habang hirap na hirap kami sa paggawa ng paraan para maihatid siya sa room niya gamit ang buo naming lakas. Ang bigat niya! 

Buti nalang hindi uminom si Sandy. Hindi ko alam kung paano niya napagtagumpayan ang karisma ng alak samantalang puro alak ang kaharap niya kanina. Talent niya siguro.

Plus, dito pa talaga sa bar kung saan maraming alak niya pa naisipang mag-celebrate tapos hindi rin pala siya iinom o baka sadyang ganun lang talaga ang paghahanda niya para sa plano namin kay Cloud.

Inihiga na namin si Cloud sa kama at sandaling umupo muna kami sa sofa para makapagpahinga. Sumulyap ako kay Sandy na katabi ko lang din ngayon at agad kong nasilayan ang isang nakakalokong ngiti.

"Let's bring it on!" patawa-tawa kong sambit. Buti nalang at game rin itong si Sandy sa kalokohan hahaha.

"Do it, Sai!" mahinang sambit ni Sandy na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

"I'm so excited, bro! Wahaha!" mahina ko ring sambit na may kasamang mga cute na tawa. Cute dahil cute ako.

Inumpisahan ko nang tanggalin ang suot na damit ni Cloud, of course, with tender loving care haha. Baka kasi magising ang loko. "San, tulungan mo akong tanggalin ang pants niya."

Agad naman akong tinulungan ni Sandy, ako ang humihila sa pants samantalang siya ang nakaalalay sa katawan ni Cloud para madali kong maalis o mahila ang pants. Sobrang ingat pa rin namin sa bawat kilos namin kahit na alam naming walang kamalay-malay ang loko sa pinanggagawa namin sa kaniya.

Ngayon lang namin ito gagawin sa kaniya para naman may pagtatawanan kami kapag nagkabukingan na lalo na at sobrang focus ni Cloud sa business at halos hindi na nakakapagsaya man lang plus wala rin kasing hilig sa mga gimik.

Napaka-private person niya rin, iyong tipong suwerte mo na kapag naging kaibigan mo siya o kaya kapag napansin ka niya. Hindi kasi siya basta-basta nagpapasok ng tao sa buhay niya lalo na at sanay siyang mapag-isa.

He adheres the thought of quality than quantity.

"It's set," sambit ni Sandy habang malawak ang ngiti at nakatingin sa akin. Hinubaran namin ng brief si Cloud haha! Pero siyempre kinumutan muna namin siya bago namin ginawa iyon, so hindi rin namin nakita haha! "Labas muna ako ah," pagpapaalam niya bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Few minutes had passed.

"Ang bilis mo namang nakabalik?" May pagkagulat na mababakas sa boses ko, ang bilis niya kasing nakabalik.

"Of course!" May nakakalokong ngiti sa labi ang loko. Bigla namang pumasok ang isang babaeng nakasuot ng sexy outfits at puro kolorete ang mukha.

"Hoy, Sandy! Anong binabalak mo?! Ba't may babae?"

"Chill. We need her."

"Eh?"

"Ang slow mo rin. Siya ang hahalik sa leeg ni Cloud para magka-marks. Para naman halatang labi ng babae. Alangan namang ako o kaya ikaw ang gagawa. Gusto mo bang mag-lipstick ha?"

"Ahhh. Ba't ba hindi ko naisip iyon?"

"Hindi ka kasi nag-iisip."

"Ouch naman, bro!"

"Yo, just kidding."

"Sige, miss. Gawin mo na," sambit ko sa babae.

"Miss, halik lang ah." Parang tanga itong si Sandy eh haha. Sabagay mas maganda na ang malinaw.

"Sure, boys." Luh, medyo flirty itong si ate ah.

"Miss, iyong kapani-paniwala sana na may naka-ano siya," sambit ko.

"I can do that. Professional kaya ako." May kayabangan din pala itong si ate girl.

"Sige, ikaw na bahala." Bossy din itong si Sandy haha. "Basta don't cross the limits."

"Noted." Nag-apply na siya ng lipsticks, iyong pulang-pula. Maya-maya lang ay nilapitan niya na si Cloud at inilapat ang labi niya sa leeg nito. Halatang may diin para mas kumapit ang lipstick. Hindi ko alam kung magtatagumpay ba kami.

Hindi namin iniwan si ate girl hanggang hindi pa natatapos ang ginagawa niya.

In fairness ah. Ang ganda ng mga marka ng labi niya na naiwan sa leeg ni Cloud. Iilan lang din dahil hindi na magiging kapani-paniwala kapag sobra.

"Done!" masayang sambit ni ate girl. "Mag-iiwan ako ng panty at bra rito para mapaniwala natin siya."

Nuks! Natin daw oh haha. Lakas talaga ni ate girl.

"Thank you, miss! Here's your payment!" sambit ni Sandy bago iniabot kay ate girl ang payment niya.

"Thanks! Gotta go."

"Thank you, miss." Nag-wave pa ako ng kamay ko ka sa kaniya habang papaalis na siya. We should be very thankful sa kaniya dahil pakiramdam ko magiging successful ito.

"Tulog na tayo, pre. Tutal ayos na rin naman. Naka-set up na lahat. Ginulo-gulo na rin ng babae iyong mga bagay-bagay dito at iyong mga dapat ikalat para magmukhang may nangyari talaga tsaka may tiwala ako roon dahil trusted naman ang nag-recommend sa kaniya.

Hindi naman siguro sobrang magagalit si Cloud kapag nalaman niyang pinag-trip-an namin siya dahil hindi naman siya hinalikan sa labi ng babaeng iyon.

"Lezzz go! Hayaan na muna natin siyang magpahinga," sambit ni Sandy.

Lumabas na kami ng kuwarto pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay nag-flying kiss ako kay Cloud.

Love you, bro! We love you.

CLOUD'S POV

Ang sakit ng ulo ko! Arghhh! Umaga na pala. Nalasing ako kagabi ah. Hinatid siguro ako nila San at Sai rito sa kuwartong ito.

Buti nalang may mga kaibigan akong katulad nila, maaasahan. Talagang kinumutan pa nila ako oh.

"Wait! What the h*ck! Ba't ako n*******d? What the?! Ba't may malagkit sa leeg ko?!" Pinahid ko kaagad ang kung anong malagkit sa leeg ko gamit ang kanang kamay ko at laking gulat ko nang maamoy ko kung ano iyon, kulay pula pa talaga.

"Lipstick?!"

Agad akong tumayo at pumunta sa banyo. Humarap ako sa salamin at...

"Bullsh*t! What happened last night?!" May mga something sa leeg ko, the h*ck!

"Cloud? Can we come in?" tanong ni Sai sa akin mula sa labas ng kuwarto. 

"Pasok. Bukas iyan." Ang aga-aga pero wala na agad ako sa mood.

"Oh, ba't parang ang sungit mo?" sambit ni Sandy na naka-poker face lang.

"Look at me! Tell me what happened kagabi!" Naiirita na talaga ako. It sounds nakakabakla pero iritang-irita na talaga ako. Nakakabwisit! Ano ito may naka-ano ako kagabi o baka naman may nang-rape sa akin kagabi rito sa kuwartong ito? The h*ck! Gulong-gulo na ako!

"Huwag mo kaming lokohin, Cloud! Hahaha! Enjoy na enjoy ka pa nga kagabi. Rinig na rinig namin mula sa kabilang room. Naku ah, maang-maangan effect ka pa. Sino iyong baby mo kagabi ha?" sambit ni Sai. Napakadaldal niya kahit kailan. Ang sarap niyang pakainin ng sili. Pero ano raw? Ako nag-enjoy kagabi? Wala akong maalala sh*t!

"Underwear niya ba ito?" tanong ni Sandy habang itinuturo ang panty.

Ano?! Walang h*ya! Bakit may panty dito?! Anong ibigsabihin nito? Totoo ba?!

"I don't know a thing about that! Ano bang nangyari?!"

"Malay namin sa'yo! Katawan mo iyan tapos hindi mo alam?"

"Iyon na nga eh. Hindi ko na maalala ang nangyari kagabi. As in hindi talaga!"

"Problema iyan, Cloud." Ano bang sinasabi ni Sandy? Anong problema?!

"What do you mean by that?" tanong naman ni Sai.

"I mean kapag nabuntis niya iyong naka-anuhan niya kagabi."

"Stop saying that, Sandy! That won't happen. Magtatago ako."

"Nagsasabi lang ako nang p'wedeng mangyari. Mas maganda na ang handa ka."

"Isa lang iyong pagkakamali! It's just a piece of sh*t!" inis kong sambit habang pinipigilang huwag mag-isip ng kung anu-ano.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status