"Bawal ko ba yakapin ang asawa kong maganda?" Agad niya akong pinakawalan mula sa mahigpit niyang yakap bago bahagyang tumawa. "Na-carried away lang. Sorry." "Tongeks, okay lang. Huwag ka ngang mag-sorry diyan. Alam ko namang natuwa ka lang kaya mo ako niyakap. Binibiro lang din kita na bawal though bawal naman talaga HAHA!" Nanood na siya ulit pero alam kong pinapakinggan niya lang ako. Ang ganda ng movie kaso distracted na ako dahil nasimulan ko nang mag-ingay. Kahit kailan talaga itong bibig ko! Hanggang sa matapos ang movie ay hindi na ako nagsalita pa ulit. Mabuti nalang naintindihan ko rin ang buong concept ng movie kahit na may mga hindi akong napanood na part dahil sa pagtatanong ko kay Ulap. Naging bata ang isang goldfish sa movie na pinanood namin, medyo magical ang ibang mga bagay-bagay. May point na naaalala ko si Tilaffy habang nanunood ako, naisip ko rin na baka maging bata rin si Tilaffy pero imposible ang iniisip ko HAHA! Weirdo. In-off na ni Ulap ang laptop. "Saba
GARA'S POVSince Saturday ngayon ay dito lang kami sa bahay mag-i-stay, pati Sunday free day para sa amin. Monday to Friday lang ang office day namin. Kagagaling ko lang sa second floor, kagigising ko lang din kasi at 7:00 a.m. na ako bumangon. Kinukusot ko pa ang mga mata ko habang nagtitimpla ng gatas. Dapat daw kasi uminom ako ng gatas every morning sabi ni Ulap. Katatapos ko lang ilagay ang mainit na tubig sa baso nang may nag-doorbell. "Manang, pasuyo naman po. Pakitignan naman po kung sino ang nag-doorbell, papasukin niyo na rin po. Salamat po!" Nasa sala kasi si Manang, pinapakain niya si Tilaffy. "Sige. Ako na ang titingin kung sino iyon." Lumabas na agad si Manang para tignan kung sino ang nag-doorbell. "Wala naman kaming ini-expect na bisita ah."Matapos kong humigop ng gatas ay may narinig ako na pamilyar na boses na nanggagaling sa labas kaya mabilis akong lumabas ng bahay. Hindi nga ako nagkamali kung sino siya. Bakit ngayon pa, tadhana?! Parang bumigat ang pakiramd
"Ang shunga! Naiwan mo mga gamit mo sa bahay niya!" Bahagya kong nasapo ang sintido ko pero hindi na ako nagsayang ng oras at pumihit na agad pabalik kung nasaan banda ang bahay niya. Magkahalong inis at sakit ang nararamdam ko ngayon pero pilit kong pinupunasan ang mga luha ko para hindi mahalata ni Ulap na sobrang umiyak ako. Ayaw kong kaawaan niya ako! Ito naman ang pride ko. Nakakainis na talaga! "I super miss you, baby loves! Super-super! As in super talaga! I missed that lips. That voice. That face. That stare. Arggg! I missed everything about my baby loves! How about you, did you miss me ba?" Kahit hindi pa ako nakakapasok sa bahay ay rinig ko na ang litanya niya. Kailan pa nagkaroon ng haliparot sa bahay na ito?! Ang arte magsalita! Dali-dali akong pumasok para makuha na ang mga gamit ko para tuluyan na akong mawala sa buhay niya! Bilis-bilisan mong maglaho, Gara! Huwag kang makupad! Hindi na ako nagulat na may kasama siyang babae pero ang ikinagulat ko ay ang paghahalikan n
CLOUD'S POVNakakagalit talaga! Akala ko magkakaanak na ako, akala ko daddy na ako! Puro kasinungalingan lang pala iyon! Ang bobo ko rin talaga sa part na hindi ko man lang siya hiningian ng proofs na magpapatunay na buntis talaga siya. "T*nga mo, Cloud!"Hindi ko man lang ginamit ang utak ko! Ipakausap ka ba naman sa daddy niya na terror, hindi ka pa ba mapapaniwala na buntis talaga siya? Daddy niya naman iyon sa pagkakaalam ko dahil may mga pictures sila sa timeline niya. I just never thought that it would happen at all! That this is possible! She is indeed a self-proclaimed prankster na wala lang magawa sa buhay! Isa pa itong si Yvo, bumalik na siya. Bumalik siya kung kailan hindi ko na siya mahal, kung kailan naka-move on na ako. Ang komplikado na tuloy! Si Yvo ang unang humalik sa akin kanina, malas pa na saktong naabutan kami sa akto. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya kanina nang makita kaming naghahalikan ni Yvo pero nakaramdam ako ng tuwa dahil pakiramdam ko nasaktan k
Gara's Point of ViewLumipad patungo sa States ang boyfriend ko para tuparin ang pangarap niya na maging abogado anim na buwan na ang nakakalipas. Doon muna siya mag-aaral. Parang mas nanlamig na siya magmula noong araw na umalis siya sa Pilipinas. Dahil lang kaya iyon sa lamig doon? Halos hindi na rin siya nagpaparamdam pero pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na wala lang iyon. Na baka busy lang. Wala ni isang text o tawag man lang. Hindi niya rin sinasagot ang mga text at tawag ko. Baka sobrang busy talaga.Tinatatagan ko nalang ang loob ko at pinanghahawakan ang matagal naming pinagsamahan. Bago pa man siya umalis ramdam ko na ang panlalamig niya pero hindi ko nalang ginawang big deal dahil baka nagkakamali lang ako. Hindi ko nalang din pinansin ang sinabi ni Ida na baka kaya raw pumunta sa States ang boyfriend ko ay para mag-abog*go. Tutal magkatunog naman daw. Gara Villareal Andrade, twenty-three years old, 5'6 ang height, maganda naman, at mapagmahal naman. Habang lumili
CLOUD'S POVI still could not forget my encounter with that woman. She has this special power that makes me irritated, like iyong presence niya palang nakakainit na ng dugo. She looks like isip-bata than a matured one. The way she acts? Clumsy! Hindi ko alam kung bakit ba naisipan ko pa na pumunta sa coffee shop kanina samantalang wala naman akong importanteng gagawin doon. That coffee shop is ours. My family loves coffee that is why we decided to have a business related to coffee, so we come up to a coffee shop. We have other businesses like resorts and restaurants too. I went there before 9 a.m. and decided to have a cup of coffee na rin habang tumatambay doon. Marami ring customers ang nandoon, some were having their coffees while some were just eating cakes and some sweets. "Good morning, Sir Cloud!" sabay-sabay nilang bati. We have ten staffs there at lahat sila ay talagang friendly. Well, they should be. "Good morning too!" casual kong sagot. "A cup of Hot Americano.""Sure
Sai's Point of ViewParty-party wooo! Well, the party is actually done and it went well. Sa aming magkakaibigan ay ako ang pinakamatagal malasing at si Cloud naman ang pinakamabilis, siguro ay dahil sa bihira lang siya uminom ng alak. Mahirap siyang gisingin kapag talagang lasing na at madalas talaga ay hindi na niya alam ang nangyayari sa paligid niya kapag sobra na ang alak sa katawan niya. Iyong tipong black out talaga lahat at wala siyang maaalala pagkatapos niya makatulog o kaya ay mawalan ng malay. Kapag knock out na kumbaga. May minsan nga na hinila nalang namin siya para mailipat namin sa isang kuwarto para makapagpahinga siya roon mag-isa dahil lasing na rin kami at hirap na magbuhat ng isa pang lasing. Kinaumagahan tinanong namin siya kung paano siya nakarating sa kuwartong iyon at ang sagot niya ay hindi niya raw alam. Creepy, right? May minsan din na kinurot ko siya, ang sagot niya naman nang tinanong ko siya kung may naramdaman ba siyang masakit nang tulog na siya dah
"Iinom-inom ka kasi tapos hindi mo rin pala kaya ang sarili mo. Shame on you, Cloud Corpuz Mendes!" Ano ba itong si Sandy?! Kung hindi niya naman birthday ay hindi rin naman ako iinom. "Kailangan talaga sabihin full name ko ha, Sandy? Problemado na nga ako oh!""Oh, chill lang. Ikaw kasi eh. Nag-aalala lang din ako sa'yo." "Sandy, malulusutan ko ito kung sakali mang may mabuo dahil sa nangyari kagabi," sambit ko para mabawasan man lang ang pag-aalala niya sa mga posibleng mangyari. "Sana kasi pinigilan niyo ako kagabi para hindi na natuloy ang nangyari.""Mahirap ka kayang pigilan. Okay na iyon. Handa naman akong maging ninong ng baby eh," pangiti-ngiting sambit ni Sai. Si Sandy sobrang concern sa akin samantalang itong si Sai nakukuha pang mang-asar. May saltik talaga siya minsan! He is getting into my nerves! "Sige lang, Sai. Ninong-ninong ka riyan! Magkatotoo lang talaga iyon, malalagot ka talaga sa akin! Kilala niyo ba ang babae? Anong pangalan niya? What she looks like? Is she