Cloud Mendes You're not friends on Facebook 9:23 PM"Hoy, lalaki! Ikaw na lalaki ka talaga ha! Alam mo bang nabuntis mo ako ha? Isang beses lang pero nabuo. May nabuo! Harapin mo ang responsibilities mo sa amin ng anak mo! Kailangan mo itong panagutan dahil itatakwil ako ni daddy pati na rin ang anak mo, gusto mo ba iyon ha?!"9:33 PM"Sabihin mo nga kung paano kita nabuntis! Bilis!"Tse! Seryoso ba siya sa reply niya? Luh, baka nga nakabuntis siya! Lagot ka sa akin ngayon haha. I will use this opportunity to make my prank a successful one dahil iyon naman dapat ang ending ng prank eh, dapat maging successful. 9:39 PM"Sa bar. Sa bar nagsimula ang lahat then dinala mo ako sa hotel at siyempre may nangyari sa atin kaya nga ako nabuntis. Lasing na lasing ka na nga that time! You don't have the right to just walk away from your baby... from our baby!"Mabilis kong pinindot ang send button pagkatapos ko i-type ang reply ko sa kaniya. Mukhang bossy siyang tao kaya mas hindi ako na-guil
Cloud's Point of ViewI was busy reading the sales and forecast report of the coffee shop when I decided to visit my Messenger to see if there were some messages from some clidents of our other businesses kanina. There was a message request so I opened it casually. And the content shocked me to the Moon and back! "What the h*ck, dude?" bigla kong nasambit. Ang laman pa naman ng message ay ito: "Hoy, lalaki! Ikaw na lalaki ka talaga ha! Alam mo bang nabuntis mo ako ha? Isang beses lang pero nabuo. May nabuo! Harapin mo ang responsibilities mo sa amin ng anak mo! Kailangan mo itong panagutan dahil itatakwil ako ni daddy pati na rin ang anak mo, gusto mo ba iyon ha?!" Talagang napanganga ako sa nabasa ko at sobrang hindi ako makapaniwala. Ang una kong tanong sa isip ko ay kung siya ba ang babaeng tinutukoy ni Sai at Sandy na nakasama ko sa hotel last time na nalasing ako. Yes, tama ang nabasa niyo dahil hindi pa ako umiinom ulit matapos ang gabing iyon, ang kasumpa-sumpang gabing iyon
Bago ako mag-breakfast ay nag-send ako ng message kay Mr. Abs na huwag na huwag siyang aalis sa meeting place habang hindi pa kami dumarating dahil magagalit talaga si daddy sa kaniya. Siguradong nakabusangot ang mukha niya after niyang mabasa ang content ng message ko hahaha! Narito na ako malapit sa Mi Amore Coffee Shop dahil 7:00 a.m. na pero nagtatago ako para hindi agad ako makita ng supladong iyon kapag dumating na siya. Ang plano ko kasi ay pag-antayin siya muna. After two hours bago ako magpapakita sa kaniya. Let us see kung ano ang gagawin niya, kung kaya niya bang mag-antay kahit na walang kasiguraduhan o aalis nalang siya dahil pakiramdam niya ay wala namang pakialam sa kaniya ang taong nakipagkasundo sa kaniya. Ano raw, self? Ang gulo mo rin eh. Akala ko ba bawal ma-late? Hindi ko pa nasisilayan ang anino niya ah. Sa meet up may batas, bawal ma-late. Sus, bigay-bigay siya ng time tapos siya pala itong mali-late ngayon. Filipino time pa more. Ten minutes late na siya.
"You know what hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang nabuntis ko at hindi ka lang pala OA, mataray ka pa," pagsu-suplado niya. Napakasuplado talaga ng buwis*t na lalaking ito. Buti nalang walang nakakarinig sa amin dito dahil kami-kami lang ang nandito sa coffee shop ngayon. Pinaalis niya muna ang mga staffs at ang ibang nandito kanina pero narinig nila ang unang pag-uusap nitong si Mr. Abs at ni tito. "Siya nga pala, this coffee shop is mine kaya huwag kang magtaka kung bakit tayo lang ang nandito ngayon at kung bakit napaalis ko sila kanina." Ang yabang din? Ede wow? Clap-clap? Pero maganda talaga ang coffee shop na ito. May mga fresh flower dito sa loob at environment friendly ang ibang gamit nila rito, gumagamit sila ng wooden spoons kaysa sa stainless or plastic spoons. Nagsi-sell din sila ng mga smoothie, tea, cake, cupcake, sandwich, etc. "Wala akong pakialam kung bakit hindi mo alam kung bakit ako ang nabuntis mo kahit maraming chixxx diyan sa tabi-tabi. Opsss! Kasalanan ko
CLOUD'S POV"Bakit ba kasi papakasalan ang lumabas sa bibig ko kanina?! Bakit kasi iyon ang nasabi ko?"Kainis naman kasi na-pressure ako roon sa daddy ng babaeng iyon, grabe rin kasi ang facial expression ng daddy niya kanina dahil parang mangangain ng buhay. Isa pa iyong nakakairitang babaeng iyon! Akala niya ba panalo na siya? Mali siya dahil nagsisimula palang ang laban at asahan niyang hindi ako magiging mabait sa kaniya. Pasalamat siya dahil sinabihan ko ang mga staffs ko na maging mabait sa kaniya. Nakauwi na ako sa bahay, nasa kuwarto ako ngayon specifically, at nag-iisip kung paano ko papakasalan ang babaeng iyon. I need to talk to daddy and mommy first. Nasa sala silang dalawa, si mommy ay nanonood ng favorite show niya samantalang nagbabasa naman ng newspaper si daddy. I will talk to them later. I just need to change my clothes and fix myself para naman presentable ako kapag hinarap ko sila. Formality pa rin. Hoping to come up with a good plan for the wedding with the
GARA'S POVThis is the second time na ang aga ko na naman nagising. It is just 4:00 in the morning pero ayon mulat na mulat na ang mga mata ko. That is very unusual dahil 7:00 to 8:00 a.m. talaga ang usual na gising ko. "Something is bothering me."Kitang-kita ko na madilim pa sa labas nang sumilip ako sa glass window ng kuwarto ko. Hindi ko maikakailang liwanag ang hatid ng mga bituin sa madilim na langit at nakakabighani silang pagmasdan. Naniniwala ako na laging may pag-asa at malalampasan ko rin ang problemang ito na ako mismo ang nagsimula. Iniisip ko si Tary dahil hindi pa rin siya nagpaparamdan at hindi pa kami nakakapag-usap. Ano kayang mangyayari kapag nalaman niyang ikakasal na ako? Pero hindi niya muna puwedeng malaman para hindi kami magkalabuang dalawa. Gagawa ako ng paraan para malusutan ko ito. Matagal pa naman ang balik ni Tary dito sa Pilipinas kaya alam kong maaayos ko ang problemang ito bago siya makabalik dito. Pero bakit kaya hindi umalma si Mr. Abs nang sinab
"Good morning, sir and ma'am." Napaka-welcoming naman ng dalawang security guards dito. "Good morning too!" nakangiting sambit ko. Samantalang tahimik lang ang bayawak at tuloy-tuloy lang sa paglalakad papasok sa bahay nila. Sumusunod lang ako sa kaniya habang sinusubukan kong pagmasdan ang kabuuan ng bahay. Ang laki ng bahay nila. Ang pinagkaiba lang sa bahay namin ay hanggang third floor ang amin. Kasya na yata ang limang pamilya sa kalakihan ng bahay na ito. "Try mo umayos kapag kaharap mo na sila." Grabe rin talaga siya. Masiyado niya yata akong minamaliit. "Ano ang tingin sa akin hindi maayos ha? Sa'yo lang naman ako masama dahil ang sama mo rin kaya fair lang iyon." Mahina lang ang pagkakasabi ko pero may diin ang bawat salita dahil nakakainis siya. Ayaw ko namang mag-ingay dito dahil nakakahiya naman. "Whatever. Shut up nakatingin na sila sa atin." Pasalamat siya na hindi na ako nakahirit pa dahil malapit na kami sa sala kung saan naghihintay ang parents niya at totoong na
I had a good sleep din dito sa hotel na tinuluyan ko pansamantala, ayaw kong mang-istorbo ng mga tao kaya pinili ko nalang na sa hotel nalang na ito magpalipas ng gabi. All my things are already here na rin sa kuwarto at kagigising ko lang ngayon. In-on ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras na at alas-sais na pala ng umaga. Naki-connect ako sa Wi-Fi rito sa hotel para tumingin ng mga message sa Messenger. "Susunduin kita sa inyo at 7:00 a.m. and wear a white formal dress or any white clothes." The message was sent 2 hours ago pero online rin siya ngayon. Friends na rin kami sa Facebook, siya ang nag-add. Nag-reply ako na wala ako sa bahay namin kaya tinanong niya ako kung nasaan ako, binigay ko ang name at address ng hotel sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Dapat hindi ko na dinaragdagan ang kasalanan ko pero ito parang mas pinapalaki ko pa ang problema. Nagpaluto nalang ako ng pagkain bago naghanap ng formal white dress or something na puwede isuot. After 6:30 a.m.