Share

CHAPTER 28

Pinagloloko yata talaga ako ni Cloud eh! Siya ba talaga ang babae niya? Bumalik agad ako sa office ni Cloud matapos ko silang makitang nag-uusap dahil mahirap na kapag nahuli niya akong sumisilip.

Mag-iisang oras na akong nag-iisa rito sa office niya, naglinis-linis nalang muna ako dahil hindi ko pa alam ang mga puwede kong maitulong sa kaniya at ayaw ko ring pakialaman ang mga bagay-bagay dito.

"Narito ka na pala." Mukhang good mood siya dahil ngumingiti-ngiti pa siya matapos magsalita at maaliwalas ang mukha niya. Epekto ba ito ng babae niya?

"Yep-yep, Ulap."

"Ulap?" May pagtataka sa mukha at napawi na rin ang ngiti sa mga labi niya.

"Tagalog ng Cloud ay ulap kaya ikaw si ulap. Huwag slow, translation lang iyan ng pangalan mo." Pangiti-ngiti pa ako matapos kong mag-explain.

"Ayaw kong tawagin mo akong ulap." Sumimangot na siya. Ang arte-arte akala mo kina-guwapo niya.

"And why?" Naisip ko lang na ibahin ang tawag sa kaniya since halos lahat ay tinatawag siya na Cloud. Gusto k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status