ChantriaBored na bored akong nakikinig sa adviser namin at sa mga palatuntunang dapat sundin sa klase. Halos paulit-ulit na lang ang sinasabi niya na para bang mga elementary student kami na hindi agad makaintindi.Not to mention, itong mga sinasabi niya naman ay ang talagang inaasahang gawin naming mga estudyante niya kaya bakit kailangang ulit-ulitin? Wala na tuloy akong nagawa kung hindi ang mangalumbaba sa lamesa ko at tumitig sa kawalan.“Makinig ka,” bulong ni Iwatani.“I already know what she’s saying. Hindi ka ba nabo-bored? Dapat ay nagsimula na tayong magklase. Sayang ang oras.”Napabuntonghininga na lang si Iwatani at hindi na nagsalita. Siya na lang ang nakinig para sa ‘ming dalawa kahit na alam kong narinig na niya ‘to nang paulit-ulit noon. I don’t understand the need to listen to this all the time. Halos lahat ng sumunod na subjects ay ganito ang sinasabi.Nagawi naman ang tingin ko sa lalaking ngayon ko lang nalaman ang pangalan. Dahil nagpakilala kaming dalawang tran
ChantriaPinatawag si Iwatani sa office nang nasa kalagitnaan kami ng klase. Hindi naman sinabi kung bakit pero wala na siyang nagawa. Muli niya lang akong sinulyapan bago isinara ang pinto ng room namin.Napabuntonghininga na lang ako at nagsimulang mag-take down notes. Nagkaroon na kami ng activity kanina para malaman daw namin kung ano na ang nalalaman namin sa subject niya. Ngayon naman ay nagsisimula na siyang magturo.Matapos ang lesson ay inutusan niya ang vice president, which is ako, na dalhin ang mga notebook namin sa faculty niya para i-check ang activity. To my surprise, Gab volunteered to help me. Noong una ay aapila dapat ako. Pero nang hawak na niya ang halos lahat ng notebook ay wala na akong nagawa. Hindi naman din umangal ang teacher namin.Wala namang kaso sa ‘kin kung may tumulong pero nagdadalawang isip lang naman ako dahil itong si Gab pa ang nagboluntaryo. Baka mamaya ay paulanan na naman ako ng kung ano-anong maaanghang na salita. This time, ako na lang ang pop
ChantriaPagdating namin sa gym ay may karamihan ang mga tao. Ayon sa kaniya ay marami talagang pumupunta rito kapag hapon. Sa umaga naman ay iilan lang. Tutal ay alas dyes ang klase namin, sinabihan ko siyang ayos lang sa ‘kin kung sa umaga na lang kami.Mas ayos na rin ‘yon dahil hindi ko kayang gabihin dito. I’d rather wake up early than sleep late.“Mag-stretch ka muna ng katawan,” ani Iwatani. “Pagkatapos ay saka ka mag-lift ng magaang weights. Kailangan muna nating i-warm up ang katawan mo. Kailan ka huling nagbuhat?”Hindi ko alam kung paano niya nalamang nagbubuhat ako pero hindi ko na tinanong. “Three or four months ago?” patanong na sagot ko.“Really?”“Yeah, I know. Matagal-tagal na rin dahil tumigil ako. I thought it won’t be useful anymore.” Umirap na lang ako dahil alam ko namang kasalanan ko. No need to rub it on my face.“Okay. We’ll start from scratch. Sabihan mo ako kapag tapos ka na para ma-guide kita. Kauusapin ko lang si Coach Jay.”I watched him as he jogs toward
ChantriaSa unli Samgyupsal namin napiling mag-dinner dahil mahilig pala ‘tong dalawa sa mga korean foods. Honestly, I’ve never tried korean foods before. Ang madalas kong kainin sa Canada ay Canadian, Thai at Mexican foods. Kahit nga roon ay hindi ako kumakain ng Fililipino foods maliban kung magpaluto si Carleigh. Siya kasi ang mahilig doon.Itong si Lorreine naman ang mahilig sa Samgyupsal at sa Japanese foods naman itong si Louella. Noong nakaraan daw kasi ay nag-ramen na sila kaya pinagbigyan naman niya ngayon ang kaibigan.Habang kumakain tuloy kami ay hindi ko maiwasang hindi mainggit sa pagkakaibigan nila. Sobrang close kasi nila kahit na medyo tahimik talaga ‘tong si Louella. Iyong simpleng pagpapaabot lang ng dish ay sobrang natural sa kanilang dalawa.I have a friend in Canada, Jackson. Pero hindi kami ganito ka-close. Siguro close kami kapag sa gala. Mahilig kasi kaming dalawa mag-travel noon lalo na ang mag-hike. Doon din kami nagkakilalang dalawa kaya iyon na ang naging
ChantriaGaya ng inaasahan ay nakaabang na si Iwatani sa ‘kin sa labas habang nakasandal sa pinto ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako kaya mahina lang akong nagpasalamat.Buong araw na naman kaming magkasama. Alam kong hindi maiiwasang kausapin ko siya dahil halos lahat ng dapat kong gawin ngayong araw ay may kinalaman sa kaniya. Pero as much as possible, ayoko siyang makausap kapag hindi naman talaga kailangan.If it’s about school, I’ll talk to him. Kung about sa gym, I can handle that. If it’s about Aling Tryna, I’ll go with the flow. Pero hindi ko na kayang makipag-asaran pa sa kaniya. Hindi ko na kayang marinig ang mga lame joke niya at tumawa na parang wala lang.Mukhang wala rin naman siyang balak na kausapin ako kaya mas magiging madali na lang ang lahat. Sa tingin ko nga ay pabor pa ‘to sa kaniya dahil hindi na niya ako kailangang plastic-in pa. He should have told me about it before, para hindi na siya nahirapang pakisamahan ako. We can be like this from the start. Eh ‘di
Chantria“Una kong naging kaibigan ang kakambal mo, si Carleigh,” panimula ni Iwatani. Narito kami sa bakuran ng bahay nila habang nakatanaw sa mga dumadaang sasakyan. Pareho kaming umiinom ng kape matapos naming makapag-dinner.Tahimik lang akong nakikinig sa kwento niya. Gaya ng sabi ko, hahayaan ko siyang ipaliwanag kung ano talaga ang nararamdaman niya. Kung galit siya sa ‘kin, kailangan kong tanggapin ‘yon.“Nagkakilala kami dahil pareho kami ng gym na pinupuntahan noon sa Canada. Noong nabubuhay pa kasi si tatay ay palagi niya akong sinasama roon dahil mas maganda ang turo kaysa rito. At isa pa, naroon ang main business ng pamilya niyo kaya kailangan ko rin iyong pag-aralan.”“Bata pa lang pala ay magkaibigan na kayo,” sabi ko, “pero bakit hindi kita kilala? Madalas din akong magpunta sa gym kasama siya at si Chanel.”Humigop muna siya sa kaniyang kape bago nagsalita. “Lagi na kitang nakikita noon kasama si Carleigh pero sa tuwing darating kayo ay pauwi naman ako. Hindi gaya niy
ChantriaBago kami umuwi ay muling pinatawag si Iwatani sa office kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya. I’m so tired today na gusto ko na lang makauwi at humilata sa kama ko.Paano ba naman kasi, ang aga kong gumising para mag-gym. Sa school naman ay tambak ang mga pinagawa ng mga teacher. Not to mention may mga homework pang pinauwi na kailangang ipasa bukas. I need to rest for a while, and ASAP!"Wait for me here," ani Iwatani. "I'll be quick."Halos mag-iisang oras na yata akong naghihintay sa labas ng office pero walang Iwatani na lumalabas. Mabuti sana kung naka-air conditioner itong hallway ay ayos lang. Pero dahil may nakatapat sa 'king araw ay halos humulas na ako. Gusto ko sanang kumatok o ano para magpaalam sa kaniya pero baka may meeting kasi sa loob. Kaya naman sa huli ay nag-send na lang ako ng message sa kaniya.Napagpasyahan kong mauna na sa parking lot at sa sasakyan na lang maghintay. I don't have his car key but at least walang araw doon na nakatir
Chantria“Ang laki naman pala ng bahay mo para sa sarili mo lang,” komento agad ni Lorreine pagkababang-pagkababa sa tricycle.Kasunod niyang bumaba si Louella na inilibot din agad ang tingin sa paligid. Mayamaya ay bumaling ang tingin niya kay Iwatani na nasa tabi ko naman. “Sasama ka ring mag-review?”“Nope. I live here.” Tinuro naman niya ang katabing bahay.“Oo nga pala. Childhood best friends nga pala kayo.” Napahagikgik pa si Lorreine sa sinabi niya pero hindi na lang namin pinansin. Ang kalog niya talaga kahit kailan. Walang pinipiling lugar. But it’s not like it’s a bad thing.“Tara na sa loob para maaga tayong makapagsimula at matapos,” pag-aya ko sa kanila.Nauna akong pumasok at sumunod lang silang dalawa. Nagpaalam naman na sa ‘kin si Iwatani at tawagin ko na lang daw siya kung may kailangan kami. Hindi ko alam kung ano ang kakailanganin namin para tawagin ko pa siya pero hinayaan ko na lang.“Dope!” bulalas ni Lorreine nang makita ang mini bookshelf ko sa sala. Nagsimula