ALIYA'S POV"Hi," nakangiting wika ko nang salubungin ko sina Gavin at Jacobe sa gate.Buti naman nakauwi na sila.Nakangiti rin nila akong sinalubong. Binigyan nito ng halik ang aking noo at ako'y niyakap."I am sorry," malumanay na sambit niya sa gitna ng yakapan namin.Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Sorry para saan? Para sa hindi ba nila pag-uwi kagabi?"Para saan, Gavin?" tanong ko."For everything," maikling tugon niya.Tiningnan ko si Jacobe na nasa tabi lang namin. Walang emosiyon ang mukha nito. Bakit parang hindi maganda ang kutob ko sa dalawang ito. May nangyari kayang hindi maganda sa pagitan nilang dalawa?Kumalas na si Gavin sa aming yakapan.Naningkit ang mga mata ko nang makita ang pasa sa gilid ng mga labi nito."Ano ang nangyari dito, Gavin?" tanong ko sabay mahinang hinaplos ang kaniyang pasa."Just. . .something happened lang. Pero not a big deal naman," sagot niya."Puwede ko bang malaman ang something na tinutukoy mo?"Nilingon ni Gavin si Jac
DEAN GAVIN'S POVNatuod ako sa aking upuan. Ni hindi ko nagawang pigilan siya palabas.He is making me insane right now, and I am still f*cking hard down there. I just let out a deep sigh.Tumayo na ako at agad na tinungo ang banyo. Sumasakit ang puson ko dahil sa pambibitin niya.I let out a loud moan after releasing the hot, white liquid. Pagkatapos ay pinunasan ko na ito ng tissue."HAVE you seen, Aliya?" I asked Kuya Elmer nang makita ito sa hardin."Hindi, boss," maikling tugon nito.Tinanong ko rin ang ibang tauhan ko pero pare-parehas lang ang mga sagot nila. . .hindi nila alam kung nasaan si Aliya.Pumasok ako kanina sa silid niya pero walang bakas na pumunta siya roon. Kahit sa silid ko ay wala siya.Where are you, Liya?Nilibot ko ang buong bahay pero hindi ko siya mahagilap.Nilakad ko ang daan papunta sa bahay nina Nanay Elsie at hinanap siya roon. Gaya ng sagot ng aking mga tauhan ay hindi rin nila alam kung nasaan ito. Hindi raw ito pumunta sa kanila ngayong araw.Pabali
DEAN GAVIN'S POVKinuha ko ang tumutunog na cellphone na nakapatong sa aking mesa.Bumalik na ako sa aking opisina dito sa kompanya. May pagkabahala pa rin naman ako pero walang patutunguhan kung sa bahay lang ako mamamalagi.Sinagot ko na ang tawag. It was from an unknown number again. Pero hindi ito ang numero ng nag-text sa akin nitong nakaraang mga araw."Dean." I heard a familiar female voice. "How are you?" she asked me. Ilang taon na din nang huli kong marinig ang boses niya."Genevieve," banggit ko sa pangalan nito."Nakikilala mo pa pala ako, Dean. Thank goodness! Akala ko kasi ay nakalimutan mo na ako. It's been years since the last time we saw each other," wika niya. "And oo nga pala, this is my new number. You can save it if you want. At pasensiya na sa istorbo sakaling busy ka. Buti na lang talaga at nakita ko si Jasmine sa mall kaya naitanong ko sa kaniya ang number mo. I am glad na ibinigay niya sa akin." Kaya pala may numero ako nito. She's Genevieve Barlowe, a childh
DEAN GAVIN'S POV"Gavin, may tumatawag," rinig kong wika ni Liya. Nagmulat ako ng aking mga mata at tinanggap ang cellphone na inilalahad nito."Good morning," dinig kong wika ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Napabangon ako dahil dito. Nilingon ko si Liya na pumasok sa banyo."Jen," sambit ko."Did I wake you up?""N-No.""Sorry for calling you this early. I just wanted to ask you kung pumayag na siya." I can hear excitement in her voice.Tiningnan ko ang banyong pinasukan ni Aliya. Hindi pa siya lumalabas mula roon."Hindi pa ako nakapagpaalam, Jen. Nakatulog na kami kaagad kagabi after maki--." Naputol ang nais kong sabihin. "Sobrang pagod ako kagabi kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya." Tumahimik ang kabilang linya. Sinulyapan ko pa ang hawak na cellphone kung pinutol na niya ang linya pero ongoing pa rin ang tawag. "Jen?" I called her name. Sakto naman ang paglabas ni Liya."Ah! Yeah! Nasa iisang bubong lang ba kayo, Dean?" seryosong tanong nito."Yeah! Why?""W-Wala
DEAN GAVIN'S POV"Long time no see, Dean Gavin Velasquez." Amusement filled her blue eyes together with her welcoming smile."Hi," bati ko rito. Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Tumayo ito at hinagkan ako."I've missed you so much, Dean," sambit niya sa gitna ng aming yakapan."Let's sit," wika ko pagkatapos ng aming yakapan.Hindi ito gumalaw kaya nagtaka ako."Hindi mo ba ako na-miss?" nakanguso nitong tanong. She looked upset.Bahagya akong bumuntonghininga."Na-miss din kita, Jen," walang ganang saad ko."Hindi ka naman napipilitan niyan," sarkastiko nitong sabi.Pinaghila ko na ito ng upuan kaya naupo na itong muli. Tinungo ko na rin ang kaharap nitong upuan at pumwesto na.Ilang saglit lang nang bumukas ang pinto. Pumasok ang mga staff ng hotel habang dala-dala ang mga pagkain namin."So, kailan ko makikita at makikilala ang girlfriend mo?" tanong ni Jen sabay subo ng hiniwang karne. Ang isang waiter ay nagsasalin ng white wine sa wine glass namin pareho.Hindi ko inaasahang i
ALIYA'S POV"Ayan, mas magiging malusog na kayo dahil nadiligan ko na kayo," nakangiting wika ko habang kausap ang mga bulaklak na aking diniligan."Hi," bati ng isang boses ng babae. Nilingon ko ito. Hindi siya pamilyar sa akin. Maganda ito, makinis at halatang mayaman. Nakasuot ito ng fitted pants at crop top. Maganda ang hugis ng katawan niya at mas matangkad siya sa akin. Mukha siyang isang modelo kung titingnan ang kabuuan niya."H-Hi," naiilang na bati ko."Puwede ko bang itanong kung nasaan ang amo mo?" nakangiting tanong niya sa akin.Ano ang sabi niya? Amo ko? Nalilito ako sa tinutukoy nito.Magsasalita pa sana ako nang isang pamilyar na boses ang aming narinig."Jen!" malakas na wika nito.Pareho namin itong nilingon. May matatalim itong tingin na parang ilang sandali lang ay mangangagat na.Lumapit ang babae kay Gavin at ito'y hinalikan sa pisngi."What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Gavin dito."Nakita ko ang kasambahay mo kaya lumapit ako rito para magtanong
THIRD PERSON'S POV"Busy ka ba, Jacobe?" tanong ni Aliya rito."Hindi naman. Ang trabaho ko lang naman ay bantayan ka," sagot ng binata."Jacobe," bulong ni Aliya. Lumapit ito sa lalaki at inilapit ang bibig sa tainga nito. "Makakaalis ba tayo ngayon dito? I mean, may pupuntahan kasi sana ako," sambit nito."Makakaalis naman. Sasabihan ko lang ang mga kasamahan ko na aalis na muna tayo. Para sa oras na maghanap si pinsan ay alam nila," wika ni Jacobe."Sigurado ka na ba diyan? Baka mamaya ay magalit si Gavin sa ating dalawa." Nagbubulungan lang sila dahil baka marinig ng iba."Siyanga pala, bakit ba tayo nagbubulungan?" nagtatakang tanong ni Jacobe rito. Bahagyang lumayo ang dalaga sa kaniya."Oo nga naman. Bakit kaya?" nagtatakang sambit nito.Naisip kasi nila na magpapaalam din naman sila sa mga ito kaya bakit pa sila nagbubulungan.Pinuntahan na nga ni Jacobe sina Erol, Elmer at iba pa. Ipinaalam niya rito na aalis muna sila saglit ni Aliya. Sisiguraduhin niyang safe ang kaibigan. N
THIRD PERSON'S POVNapapalakpak na lang si Jacobe habang kumakanta ang dalaga. Kahit na hindi kagandahan ang boses nito ay tiniis niya. Si Aliya naman ay halos mapaos na sa kakakanta. Nakailang kanta na kasi ito kaya halata sa boses nito na mapapaos na.Parang wala na sa sarili ang dalaga. Nilingon niya ang binata at nilapitan. Kinuha ang kamay nito at pinatayo. Ayaw man ay ginawa ni Jacobe ang nais nito.Nagtatalon at napapaindak sila sa saliw ng musika. Ngayon ay lumalabas na ang kaninang pinipigil ni Jacobe. . .ang sumayaw na parang walang problema. Ang umindak na parang wala nang bukas. Kahit siya ay napapakanta na rin. Sinasabayan ang galaw ng dalaga.Lumapit si Aliya sa mesa at doon nakita ang inuming alak ng binata. Nasa kalahati pa iyon. Agad na kinuha niya ito at nilagok. Napapikit siya nang malasahan ang mainit, mapait na medyo matamis at maanghang na inumin. Ngunit, hindi na niya iyon alintana dahil nilagok niyang muli ito. Ilang minuto lang nang makaramdam siya ng pagkahil