Napapabuntong hininga na lang ako habang nakaupo sa kubo malapit sa dagat. Pinagmamasdan ko ang mag aama na nakatampisaw sa dagat. Makikita mo talaga ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Harve itself is a good father. Nakikita ko iyon simula nang makilala niya ang dalawa. He spoiled the two so much. Lahat ng luho ng dalawa ay binibigay niyo. Kahit nga ayaw tanggapin ng nga anak nito ay wala din sila magagawa. Laging linya ng daddy nila ay bumabawi lang siya sa taong hindi niya ito nakakasama. Mga laruan, sapatos, mga damit at marami pang iba. Lahat ng iyon ay binibigay ni Harve sa kanila. Walang pag aalinlangan at walang pagdadalawang isip. Iniisip ko na nga lang kapag natapos na ang pagpalanggap sa pagitan namin. Ano na lang ang mangyayari sa mga anak ko? Will he still treat them like he always do? O magbabago ito? "Ang lalim ata ng iniisip ng anak ko." Napabaling ako kay tatay. Hindi ko namamalayan ang kanyang paglapit. Iniabot nito ang baso na may lamang juice. Agad ko itong ina
"Mali!" Sigaw ng aking isipan habang pinipilit na isara ang pinto ng kuwarto na siya namang pilit na binubuksan ni Harve. Mali talaga ang pagtakbo ko pauwi ng bahay. As in maling mali. Bakit ba kasi hindi ko naisip ang mangyayari? Dapat pumasok na sa isip ko na suaundan niya ako. Sa kamanyakan kasi ng hudyong lalake na ito--- malamang sa malamang. May magaganap na hindi ko na naman makontrol. He's always using a seductive way to seduce me. Pesteng lalakeng ito. Alam na alam kung paano ako mapapasuko. I don't even like him. "Umalis kang manyak ka, kung ayaw mong sumigaw ako dito at kuyugin ka ng mga kapitbahay." Mariin ang pagkakasabi ko para naman matakot siya, pero tumawa lang ito na mas ikinainis ko. Ang lakas ng loob niya na tumawa. "Tatay, gave me his blessings, babi. Kaya kahit sumigaw ka--- kakampi namin lahat ng mga taga dito." Napatirik na naman ang aking mga mata sa narinig. Bakit ba nagiging bobo ako ngayon? Of course, hindi mangingialam ang mga taga dito dahil alam nila
She's f*cking irresistible! How can I not be seduced by the way she looks? Ang maganda niyang mukha at mahahabang pilikmata, sabayan mo pa ng mapupula nitong mga labi na ang sarap damhin at hagkan. How can I resist someone like her? D*mn! Such a beauty. Hindi ko naman balak na inisin o galitin siya kanina. It's just that, gusto kong makalapit sa kanya at umpisahang gawin ang ipinangako ko kay tatay. Tungkol naman sa sinabi ko kanina sa kanya na inuudyukan ako ni tatay--- that's all true. Tarantado ako pero hindi ako sinungaling. Kinausap talaga ako ni tatay kagabi ng masinsinan. Hinintay lang pala niyang makatulog ang mag iina ko bago niya ako ayain sa may kubo. Kinausap niya ako tungkol sa kagustuhan nitong magkaroon ulit ng apo. Kontento naman daw siya sa kambal, pero mas gusto niya ng madami para daw mas masaya. Isang basketball team daw ang gusto niya. Akalain niyo 'yon? I know how hard and painful giving birth is. Kaya ayaw ko namang mahirapan si Rain kapag nagkataon. Haba
-RAIN'S POINT OF VIEW-Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari sa akin. Dapat nga hindi ko hinahayaang halikan niya ako at hawakan ang aking katawan. Pero ano 'tong nangyayari sa akin? Jusko! Ano na ang gagawin ko? "Nilalandi ka Lang niya kaya ganyan ang reaksiyon mo. Masyado ka lang nagpaakit sa taglay niyang kamanyakan. Wala kang nararamdaman sa kanya, Rain." Pagkausap ko sa aking sarili at napapatango pa. Oo nga naman, noh. Bakit hindi ko agad naisip iyon. I wouldn't gave in if he didn't seduce me too much. At ang pinaglalaban niya lang naman ay ang sinasabi nitong deal na huli ko nang nabasa. Ang lakas nga nang hinala ko na sinadya niya iyon. Impossible namang hindi ko nakita iyon. Masyado lang mabulaklak ang bunganga niya at kaya nitong lusutan kahit na kaliit liitang isyu. "Ate Rain!" tawag nang dalaga ni Mang Kanor; kumpare ni tatay. Naglalakad ito palapit sa aking gawi. "Sama ka daw sa plaza sabi ng tatay mo. Hinahanap ka na ng mga cute mong anak.""Sabihin mo na dito
-Harve's point of view-"Aray!" Reklamo ko nang diinan nito ang pagdampi ng bulak sa gilid ng aking labi. Sinasadya ata nitong diinan ang pagdampi. "Hinay hinay lang naman, babi. Ang sakit."Napapangiwi ako sa bawat pagdampi ng bulak sa aking mga sugat sa mukha."Sino ba naman kasi ang may sabi sa 'yo na mag ala superman ka doon? Aber?" Galit na saad niya at medyo ginaanan na nito ang paggamot ng aking mga sugat. Siguro naawa din ito sa panay kong pagngiwi. "Akala mo naman kasi ay kayang kaya mo ang apat. Ano ka? Si lastikman na din at kayang kayang ilagan ang mga suntok at tadyak nila? Hay naku. Pasalamat ka at may umawat sa inyo. Ngayon, problema tuloy ang dala ng pagpatol mo sa mga hinayupak na manyak na iyon. Imbes na nag eenjoy tayong magbakasyon. Ayon, sa baranggay ang bagsak natin. Padalos dalos ka kasi ng desisyon, Harve, eh. "Hindi maipinta ang kanyang mukha habang nanenermon. Hindi ko naman kasi aakalain na may mga kasama ang gagong iyon. Nakapokus na kasi ang mata ko kay
-Rain's point of view-Naiwan ni Harve ang kanyang cellphone. Nagpaalam ito kasama ng mga bata. Pupunta daw ito ng dalampasigan. Nag aya kasi ang kambal na maglalakad lakad sila. Balak ko ding sumunod sa kanila, nagbihis lang ako.Ito kasi ang namimiss ko kapag umuuwi kami ng Manila. Masarap kasi sa pakiramdam na damhin ang ihip ng hangin habang naglalakad ka sa mababaw na parte ng dagat.I was about to step outside when his phone rang on the top of the table. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi. I know what privacy means.Kaya hinayaan ko lang na magring hanggang kusang mamatay. Kaso nagring ulit sa pangalawang pagkakataon. Tinitigan ko lang ang cellphone nito at hinayaang muli. Nagring ulit sa pangatlong pagkakataon, and that's when I decided to pick it up. Baka importante ang tawag. Ipupunta ko na lang sa kanya.Kakalagay ko palang sa tenga ko nang mapangiwi ako sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya."D*mn it, Harve!" Nanggagalaiti ang nasa kabilan
Napakatagal at napakabagal ang takbo ng oras sa mga panahong kami na lang tatlo ang naiwan sa probinsiya. Nang araw na kausap nito si Jordan, nagpaalam din ito na uuwi na dahil gaya ng sinabi ni Jordan--- marami nga silang problema na dapat solusyonan.At siyempre, dumating na din ang araw ng pag uwi namin sa Manila. Mahirap man pero kailangan. Matagal tagal na din kasi ang isang buwan na inilagi namin sa probinsiya na dapat ay dalawang linggo lamang. Napa- extend kami ng sobra dahil na rin sa kagustuhan naming maisama si tatay. Pero nagawa ko na ang lahat pero ayaw pa din niya. He wanted to stay kaya wala talaga akong magawa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para mapa-oo ko si tatay na sumama sa amin. Lahat na ng pamimilit ay nagawa na naming mag iina--- waepek pa din.Ang lagi nitong sagot sa akmin ay ayaw niya iwang mag isa ang alaala ni nanay. He was tied on nanay's memories. Maski ako, madami akong alaala sa kanya sa lugar na iyon. Hindi naman kasi porke't umalis ak
-Harve's point of view-Nakatulala lang ako sa mga papeles na nasa aking harapan. Hindi ko magalaw ang mga iyon dahil lumilipad ang isip ko. Hindi ko man aminin sa aking sarili ay alam kong namimiss ko na sila. Ang kambal at lalo na si Rain.Dalawang linggo na rin mahigit silang nasa probinsiya. At sa dalawang linggo na iyan--- ilang beses ko lang silang nakakausap. At kapag kausap ko ang kambal at hahanapin ang mommy nila--- laging may ginagawa at ayaw paistorbo. Halatang iniiwasan niya ako. Hindi naman ako manhid para hindi iyon mapansin.Iniisip ko na lang na parusa iyon para sa akin. Dapat sinasamahan ko sila pero nandito ako ngayon at hindi man lang makabawi sa kanila. At kahit gusto ko silang puntahan ay hindi ko magawa dahil hindi ako makaalis dito sa opisina.It's all because of that bastard.May usapan kasi kami na kapag may importante siyang aasikasuhin--- I need to take place. Kahit nasa gitna pa kami ng bakasyon ay hindi ko siya natanggihan dahil iyon lang ang araw na nak