Share

TRES

KABANATA 3 - Pregnant With My Child

(Conrad POV)

Sinimot ko ang fried sweet potato sa aking plato gamit ang aking tinidor at mga kasamang gulay nito, pinasok ito sa aking bibig. Sumambulat sa aking dila ang masarap na lasang natural at dahan-dahan akong ngumunguya, ninanamnam ang bawat kagat ng aking victory dinner.

Hindi bababa sa iyon ang naisip ko noon. Ngayon ay isang malaking hakbang sa tamang direksyon. Nasa tamang landas ako. Lahat ng aking mga plano, lahat ng aking mga aksyon hanggang sa sandaling ito, ay nagbubunga, at habang ako ay nagsasaya sa aking mga tagumpay, ako ay maingat na naghihintay sa isa pang kahilingan. Sabi nga nila hindi magkaroon ng tagumpay kung walang mga bagay na isasakripisyo.

Sa aking linya ng negosyo, ang mga bagay-bagay ay maaaring mawala sa mga kamay ko sa isang iglap dulot ng isang maliit man na pagkakamali, kaya nag-iingat ako.

Sa ngayon, naramdaman kong naging matagumpay ang pagsasanib ng grupo ko isa pang malaking grupo. Ang Rubicund ay tila nasiyahan sa ngayon sa mga padala kong regalo. At kahit alam kong may mga nag-aalinlangan na maaari kong pamunuan sila, ilang sandali lang ay napagtanto nilang mas malakas ako kaysa sa inaasahan ng leader nilang si Kerwyn. Mas malakas ang Stygians kung tutuusin pero mas pinili ko ang grupo ng Rubicund upang makipagsanib!

Hindi na ako ang isang taong takot na nabuhay sa nakaraan, na umasa sa mga lumang koneksyon sa mundo upang maabot ang aking mga layunin.

Ako ay lubusang nahubog na para sa hinaharap at kung ano ang magiging kahinatnan ng grupo ko kapag ang lahat ng mga piraso ng plano ko ay umaayon sa dapat kalagyan nito. Ang mga panahon ay nagbabago, magbabago rin ang mga paraan kung paano ginawa ang negosyo ko. Sa ilang higit pang mga taon, magkakaroon ng mga mamumukod-tanging bilang ng mga makapangyarihan grupo kaya kailangang manatili ako sa tutok nila.

Ako ay kabilang sa mga iyon. At isa sa nasa taas. Ako ang mamumukod-tangi sa iba, sa nagyon. Sa loob ng maikling panahon ay napamunuan ko ng maayos ang grupo ko hanggang sa lumago!

Walang sinuman.

Inabot ko ang wineglass ko, ninakawan ko ng tingin si Beatrix, na nagpipili ng pagkain sa plato niya gamit ang tinidor niya. Karaniwang sarap na sarap niyang kinakain ang ano mang klaseng pagkaing nakahain, nilalamon ang kanyang pagkain ng walang ka arte arte, hindi tulad ng sinumang babae na nakatagpo ko noon, mapili sila sa pagkain. Kamakailan lamang ay tinukso ko siya tungkol dito, at hinamon niya lang ako na tulungan siyang pigilin siya sa pagkain ng marami upang mabawasan ang timbang.

Mas lalo siyang lumakas kumain ngayon. Ganado siyang kumain, nakakatuwang pagmasdan.

Ako ay natutuwa sa ginagawa niyang ito. Ang relasyon namin ay hindi lamang tungkol sa sex, gayunpaman. Sa nakalipas na dalawang araw, siya at ako ay gumamit ng fully functional na gym sa mansion, kahit na ginugol ko ang kalahati ng aking pag-eehersisyo na nakatitig sa kanyang puwet sa suot niyang stretchy yoga pants na paborito niya at gusto ko.

Ang aking pagkalalaki ay nahahamon dahil sa kaseksihan niya. Sa isiping iyon ay napalunok ako at ininom ang aking alak sa baso. Nagdala si Bea ng katahimikan at kapayapaan sa diwa ko na hindi kailanman magagawa ng iba, at ang oras na ginugol ko at mula sa kanya ay nag-alis ng mga damdaming masalimuot mula sa akin. Kahit ilang oras at kilometro ang pagitan namin ni Bea, ay ramdam ko ang init na lumabas sa akin, ramdam kong buhay ako.

Ngayong nakabalik na siya sa piling ko, naging tama na ang lahat para sa akin. Pinapakalma niya ang halimaw sa loob ko.

I feel like I'm settled now with her. Binago niya ako, pinaramdam niya sa akin na isa akong normal na lalaki.

Malamang na magagalit ang aking ina kung alam niyang nakikipagmabutihan ako sa aking asawa dahil matatakot siyang ma-empluyensyahan ako ni Bea at masira ang mga plano niya, ngunit hindi ako nagbigay ng ano mang pansin sakanya. Alam ko ang limitasyon ko pilit pinapanatili.

Ganap kong nilayon na panatilihing hiwalay ang aking personal na buhay at ang aking negosyo.

"Hindi ba masarap ang pagkain mo?" mahinang tanong ko sa asawa ko at umayos ng sandal sa upuan ko.

Ang magandang asawa ko. Sa kabila ng katotohanang ako ay nagloloko, ang aking panloob na pagkalalaki ay umuungal sa pagpapanatili kay Bea sa ganitong posisyon. Talagang kapantay ko siya, at ayaw ko ang buhay ko nang wala siya, ayoko nang isipin iyon.

Hindi ko nais na isipin siya, ngunit narito ako, nag-aalala tungkol sa kanya, nag-aalala tungkol sa kung kumain siya o gusto niya ba ang kanyang hapunan at kung ano ang maaaring maging sanhi ng pagkabalisa ngayong gabi. Walang mapanuksong kislap sa mata niya, walang lihim na ngiti.

Ang kanyang paraan ng pananamit ay nagsabi sa akin na gusto niyang mahimas ko, ngunit ang kanyang kilos ay nagpapaalanganin sa akin sususnod na gagawin.

Ako bilang isang tigasin na mafia lord, ay nag-aalala tungkol sa gagawin sa kanyang asawa.

Natatawa ako sa naisip. Umuurong ang aking pagkatigasin pagdating kay Bea.

"I'm fine, the food is good," mahina niyang sabi, pinili niya ang tubig kaysa alak ngayong gabi. Iyon ay isa pang maliit na detalye na napansin ko, kahit na pinili ko ang isa sa kanyang paboritong wine para sa ipares sa pagkain.

"Mas gugustuhin mo bang umorder ako ng ibang putahe? Nilagang kamote at saging saba?" tanong ko sa tonong nang-aasar. Ito ang kanyang kahilingan kahapon na magdala ako ng mga kamote at saging saba  mula sa byahe ko. Ako ay siyempre nagdala ng pasalubong sakanya dahil di ko mahanap ang pinapahanap niya. Dahil bago ako umalis ay nagpakasawa muna ako sa kanya, at damn, kung siya ay hindi nagustuhan ang tungkol sa kung gaano ko siya pinaligaya, dahil deserve niya yon dahil isa siyang babaeng nakakahumaling.

Nakakuha iyon ng maliit na ngiti mula sa kanya.

"Hindi na, mahirapan ka maghanap ng mga ganon sa uri ng lugar na madalas mong puntahan," matamlay na anas niya.

Nakadagdag lang iyon sa aking pagkalito sa kung ano ang mali.

Pag-abot sa kabilang mesa, hinawakan ko ang kamay niya at nakita kong malamig ang mga daliri niya.

"May sakit ka ba?" Tanong ko, nakaramdam ako ng gulat sa dibdib ko. "Maaari kong iparating ang aking manggagamot at suriin ka."

Ang sobrang takot na baka may mangyari kay Beatrix ang naging dahilan ng pagsikip ng dibdib ko ng hindi makayanang isiping baka mag iniinda siyang malalang sakit. At kahit na ayaw kong aminin, kinakabahan ako. 

Umiling siya, nanunuyo ang lalamunang sabi. "Okay lang ako, Conrad."

Ang kanyang mga salita ay hindi nagpakalma sa akin. Pagkatapos ng tagumpay ko sa negosyo baka ito ang magiging kapalit, gusto kong ipagkibit-balikat ang pakiramdam na may mali. Gusto kong mag-move on at hayaan si Bea na kusang magsabi patungkol sa nararamdaman niya.

Pero hindi ko kayang manghula at maghintay na lamang. Ang lahat ng natutunan ko tungkol sa aking asawa sa nakalipas na ilang buwan ay hindi niya itinago sa akin, ang kanyang mga damdamin di tulad ngayon na halatang may nililihim siya.

Pinahid ko ang hinlalaki ko sa likod ng maselang kamay niya. "You can tell me anything, you know," sabi ko sa mahinang boses. "Kukunin ko kung ano ang gusto mo, kung ano ang kailangan mo. Walang limitasyon para sa iyong mga kahilingan."

Nanlaki ang mga mata niya at saglit, nakita ko ang isang kislap ng luha sa mga iyon bago niya ito pilit na kinurap.

"Please," dagdag ko, ang boses ko ay may hangganan sa desperasyon. "Basta sabihin mo sakin."

Kaya kong ayusin kung ano man ang mali at kunin ang ano mang gusto niya. Mapapangiti ko lang siya, iwaksi ang lamig na bumabalot sa puso niya. Ang mga salitang lumalabas sa bibig ko ay hindi mga bagay na sasabihin ko sa kahit kanino lang at siguradong hindi ito kailangang gawin, ngunit siya ay ang aking asawa, ang aking Beatrix, ang aking maliit na bahagi ng kaligayahan, kapayapaan at pahinga sa labas ng malupit na mundong ginagalawan ko.

Kailangan ko siya. Kailangan ko siyang buo. Pinisil ng isip ko ang mismong kaluluwa ko. Hindi ako dapat magbigay ng sobrang pag-aalala sa babae, ngunit ginagawa ko para sakanya.

Bumuka ang labi niya. "Buntis ako."

For a moment, her words didn't registered, and I just stared at her. Naimagine ko kung ano ang mararamdaman ko kapag sinabi niya sa akin na dinadala niya ang anak ko.

No thoughts, no imagination could have prepared me for the sudden rush of emotions that scattered, sa buong katawan ko o kung paano biglang nanikip ang lalamunan ko at nawalan ako ng salita.

Isang bata, nagawa ko ang nagawa namin. Isa ito sa mga plano ko. Matagumpay kong natapos ang aking mga plano.

At ngayon sa lahat ng araw! Ngayon pa mismo! Sunod sunod ang biyaya!

Pero panandalian lang ang excitement ko, at ibang pakiramdam ang napalitan. Gusto kong dalhin si Bea sa itaas at ikulong siya sa aking kwarto sa buong pagbubuntis niya, upang itago siya sa aking mga kaaway at siguraduhing ligtas siya.

Hindi kailanman iyon ang plano. Sa aking pag-iisip bago ko siya kinuha, binalak kong ipagmalaki si Bea sa lahat bilang kilalang maparaang babae, upang ipakita sa kanila na nasa aking mga kamay ang hinaharap, ang kanilang kinabukasan.

Hindi ito ang magiging kinabukasan para kay Beatrix, ngunit sa ngayon, iyon lang ang naiisip ko. Ang protektahan siya at ang magiging anak namin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status