Share

“DINNER”

DALA ng pagod ay nakatulog ako. Sa pagkakataong ito, sa bisig ni Marius.

Hindi naman nauwi sa kama ang ginawa namin kanina kung tutuusin. Pero inihiga rin naman niya ako sa maganda at malaki niyang four-poster bed na may malambot na kutson saka ako tinabihan roon.

Kapwa kami walang saplot sa katawa. Kaya naman nang malingat ako at napansin kong medyo pagabi na ay bumangon agad ako saka isa-isang pinulot ang mga damit kong nagkalat kanina sa pa sa sahig.

Alam kong pagod na pagod rin si Marius. Hindi iyon dahil sa nakakapagod na ginawa namin bago natulog. Kundi sa pagmamaneho.

Hindi naman ganoon kalayo ang Bulacan sa Maynila pero dahil nga pirming nagbabantay rin si Marius sa akin sa ospital ay hindi rin kumpleto ang tulog nito.

Sinimulan kong magbihis at pagkatapos ay nakangiting nilingon ang lalaking mahimbing pa rin na natutulog. Napakagwapo. Parang buhay na Adonis sa kung ako ang tatanungin.

Marahil maraming beses ko na ngang sinabi ito. Pero ang totoo, kahit pa hindi maalala n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status