Share

Chapter III - "Girls Just Wanna Have Fun"

"Hayss grabe, hanggang ngayon di parin ako makamove-on sa nangyari sa party ni Sab, grabe lasing na lasing tayo, ni hindi ko na nga matandaan kung ano nangyari" 

Nandito kaming mga girls including Jerry sa bahay ni Abby, nag-akit siya para magmovie marathon total wala naman daw siyang kasama sa bahay kasi nagpunta sa ibang bansa ang parents niya para sa business nila.

"Sinabi mo pa, kung sa ibang bahay yun baka kung san na tayo pupulutin ngayon" tama nga naman si Zhelle siguro kung nangyari yun sa ibang bahay at nalasing kami nang ganun baka kung ano na nangyari samin, mabuti nalang mabait ang pamilya ni Louie.

"Alam niyo girls may naisip akong gawin natin, kasi palagi na tayo naga-out of town, resorts at beaches lang lagi pinupuntahan natin, why not try natin maghiking, akyat tayo nang bundok tapos magcamping tayo dun diba exciting yun?" ito na naman si Abby siya lagi nagpaplano tuwing maga-out of town kami.

"Ano namang gagawin natin sa bundok? Maghahanap nang bagong species ng halaman at hayop?" sagot ni Jerry habang nagngunguya at puno nang chips ang bunganga.

"Gaga, magcacamping nga diba, syempre yung usual lang na ginagawa, akyat nang bundok, magtayo ng tent, magcacamfires and anything na pwede natin gawin." Paliwanag ni Abby

"Anything? Gaya nang maghanap nang mga bagong species ng halaman at hayop?" inulit ko sinabi ni Jerry upang asarin si Abby.

"Ewan ko sa inyong dalawa, bahala nga kayo jan" napatawa nalang kami ni Jerry sa reaksiyon ni Abby.

"Hoy kayong tatlo tigilan niyo na yan, maganda din naman suggestion ni Abby, total hindi pa naman natin nagagawa yun, wala naming masama kung ita-try natin diba?" paliwanag ni Annie, inirapan naman kami ni Abby na parang may nahanap na kakampi.

"Oh diba? Thanks Annie, buti ka pa naaappreciate ako, palibhasa yung dalawa diyan, ayaw lang nila makita mga kalahi nila sa bundok."

"Ah ganun pala ha!" tiningnan ako ni Jerry na parang may ibig sabihin at nang makuha ko pinulot ko ang isang unan at sabay naming binato kay Abby, at mukang napikon sa amin kaya ibinalik niyang ibato sa amin ang unan, hanggang sa naghampasan na kami na kami at naggantihan.

"Parang mga bata" napatigil kami sa sinabi ni Zhelle, nagkatinginan kami at hinampas din siya nang unan, hanggang sa pati si Annie dinamay na namin at nakisali narin, ilang saglit na kasiyahan ang namagitan sa amin. Kusa narin kaming tumigil dahil sa kapaguran.

"Grabe nakakapagod yung ginawa natin, sayang lang wala yung mga boys, teka asan nga ba sila?" biglang pagtatanung ni Zhelle.

"Naku malamang sa malamang naghahanap na naman ng mga maluluko nila" sabay tawa naming lahat sa sinabi ni Abby.

"Ahm guys, una na ko ha! I have something to do nga pala, nakalimutan ko" pagpapaalam samin ni Annie

"What aalis ka na agad? Sabay sabay nalang tayo umuwi."

"Tama si Zhelle, sabay ka nalang sa kanila, matatapos na rin naman 'tong pinapanuod natin eh." Pagsang-ayon ni Abby.

"Hindi na guys, salamat nalang, babawi nalang ako next time, promise!" hindi na namin siya pinigilan at nauna na umalis.

Di nagtagal, natapos din kami at nagdesisyon na rin umuwi, pasado alas-cinco na nang hapon nang lisanin namin ang bahay ni Abby.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status