"Care to tell me what happened? Bakit tumakas ka na naman?" tanong ni Gavin nang makalabas na kami sa vilage namin.
Napabuntong hininga naman ako dahil sa tanong niya. I told him that I will tell everything once he pick me up. He's my close friend and telling my own problems to him is not something new.
"My Dad is getting married," simulang kwento ko. I know, pati siya ay nagulat. It's a first time after several years. No dating issues pero malaman-laman na lang namin ikakasal na siya. Isn't it too fast? Or it's just too fast for us, for me since they already knew each other since college.
"I-It's a good news, right? Since after your mother's death he became workcaholic," he said then look at me for a second and back to driving. "Or not."
Napailing na lang ako dahil sa tumatakbo sa isipan ko. "Ngayon niya lang sinabi sa akin na may dinate pala siya at ngayon ay nagpaplano na silang magpakasal. Seriou
Nagising ako kinaumagahan dahil sa ingay sa kabilang kwarto. Nakita kong tulog na tulog pa si Gavin sa tabi ko. Mataas na ang sikat ng araw na tumatagos sa manipis na kurtinang tanging panakip sa bintana ng kuwarto. Lumabas ako ng kuwarto namin ni Gavin at saka ko binuksan ang kabilang kuwarto kung saan ko narinig ang ingay."Fvck you, Finnral! H'wag mo akong matawag-tawag na pre!" sigaw ni Xavier pagkabukas ko ng pinto. Pareho silang napatingin sa akin.Nakaupo sa kama si Finnral habang gulat na nakatingin sa akin. Si Xavier naman ay nagmamadaling magsuot ng pantalon. Napansin kong nasa sahig ang mga damit ni Finnral pati ang boxer niya at tanging ang puting kumot lamang ang tumatakip sa pangbaba niyang katawan. Nanlaki ang mga mata ko kaya agad kong isinara ang pinto ng kuwarto. Biglang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kaninang madaling araw."Maniwala ka sa akin, Xavier. Wala nga akong maalala! Ano naman kung nakahu
Ibinaba ako ni Gavin sa tapat ng bahay namin. Agad naman akong pumasok sa loob pagkaalis niya. Tanging si manang lang ang tao sa loob ng bahay nang pumasok ako."Hyujin! Saan ka galing? Hinahanap ka ng Daddy mo kanina. Akala namin ay mahimbing lang ang tulog mo kaya hindi ka sumasagot, 'yun pala ay wala ka sa kwarto mo," paliwanag ni manang nang salubungin niya ako."Umalis po ako kagabi, pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko," sagot ko at saka umupo sa sofa. Ipinikit ko saglit ang mga mata ko upang mapahinga. Parang mas napagod pa ako sa byahe dahil sa traffic."Ay ganun ba, kumain ka na ba? May inihanda akong pagkain," tanong ni manang na inaantay ang sagot ko."Hindi na po. Kumain po kami bago umalis sa bahay ng kaibigan ko. Nandiyan po ba si Daddy?" tanong ko para maiba ang usapan."Ang Daddy mo umalis kanina pa. May pupuntahan daw. Babalik din daw mamayang gabi." Tumango-tango
Bandang alas-tres ng hapon nang makarating kami sa bahay nina Hyujin. Hinatid kami ni tito Wei papunta dito kasama ang mga gamit namin ni Mama na nasa likod ng sasakyan."Manang, nalinis niyo po ba yung kuwarto na pinapalinis ko?" tanong ni tito sa katulong nila pagkalabas namin sa sasakyan.Dumating pa ang ibang katulong na naglabas ng mga gamit namin. Isa-isa nilang kinuha ang mga maleta namin at ipinasok iyon sa loob ng bahay."Opo, Sir. Naayos at nalinis na po namin," nakangiting sagot ng tinawag ni tito na manang."Salamat, manang. Paki samahan na lang po itong si Seira sa magiging kuwarto niya." Tukoy sa akin ni tito. Ngumiti naman ako kay manang saka kami pumasok sa loob ng bahay.Malaki ang bahay nila Hyujin. Kahit nasa labas ka ay makikita mo na malaki ang bahay kahit na may malaking gate ang nakaharang. Sa loob ay malaki ang espasyo. Hanggang second floor ng bahay namin
Huli na para kumawala dahil nakakulong na ako sa mga bisig niya. "H-Hyujin." Bigla ko siyang naitulak dahil sa gulat ko pero hindi siya nagpatinag. Halos hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya nang itulak ko siya."Come here," sabi niya saka ako hinila papasok sa loob ng kuwarto niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya lalo pa ng marinig ko ang pag-lock ng pinto sa likod ko."What are you doing?!" nag-hi-hysterical kong tanong at balak sanang lumabas nang iharang niya ang sariling katawan sa pinto."No! It's dangerous. Why are you here? Paano ka nakapasok dito sa loob ng bahay? Where is Dad?" sunod-sunod niyang tanong. Hawak-hawak niya ako sa magkabilang balikat habang seryosong nakatitig sa akin. Naiilang ako sa mga titig niya na parang nanghahatak. Madilim sa loob ng kuwarto dahil nakapatay ang ilaw kaya hindi ko siya medyo makita."What are you saying? Dito na kami titira at ka
Binuhat ko si Seira patungo sa kama ko nang makatuog siya dahil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ako pinipigilan sa plano ko upang hindi matuloy ang magiging kasal dahil hindi niya naman nasabi sa akin kanina.Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang mugtong mata ni Seira nang buksan ko ang lampshade sa tabi ng kama ko. Kinumutan ko siya hanggang sa dibdib at saka ako tumabi sa kaniya. Tinanggal ko ang mga buhok na nakaharang sa kaniyang mukha at saka inayos iyon sa likod ng kaniyang tenga.Ngayon ko na nga lang ulit siya nakita at nakausap, pinaiyak ko na naman agad. Napakawalang kuwenta ko talaga. Ilang beses ko na siyang pinaiyak. Siguradong natakot siya sa akin kanina noong nagalit ako. Hindi ko sinasadyang magalit sa kaniya. Nabigla lang ako sa ibinalita niya kaya nakapag-react ako ng ganon.Hinalikan ko siya sa noo at saka ko siya niyakap. Mas mabuting lubos-lubusin ko na dahi
Napasandal ako sa pinto at napaupo sa sahig pagkasara na pagkasara ko ng aking kuwarto. Tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang mga bagay na iyon. Para na rin akong kumuha ng patalim at saka iyon isa-isang sinaksak sa sarili ko."Bakit ba pinoproblema mo ito, Hyujin? Ano naman kung magiging magkapatid tayo? Wala naman na tayong relasyon, hindi ba?" matigas na sabi ko habang pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa aking mga mata.Nalasahan ko ang dugo sa aking labi nang kagatin ko iyon sa pagpipigil na h'wag pumatak ang aking mga luha. Inantay ko siyang sumagot. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin siyang responde sa sinabi ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng isang takas na luha mula sa aking mata. Ramdam ko na rin na anumang oras ay magtutuloy-tuloy na ito sa pagpatak kasabay ang mga hikbing pilit kong ikinuk
Pagkatapos ko magbihis ay sinabihan ko si Hyujin na ipagpamamaya na lang muna ang gusto niyang sabihin dahil hinahanap na kami nina tito sa baba. Nagpumilit pa siya dahil importante raw ang gusto niyang sabihin ngunit sinabi ko rin na mayayari kami kapag inakyat kami nina mama at nalaman na may relasyon kami dati. At iton ang ayokong mangyari. Sa huli ay wala rin siyang nagawa dahil lumabas na ako ng kuwarto.Bago pa kami makarating sa sala ay sinabihan ko na siyang h'wag sasabihin ang dati naming relasyon at h'wag na h'wag kokontra sa pagpapakasal nila. Idinagdag ko pa na magkunwari na hindi kami magkakilala upang hindi sila maghinala."Opo, daming ibinilin. Tss," reklamo niya habang nakabusangot sa likod ko.Nang makarating kami sa sala ay napansin ko ang mga nakaplastik na pinamili nila na sobrang dami. Sa tingin ko ay nasa pitong plastik ang nakita ko."Nasa kitchen na sila. Kanina pa kayo hinaha
"Hyujin! Ano bang ginagawa mo?! Bitawan mo nga ako!" utos ko sa kaniya at saka ako pilit na nagkukumawala sa pagkakayakap niya at dahil nakaupo rin ako sa mga hita niya."Stay, still or I will kiss you," banta niya saka siya ngumuso sa akin. Ngumisi naman siya ng ilayo ko ang mga labi ko sa kaniya sa takot na baka totohanin niya ang mga sinabi niya."Baka may makakita sa atin! Bitawan mo na ako!" naiinis kong bulong sa kaniya."It's fine. We will tell them that we are doing siblings talk." Ngumisi pa siya sa akin na tila sigurado siya na tatalab ang palusot niya.'Siblings talk?! Nababaliw na ba siya? Sinong maniniwala na nag-uusap lang kami kung kalong-kalong niya ako?!'"May nag-uusap bang nakakalong sa hita ang isa?" nakakunot kong tanong sa kaniya."Tayo," simpleng sagot niya. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa kunsumisyon. Para akong mauubusan ng