Share

5: Aerthaliz Satrikana

“Kaya ka sinasabihang tanga ni sir kasi pati spelling ng surname mo, nalilito ka!” rinig kong sabi ni Reian sa kaniyang kasama.

Parehas naman silang tanga dahil nitong mga nakaraang araw lang ay usap-usapan na nangabit ito. Tanga nga.

Marami naman akong kilalang babaeng kumakabit sa relasyon but bro—she’s freaking beautiful, matalino at sikat sa school. No comment ako sa ugali dahil halata naman agad. Sinayang niya ang sarili niya sa lalaking basagulero pero payat naman.

”Kerus, nasa amphitheater si Izha!” tawag ng kaibigan kong si Gelo.

”We? Baka pinagloloko mo lang ako?” pagdududa ko.

“Gago, subukan mo kasi!”

Napangiwi siya nang may dumaang guro sa kaniyang tabi. Sinamaan siya ng tingin ng guro at hindi na sinita pa.

“Pahamak ’to!” bulyaw niya sa akin.

“Tangina, ikaw mura nang mura diyan, e!”

We’re high school student, fourth year. Simula nang tumuntong ako ng high school ay kaibigan ko na si Gelo. At si Izha? She’s my ultimate crush. Katulad ni Gelo, first year high school palang ako ay crush ko na siya. Bihira ko lang siyang makita dahil magulo kung saan siya palagi namamalagi. Minsan sa library, cafe at gymnasium. Ewan ko ba, minsan ko lang siyang masaktuhan kaya ngayon ay sobra akong sabik makita siya.

Nagpaunahan kami ni Gelo papunta sa amphitheater. Humawak kaming dalawa sa railings at nilibot ang tingin sa mga estudiyanteng mga nakaupo sa bleachers.

“Hindi ko makita! Namimikon ka ba?” mayabang kong sinuntok ang balikat niya.

“Idilat mo kasi ’yang mga mata mo! Iyon, oh!”

Inakbayan niya ako at tinuro si Izha. Agad ko siyang nakita. Nakaupo siya sa bleachers at gumuguhit ng hindi ko mawari. Agad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi.

“Ang ganda niya talaga, Gelo!”

“Bading!”

Sinapak niya ako ng mahina.

“Humanap ka na kasi ng crush mo hindi iyong bitter ka rito!” singhal ko.

Hindi siya nakasagot dahil may napansin kaming dalawa. Ang stage ay nasa pinakagitna at baba. Napapalibutan ng mga bleachers. May babae roong nakatayo, kita ng dalawang mga mata ko kung paano niya batuhin ang isang lalaki ng cartolina.

“Tanga ka ba? Dadaan ka na lang, kailangan pang hatakin ang buhok ko! Papansin!” malakas niyang sigaw. “Ang pangit-pangit mo naman!”

Akala ko ay mapapahiya ang lalaki pero ngumisi lang ito. Namukhaan ko siya, si Hayden. Bunsong kapatid nina Kuya Hugo. Kahit kailan talaga matigas ang mukha ng isang ito.

“Makipagdate ka na kasi sa akin, Ae. Hindi naman buong araw kaya nagtataka ako kung bakit ang choosy mo,” may ngisi pa rin sa labi niya pero bakas doon ang inis.

“Hindi kita type. At sino ka ba?”

Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na narinig dahil nagtanong ako kay Gelo.

“Sino ’yon?” harap ko sa kaniya. “Parang crush ko na siya. Ang cute ng mga babaeng matataray for me. Mukhang mapapalitan ko na si Izah.”

Nilingon niya ako. “Basted ka riyan. Masungit ’yan kaya walang masyadong umaaligid. May gusto riyan sina Liam at Asher, base sa chismis binasted niya ang mga ’yon. Maraming babae ang nanghinayang.”

Bigla akong nawalan ng pag-asa.

“Masungit ba talaga?”

“Oo, kaibigan ko kaya si Adeline na kaibigan din niya. Minsan napapakwento si Adi tungkol diyan kahit hindi ko naman tinatanong.”

“Anong pangalan niya?”

“Aerthaliz. Aerthaliz Satrikana.”

”Gusto ko siyang maging kaibigan.”

“Try her. Ang kaibigan niya lang kasi ay si Adeline at Reagan. Balita rin ngayon na boyfriend niya iyong anak ng sikat na business man. Si Serious Laurier.”

“Hindi sila bagay, pangalan pa lang. Siya Aerthaliz tapos Serious? Walang chemistry.”

“Sa inyo rin naman, Aerthaliz tapos Kerus? HAHAHAHAHAHA!”

Humalakhak siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Mas lalo naman sa ’yo! Gelo tapos Aerthaliz? Team Geliz? Tunog galis!”

“Tangina mo, Kerus!”

“Pakyu!”

When I reached high school, everything I couldn’t do and say at home became free for me to do now. I just avoid it at home because my mom prohibits that.

Imbis na si Izha ang sisilayan ko sa kanilang classroom, ngayon ay iba na. Ngayon ko lang din nalaman na magkaklase pala sina Izha at Aerthaliz. Nang nakita ko ang babae, dinukot agad nito ang namamangha kong puso when it comes to her.

Dumaan ako sa harap ng silid nila. Nakita ko agad si Aez sa harapan, kausap ang kanilang lalaking guro at nakikipagtawanan. Tumigil siya katatawa at tumingin sa wrist watch.

“Sir, breaktime na po. Extend na naman po ba kayo?” rinig kong natatawa niyang sagot.

Sa bawat pagtawa niya, tinatakpan niya ang kaniyang bibig gamit ang panyo niyang hawak. Taas-baba rin ang kaniyang balikat at sumasabay ang buhok niya sa pag-alon. Sa lahat ng babaeng nakita ko, para sa akin ay siya ang mayroong pinakamagandang ngiti. Sobrang puti ng kaniyang mga ngipin at ang labi niyang natural na kulay rosas.

Lumihis ang tingin niya sa kaklaseng lalaki. Nang makitang malagkit itong nakatitig sa kaniya, agad niya ’tong sinamaan ng tingin. Animong kasalanan ang tumitig sa kaniya.

Natulala ako kaya nagulat ako nang may mabigat na brasong umakbay sa akin.

“Hoy, Kerus, anong ginagawa mo sa building namin?! Sa kabila ka, ’di ba?” maangas na tanong ng lalaki.

Tiningnan ko kung sino. Ngumisi ako nang makilala.

“Dumaan lang, Levi. Parang sa ’yo naman ’tong hallway!”

Tinanggal ko ang braso niya.

Tiningnan niya kung saan ako nakatitig kanina.

“Oh, tinamaan ka na rin ni Miss Satrikana? Kaya pala nandirito ka.” Tinapik niya ako. “Okay! Valid reason!”

“Pinagsasabi mo?” tanggi ko dahil madaldal siya. Ipagkakalat niya ang tungkol dito. “Napadaan lang talaga ako rito.”

“We?” Bigla akong kinabahan nang sumigaw siya. “Sir! Kumusta ka?!”

Si sir lang ang sadya niya pero dahil sa lakas ng sigaw niya, napatingin din sa amin ang iba lalo na si Aerthaliz. Mas lalo akong nanlamig nang mapunta ang tingin niya sa akin. Agad akong nag-iwas dahil bigla akong nahiya. Napansin ni Levi iyon kaya ngumisi siya. Sinadya niya ang bagay na ito.

“Uy, bakit nandito si Ferenz?! Bihira na lang kaya siya pumunta sa building natin!” kinikilig ani ng estudiyante.

“Tangina, ang pogi niya talaga,” ani pa ng isa.

“Ang sarap sa mga mata kapag may dalawang pogi sa harapan.”

“Ikaw, Roncales! Dinig na naman ang boses mo sa baba! Napakalalaking tao, e bungangero!” suyaw sa kaniya ni sir na may halong biro.

“Sir, namiss lang talaga kita! HAHAHAHAHA!” pagpapatuloy ni Levi.

Hindi siya pinansin ng guro at tumingin sa akin. “Anong ginagawa mo rito, Ferenz? Wala rito si Izha. Dalawang araw absent ’yon dahil may sakit.”

Yeah, right. Alam ng karamihan kung sino ang nagugustuhan ko dati. Si Izha lang yata ang ayaw maniwala.

Mas lalong natawa si Levi. “Hindi si Izha ang pinunta niya, sir. Bago, sir.”

Naningkit ang mga mata ni sir sa akin kaya natawa na lang din ako. Sinuyod niya ng tingin ang kaniyang mga estudiyante at muling bumaling sa akin.

“Ang tipo mo ay ’yong mga madadaldal. Si Adeline ba?” natatawa niyang tanong.

”Hala, sir! Kayo naman! Huwag naman kayong ganiyan!” nahihiyang suyaw ni Adi, namumula pa ang mga pisngi.

Pinag-aasar siya ng mga kaklase. Tumili siya at nagtakip na lang ng mukha gamit ang kuwaderno.

“Hindi ’yan, sir, e.”

Ngumisi si Levi at tumingin kay Aez. Nangunot ang noo ng asawa ko dahil doon.

Nanghuhusga agad ang mga mata niya kahit wala pang lumalabas na salita sa bibig ng kaibigan ko.

“Ito bang si Miss Satrikana?” Tinuro ni sir si Aez. Natatawa na rin at mukhang kabisado niya si Levi. “No boyfriend since birth ’tong alaga ko. Hindi ka nito papatulan, Ferenz. Mailap ito.”

Nagtawanan silang lahat. Ako naman ay nakasimangot. Tiningnan ko si Aez at parehas lang kami ng reaksyon. Dahil nakatitig ako sa kaniya, nahuli niya ang mga mata ko. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at napairap.

“Sir, breaktime na!” sigaw niya.

“Osige, magbreaktime na kayo.”

Hinatak niya si Adi palabas ng classroom para makatakas sa mga titig ko. Likod na lang niya ang sinundan ko ng tingin hanggang batukan ako ng katabi ko.

“Kay Izha, may pag-asa ka pa. Pero doon, wala! Ano bang naisipan mo para magpalit ng crush? Okay lang sana na ibang babae pero huwag ’yon! Anak ’yon ng kapitan at may punto ang sinabi ni sir! Kahit kailan talaga, tanga ka sa babae, Ferenz!”

“Tangina, problema mo ba?” singhal ko sa kaniya at inayos ang buhok. “’Pag ’tong ulo ko na-flat, flat din ’yang mukha mo!”

“Gago!”

Huminga ako nang malalim nang nawala na sa paningin ko ang likod ni Satrikana. Tumitig ako kay Levi.

“Sa tingin mo, saan siya magcocollege? Gusto ko siya maging kaklase.”

Napangisi siya. “Bakit ka nababahala? Ferenz ka naman, ah? Lahat ay kayang gawin ng mama mo! Kung sa magandang university siya papasok, kaya mo ring makapasok!”

Nanlumo ako. “Pero kapitan ang tatay niya. Paano kung—”

“Susundan mo ba siya o hindi?”

“Susundan.”

“Oh, ano pang pinoproblema mo? Nagmumukha ka lang tanga, p’re, e.”

Napasuklay ako ng buhok.

“Ano kayang course ang kukunin niya?”

“Hindi ko alam pero balita ko ay magaling magdrawing si Miss Satrikana. Kaya niya rin yata magpaint.”

“Ano sa tingin mo?”

“Painter?”

Sinamaan ko siya ng tingin dahil wala sa hitsura ni Aez ang pagpapainter. Trip lang talaga ng lalaking ’to magbiro pero seryoso ang kaniyang mukha.

“Diyan ka na nga! Kanina pa ako nagtitiis sa amoy mo!”

Tumakbo ako ng mabilis para hindi niya ako masaktan.

”Parehas pala tayong may naaamoy! Sarili mo ’yon, hoy!” pahabol niyang sigaw na hindi ko na pinansin.

Dumating ang graduation namin ay hindi man lang napawi ang nararamdaman ko kay Aerthaliz. Bagkus ay lumala pa ’to na parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nasisilayan. May pagkakataon pa nga kapag weekends ay dumaan ako sa kanilang bahay tuwing umaga dahil bali-balita ko’y siya ang nagdidilig ng kanilang halaman. Minsan naman ay sinasama niya ang mga aso sa pagjojogging. Kahit may gym naman kami sa mansion, mas pinipili ko pa ring magjogging sa subdivision nila na bakasakaling makasalubong ko siya.

Nangyari nga iyon. Seryoso ang aking mukha dahil ayokong ipahalata sa kaniyang ulol na ulol na ako. Siya naman ay nakakunot ang noo at halatang namumukhaan ako na may halong pagtataka. Siyempre nakikita niya ako sa school namin na panay sulyap. Kadadaan ko rin sa bahay nila ay naaanig niya ako.

I am fucking shameless stalker.

”Miss Aerthaliz Satrikana with highest honor,” ani head teacher sa entablado.

Nagpalakpakan ang lahat kasama ang katabi kong si Gelo. Hindi ko man lang naiangat ang kamay ko para sumabay dahil abala ako sa pagmamanman sa kaniya. Ang lakad niyang pangbabae na napakamahinhin. Ang buhok niyang umaalon kapag humahakbang. Ang maliit niyang ngiti ngunit napakatamis. Lahat ng iyon ay karamihan dito sa venue ay hindi alam na isa siyang napakasungit na babae pero wala lang iyon sa akin dahil iyon ang dahilan kung bakit ako tulalang-tulala ngayon kahit pababa na siya ng entablado.

Patago akong siniko ni Gelo kaya nawala ang atensyon ko sa kaniya. Napagtanto ko rin na ang mga kaeskwela kong lalaki ay nakatitig din. Alam ko. Ramdam kong hindi lang ako ang nahuhumahaling sa napakagandang crush ko.

“Keruz Ferenz with high honor.”

Pagdating ko sa harapan ay sinalubong ako ni Kuya Conan. Hindi makapupunta si mommy dahil naglalabor ang ate ko sa una niyang anak na ang pangalan ay Aziz.

“Hoy, kita ko ’yon, ah!” pamungad ni Kuya Conan na may nang-aasar na ngisi. “Bakit ka nakatingin doon sa babaeng may highest honor? Crush mo ’yon, ’no? Binata ka na, ah!”

“Hindi kaya!” tanggi ko at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.

Ngisi-ngisi siyang sumabay sa akin paakyat ng entablado. Nakipagkamay muna ako bago ako sabitan ng medalya. Imbis na mabilis magbow, nakuha ko pang tumayo saglit upang hanapin si Aerthaliz. Agad ko siyang nakita na dapat ay hindi ko na ginawa dahil nawala lang ako sa mood.

Sabay kaming bumaba ni kuya, ramdam kong gusto niya akong asarin pero kailangan niya nang bumalik sa upuan niya.

Sino ba ’yong lalaking ’yon at masaya siyang nakikipag-usap? Akala ko ba si Reagan at Adeline lang ang kaibigan niya? Iyong si Reagan nga ay hindi pa pasado sa akin dahil narinig ko sa chismis na minsang nagkagusto ’yon kay Ae. Hindi ko na dapat siya i-bibig deal pero may dating ang hitsura ng lalaking ’yon. Academic achiever pa katulad ko.

Paano kung magustuhan niya ’yon?!

Ang daya!

Nang tumayo siya sa upuan hanggang sa pagbaba ng entablado ay hindi naalis ang tingin ko sa kaniya pero nang sa akin na, nakikipagtawanan lang doon sa akala mo gwapo? Palabas-labas pa ng ngipin, dilaw naman rubber color ng brace!

Nakakapangselos!

Nang matapos ang closing remarks ay hindi agad ako tumungo kay Kuya Conan. Yumuko pa ako para magtago sa kaniya. Ang dami pang mga nagpipicture sa venue kaya iisipin niyang kasama ako ng mga kaibigan ko.

“Kerus, tara na!” yaya sa akin ni Gelo, hatak-hatak siya ng tatlong babae.

“Mamaya na ako!”

Mabilis akong pumuslit, kapag nakita ako ng tatlong babae ay ako naman ang bibigyan atensyon at ayaw ko n’on.

Hinanap ng mga mata ko si Ae. Nahirapan pa ako kaunti dahil natatakpan siya ng mga tao. Nakita ko ring abala ang mommy niya makipag-usap sa principal. Hinanap ng mga mata ko sina Adeline at Reagan, parehas silang mga kumukuha ng litrato kaya ito ang pagkakataon kong lapitan si Aez. Ito ang unang beses na makakausap ko siya

Nakaharap siya sa kaniyang lamesa at abala sa pagliligpit ng gamit. Nasa sulok ang pwesto nila kaya hindi kami kita ng karamihan.

“I-Is that you, Miss Satrikana?” nahihiya kong tanong pero pinilit kong magpakalalaki.

Humarap siya sa akin na may nakakunot na noo. Nang makitang nakangiti ako ay ngumiti rin siya.

“Yes, bakit?” kalmado niyang tanong.

Bakit? Bakit?! Bakit nga ba ako pumunta sa kaniya at anong sadya ko? Para akong naputulan ng dila kaya ang nagawa ko na lang ay tingnan siya ng kabuoan.

Levi is right! Tanga ka talaga pagdating sa babae, Kerus!

Hinubad ko ang toga cap ko sa mismong harapan niya. Doon napunta ang tingin niya pero binalik din sa mukha ko.

”P’wede...”

Damn! Ano bang sasabihin ko?

Napunta ang tingin ko sa kaniyang dibdib na aking pagkakamali. Sa ganitong sitwasyon, nagmumukha talaga akong tanga! Wala siyang naging reaksyon. Laking pasasalamat ko na baka hindi niya napansin.

“P’wedeng... akin na lang ang bulaklak mo?” tukoy ko sa bulaklak na naka-pin sa dibdib niya, nahagip ng mga mata ko kanina.

Nangunot ang kaniyang noo at pinaningkitan ako ng mga mata. Napakamot ako sa batok dahil nahihiya na ako sa mga titig niya. Nagpakawala siya ng buntong-hininga at kumilos ng walang sabi-sabi.

May kinuha siya sa bag. Pagkatapos ay nilahad sa akin ang pink roses bouquet.

“Mukhang na-iinggit ka sa bulaklak ko. It’s from my daddy, sa ’yo na,” ngumiti siya ng matamis sa akin. “Girly ka pala.”

Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil nakatitig ako sa bulaklak. Pasalit-salit ang tingin ko sa bulaklak at sa kaniya. Matamis ang kaniyang ngiti at nakalahad mismo sa harap ko ang alok niya. Ang hinihingi ko ay ’yong isang pirasong red rose sa kaniyang dibdib, hindi ito. Sa kadahilanang ayokong ma-turn off siya sa akin dahil tinanggihan ko ang bigay niya, kinuha ko ’to.

“S-Salamat,” I licked my lips. Kinagat na rin upang hindi matuloy ang ngiti.

“Congratulations. You’re high honor pala so sa ’yo na ’yang flowers, may bigay pa naman si mommy sa akin.”

Ngumiti siya ng napakatamis. Kung ako lang ay tao rito ay nagsigaw-sigaw na ako ngunit kailangan kong pigilan. At alam niyang high honor ako?! Ibig sabihin narinig niya ang pagbanggit ng pangalan ko kanina!

Sa lahat ng graduation gift! Itong bulaklak niya ang pinakafavorite ko!

“Ah. I need to go. Excuse me,” aniya.

Hindi na ako nakasagot dala ng pagkatulala. Hanggang mawala na siya sa paningin ko kasama ang mommy niya. Dahan-dahan ko muling tiningnan ang bulaklak at onti-onting sumilay ang ngiti sa aking labi.

“Gelo! Gelo!” Nagtatakbo ako patungo sa kaibigan dala-dala ang bigay niya. “Gelo! Gelo!”

“Oh? Tumama ka sa lotto?” pang-aasar niya. Napunta ang tingin sa dala ko. “May bulaklak ka? Kanino mo ibibigay ’yan? Kay Satrikana? Kanina pa umalis, ah?”

“Hindi,” mayabang kong sagot, nakangisi pa. Yinakap ko ang bulaklak at proud muling nagsalita. ”Itong bulaklak, binigay ng crush ko. Si Satrikana, Gelo! Si Aerthaliz! Ano?! Ano?! Magyabang ka sa akin ngayon dahil ako ang pinakamasaya sa graduation natin, p’re!”

Natawa na lamang siya sa reaksyon ko at sinapak ako sa balikat para matigil sa kabaliwan.

“Anong gagawin mo riyan sa bulaklak?” akbay niya sa akin.

”Itatabi sa higaan.”

Napailing-iling na lamang siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status