Share

4: What Happened?

Matapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto dahil nakaramdam ng gutom. Tinali ko muna lahat ng mahaba kong buhok dahil ramdam na ramdam kong napakainit. Mahinhin akong humikab habang naglalakad papunta sa kusina. Naabutan ko si Nanay Carmen na naghuhugas ng mga pinggan.

“Ae, kumain ka na riyan. Sa ’yo ang nakahain diyan sa mesa. Pasensya na ikaw na lang ang kakain, ang sabi ni Pretty ay gusto mo munang magpahinga,” aniya.

Tiningnan ko ang ulam, ginataang langka na may sahog na dilis.

Napatingin ako sa labas.

Ako, kumakain ako ng ganitong pagkain pero hindi ko alam kung kumakain ba ng ganito ang lalaking ’yon. Masyadong marangya ang buhay ng taong ’yon kaya sigurado akong nag-inarte ’yon para sa tanghalian.

“Kumain na po ba si Kerus?” bigla kong tanong. Hindi namalayan.

“Oo, sumabay sa amin kanina,” sagot niya na nagpupunas na ng mga pinggan.

“Ano pong inulam niya?” tanong ko pa.

“Iyang langka. Iyon nga lang, nakatabi ang mga dilis sa gilid ng plato. Hindi ko alam na hindi pala kumakain si Konsehal ng ganoon. Inalok ni Chico ng adobong baboy galing sa kapitbahay, tinanggihan pa rin. Sabi niya ay huwag nang mag-abala at kumakain naman daw siya ng gulay.” Napatigil si nanay sa ginagawa at tiningnan ako. “Hija, alam mo ba kung anong mga hilig na pagkain ni Konsehal para mapaghandaan namin mamayang gabi?”

I furrowed my brow and thought. All I knew was that his favorite food to eat was spaghetti. That’s what he always ate, so I didn’t know what his favorite dish was. I raised an eyebrow when I remembered something.

“Crab po,” I answered. “Or pusit.”

Napangiti si nanay. “O, siya, kumain ka na riyan.”

Bago ako umupo ay napatingin ako sa bintana. Bukas ’yon at kita ang likuran ng kubo kung saan ang fish pond. Hindi nakaligtas sa aking paningin sina Pretty at Kerus. May hawak na tinapay si Kerus, kumukurot ng maliit at tinatapon sa fish pond. Pagkatapos gawin ang bagay na ’yon ay magtatawanan sila. Sa mga mata ni Kerus ay napupuno ng pagkamangha. Mukhang pinapakain nila ang mga isda.

Wala siyang pinipiling oras at panahon. Kahit sobrang init ay nakukuha niya pa ring humarot.

Napansin yata ni nanay kung sino ang tiningnan ko kaya siya biglang nagsalita. Napatigil pa ako sa pagsubo ng kanin.

“Hindi mo kilala ang nag-iisang anak namin ’no?” nakangiti siya habang nagtatanong. Mabait akong tumango. “Maliit ka palang kasi tuwing namamalagi kayo ni Brivous dito. Hindi ko rin nababanggit sa ’yo. Sa Manila nag-aaral iyang anak ko, college student kaso nga lang, nabuntis. Hindi pinanindigan ng lalaki at hindi man lang nagsusustento kaya wala siyang pagpipilian kun’di ang umuwi ng probinsya at humingi sa amin ng tulong.”

I didn’t know the reason why Nanay Carmen was telling me about her daughter. But with every word coming out of her mouth, I could see her eyes brimming with resentment. It felt like she harbored some ill feelings towards her daughter. Ayaw niyang ichismis ang anak niya sa kapitbahay dahil anak niya ang maaapektuhan.

It seemed like she trusted me at wala siyang mapagsabihan ng sama ng loob kaya bigla niyang naikwento.

“Wala talagang kwenta ang mga lalaki ngayong henerasyon,” komento ko. “Ano po ang mga naging desisyon sa buhay ni Pretty? May anak na po siya. May mga pangarap siyang kailangan bitawan kung sakali.”

Nagpunas na ng kamay ni Nanay Carmen. Tapos na sa kaniyang ginagawa.

“Gusto niyang magtapos ng kolehiyo pero isinantabi niya muna dahil kailangan siya ng anak niya. Mga pinapadala namin sa kaniya para sa tuition f*e ay nauwi sa ipon para sa panganganak. Naipangako niya naman sa amin na kapag maluwag na ang sitwasyon niya, ipagpapatuloy niya ang kaniyang pag-aaral.”

Bigla akong napaisip at napatanong.

“Did you forgive her po?”

She smiled at me. “Kahit ano pang mali ang nagawa ng anak, papatawarin pa rin sila ng kanilang mga magulang. Sa mahirap nilang sitwasyon, magulang ang kailangan nila. Saan sila kukuha ng pag-asa kung pati magulang nila ay tinakbuhan sila? May sama ako ng loob kay Pretty pero habang tumatagal ay nawawala. At saka simula nang maipanganak niya ang apo kong si Miles, dumating ang swerte sa amin.”

Masaya ang mga mata niya habang nagsasalita kaya ngumiti ako.

Nginuso niya ang pagkain ko. “Ituloy muna ang pagkain mo, pasensya na at napakwento ako.”

“Ayos lang po.”

Susubo na sana muli ako ng kanin nang biglang may nagbukas ng pinto kaya napatingin ako roon.

“Nanay Carmen, p’wede bang maki-igib?” tanong ng isang binata na may kayumangging balat.

Binuksan niya ang pinto habang nakatingin sa mga paa niyang may putik. Makulit niyang tinatanggal ang dumi pero bumabalik ito sa mga daliri niya. Sa inis niya ay marahas niyang kinuskos ang paa sa lupa at doon lamang natanggal.

“Nicos! Ikaw ba ’yan?!” sigaw ko sa kaniya.

Kunot-noo siyang tumingin sa akin. Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makita ang mukha ko.

“Tanga ka! Aerthaliz ’to!” sigaw ko ulit at nakuha pang ituro ang sarili gamit ang hintuturo.

“Luh! Ikaw nga!” Tinuro niya ako na may malawak na ngiti sa labi. “Ang ganda mo na, ah! Saka ang tangkad! Huling kita natin ay nakatingkayad ka pa sa bintana rito!” Humalakhak siya ng malakas. “Para kang model! Nag-model ka ba?”

“Pornstar, oo!” pagbibiro ko.

“Baliw ka! Bagay sa ’yo pero hindi p’wede!”

Tiningnan ko si Nanay Carmen. Maselan siya sa salita kaya sinukat ko ang reaksyon niya. Mukhang hindi niya alam iyon kaya nakakunot lamang siya ng noo.

“Kumusta ka? Pogi mo na!” puri ko sa kaniya.

He’s not handsome as Kerus pero patok na patok ang mukha niya sa mga babae.

“Ito, taga-ibig! HAHAHAHAHAHA!” Humalakhak siya. “May asawa ka na ba? Ako wala pa e. Baka pwede tayo.”

“Wala rin, e,” ngumisi ako. “Oh, ano? Tara?”

Hahalakhak sana siya nang may tumabig sa kaniya papasok sa kubo.

“Excuse me,” si Kerus.

Hindi niya ako pinansin. Dumiretso agad siya kay Nanay Carmen na may ginagawa.

“Sino ’yon? Boyfriend mo?” may panunuya sa kaniyang labi.

Mabilis akong umiling. “Hindi. My dad’s friend. Konsehal sa city namin.”

Naniwala naman agad siya.

“Oh, paano? Igib na ako, ah? Bukas nalang tayo mag-usap. Talagang namiss kita, Ae.”

“Sige lang.”

Ngisi-ngisi siyang naglakad. Bago pa siya mawala sa paningin ko ay muli niya akong dinungaw at nilabad ang dila. Natawa nalang ako at nagmura ng mahina.

“Nasaan na si Nicos?” tanong ni nanay na may dalang balde, gunting at kutsilyo.

“Nag-igib na po.”

“Akala ko ay mamamalagi sa ’yo rito hanggang magdamag,” natawa siya ng mahina. “Gusto mo bang sumama manghuli ng alimango at manguha ng gulay? Makulimlim naman. Hindi ka maiinitan. Kasama ko rin sina Kerus at Chico. Ikaw lang ang maiiwan dito.”

“Si Pretty po?”

Nagbabakasakali.

“Bibili ng ibang pangrekado at iiwan si Miles sa kaibigan niya. Hindi kabanguhan ang amoy ng palengke kaya alam kong aayawan mo roon.”

Napabuntong-hininga ako.

“Sige po, sasama ako.”

Nanay Carmen made me wear jogging pants dahil maramo raw sa daraanan namin. Tama nga siya and I was very thankful that we didn’t pass through any muddy areas. Maybe because it’s summer. I saw nothing but tall grass, banana trees and various vegetables hanggang makarating kami sa maliit na kubo.

Nagsipuntahan sina Kerus st Tatay Chico sa baba. Sabi ni Nanay Carmen ay tulungan ko na lamang siya kumuha ng mga gulay dahil hindi ako p’wede sumama sa kanila dahil manghuhuli sila ng alimango. Malalim daw ang putik at baka mapano pa ako gayong hindi naman sanay.

Kumukuha ako ng malunggay samantalang si nanay ay pumipitas ng talbos ng kamote. Malilim sa puwesto ko kaya siguro dito ako inutusan ni nanay.

“Kumusta na pala ang mga pinsan mo? Huling kita ko sa kanila ay elementary ka palang.”

Natigil ako sa pagpitas at sumagot. “Si Cassius po ay doktor na. Si Elara, we’re still close pa rin naman po. While si Celeste, in school pa rin po like Bridelle.”

“Sina Bridelle at Bridgette?”

Napaisip ako sa dalawang kapatid.

“Hindi po maganda ang lagay ni ate sa mga parents ko. We both know na matigas talaga ang ulo ni Bridgette. Wala naman po akong problema sa mga gusto niyang gawin kaso ang magulang namin ang nai-stress sa kaniya. Si Bridelle, so makulit pa rin.”

“Iyang si Bridgette, kaya ganiyan iyan dahil masama ang loob sa magulang mo. Mali rin kasi ang desisyon nina Brivous at Aera noon. Ang bata, kailangan ng atensyon ng magulang. Hindi naman sa ayaw ko kay Aecus. Bata pa ang ate mo kaya dapat iyon ang pinaagtuonan nila ng pansin hindi ’yong naging unfair sila. Alam naman natin na ang tatay mo ay sabik sa anak na lalaki kaya umampon kaagad.”

Natahimik na lang ako at walang sinagot dahil tama naman si nanay. Tinuon ko na lang ang pagpitas ko sa mga malunggay. Sa puno ng calamansi na malapit sa akin ay may nakita akong gumagapang. Nang malaman kong caterpillar, tiningnan ko ang mga malunggay kong nakuha.

“Marami na itong nakuha ko, nanay. Sa tingin niyo po?” tanong ko para makaiwas doon.

Hindi pa sumasang-ayon si nanay ay umalis na ako. Hindi karamihan ang nakuha ko dahil mabagal akong kumilos. Napasang-ayon na lamang si nanay lalo na’t nang makita ang pawis sa mga noo ko. Hindi naman mainit, malilim. At masarap ang hangin kaya walang dahilan para pagpawisan ako.

I have scoleciphobia.

Even just looking at it, I immediately feel scared.

Dumating sina Tatay Chico, dala niya ang mga nahuling alimango. Ngumiti siya sa amin habang may sumbrero sa ulo. Sa likod naman niya ay tiningnan ko si Kerus, ang suot niyang maong pants ay nakatupi ng kaunti. Naghubad siya ng t-shirt dahil sa init na nararamdaman. Sinuklay niya ang kaniyang buhok at doon ko lang nakitang namumula ang leeg at mukha niya. Halatang aircon boy ang lalaking ’to.

Sa akin agad ang tingin niya. Akala ko ay ngingiti siya pero nasalubong ang kaniyang dalawang kilay.

“Namumutla ka?” he asked. Dinilaan niya pa ang labi niya dahil natuyo iyon.

“W-Wala.”

Iniwas ko ang tingin ko. Ayokong malaman niyang may scoleciphobia ako. Mapang-asar si Kerus. Imbis na ilayo ang caterpillar sa akin, baka kinuha niya pa ’yon at habulin ako habang hawak-hawak iyon.

Nasa alimango na ang mga tingin ko dahil malalaki pero itong si Kerus ay nasa akin pa rin ang tingin. Hindi ko siya binigyan ng pansin.

“Samahan mo muna ako sa baba, Carmen. Hindi ko maayos ang bukal doon,” biglang tawag ni Tatay Chico.

Hindi sumagot si nanay. Sumunod na lamang siya kaya kaming dalawa na lang ni Kerus ang naiwan sa tahimik na lugar na ito.

“Nauuhaw ka ba, Aez?” biglang tanong niya. “May laway ako rito.”

Ma-appreciate ko na sana ang tanong niya pero agad sumama ang tingin ko nang marinig ko ang kaniyang ino-offer.

“Sa ’yo na. Mayroon ako rito,” umirap ako.

“Sure ka? Marami ’to.”

“Dugyot!” I shouted at him.

Bigla siyang natawa. “Just kidding but nauuhaw ka nga?”

“Malamang, sobrang init.”

He approached his bag and took the mineral water from it. He came closer to me to hand it over.

I hesitated whether to take the water from him. I was angry at him and my pride was high. I wanted to refuse, but I felt the dryness in my throat so I just drank the water.

“I will pay for it,” aniko matapos uminom.

“Kiss gusto ko,” mapang-asar niyang sagot.

“Did you give me a kiss so that I would give you one in return? Eww.”

Nginiwi ko ang aking labi para ipakita sa kaniyang nandidiri talaga ako.

Natawa na lamang siya at nilibot ang paningin. Nanahimik ako at hinayaan na lamang siya. Ilang minuto ang lumipas ay bigla niya akong tinawag.

“Aerthaliz!”

“Who you? Engkanto?” pagtataray ko, hindi siya tinitingnan.

“May caterpillar dito. Look!” I faced him. Nagkatitigan kami. “From what I know, women are fond of caterpillars.”

Sinamaan ko siya ng tingin at lumayo-layo.

“Sila ’yon! Pero ako, hindi!”

He frowned. “Takot ka?”

“Oo,” sagot ko. “At subukan mong ilapit sa akin ’yan! Uuwi ako ng Maynila’ng ako lang mag-isa!”

Biglang dumating sina Nanay Carmen at Tatay Chico.

“Nagsisigawan kayo?” tanong ni tatay.

“Tatay, si Kerus ihahagis iyong ahas sa akin!” sumbong ko, nagsisinungaling.

“Saan ang ahas?” tanong niya.

Ngumisi ang lalaking gago. “Wala po, ’tay. Kaya ganiyan si Ae dala ng init.”

Lumapit na lang ako kay Nanay Carmen para kapag may ginawa si Kerus ay may makakapitan agad ako.

Napagpasyahan na naming bumalik sa kubo. Naglalakad kami ngayon sa talahiban nang may maramdaman kong may basa at mahabang pinatong si Kerus sa balikat ko.

I immediately felt fear and panicked.

Hinawakan ko ang balikat ko at pinaghahampas kung ano man ang nandoroon. Halos mandiri ako sa ginagawa ko.

“Oh my God! Fuck! What is it?! I don’t like caterpillar! Tangina, Kerus!” buong lakas kong sigaw sa kaniya.

My body feels weak and I have trouble speaking.

Tumigil lang ako nang makakapit ako sa braso ni Nanay Carmen. Tiningnan din niya ang likod at balikat ko kung anong mayroon.

“Damo lang ito, hija,” aniya.

Naiiyak akong tiningnan ang lalaki, halos hindi na siya makahinga kakatawa. Nang mapansin niyang nakatingin si Tatay Chico sa kaniya ay mabilis siyang umayos ng tayo, natatawa pa rin.

His gaze shifted towards me. Upon seeing that I was almost crying, his amused expression suddenly disappeared. Lalapit sana siya but both Nanay Carmen and I continue walking. I carried my resentment towards him.

“Huwag mo nang uulitin ’yon, Kerus,” rinig kong sabi ni Tatay Chico.

“Pasensya na po,” mahina niyang paumanhin.

Wala ng bakas ng tawa niya.

Nakarating kami sa kubo. Alam kong kanina pa ako gustong lapitan ni Kerus pero masama ang loob ko kaya nagmadali akong pumasok sa kwarto upang magkulong.

Nagpunas ako ng pawis. Binuksan ang electric fan at nakangusong umupo sa kama. Huminga ako nang malalim.

Kung alam lang ng lalaking iyon na nanginginig ako sa takot kanina.

“Hey,” tawag sa bintana. Kilala ko kung kaninong boses.

Alam niya sigurong sinarado ko ang pinto kaya nandiyadiyan siya ngayon.

I ignored him. I remained seated, feeling resentful. I was even surprised when he suddenly touched my shoulder. I looked out the window. That darn guy came in through there.

“I’m sorry,” umupo siya sa tabi ko. ”Nasobrahan ako sa pagbibiro ko. Dahon lang naman ’yong nilagay ko sa balikat mo at iyong caterpillar, nandirito sa bulsa ko.”

Hinampas ko siya!

“Get out!”

Grabe na ang inis na nararamdaman ko.

“Joke lang,” he chuckled. “Iniwan ko iyon doon! Hindi ko dinala!” he laughed.

“Are you here to ask for forgiveness or to annoy me even more?”

“Sorry na kasi.” Sinundot niya ang tagiliran ko. Nanantiya sa reaksyon ko. “Paano mo ba ako mapapatawad? Gusto mo pagluto kita ng sinigang na caterpill—”

Susuntukin ko sana siya ng hawakan niya ang kamay ko. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

“Sorry na, bb ko,” may ngisi sa kaniyang labi, nang-aasar na naman.

Lumunok ako.

“O-Oo na. Labas na.”

Sakto namang tinawag siya ni Tatay Chico kaya wala siyang naging angal. Ito ba ang sinasabi ni dad na marami akong matututunan sa lalaking iyon?

Dumating ang gabi at hindi ako pinayagan ni Nanay Carmen na mamaya pa ako kakain. Gusto niya ay sabay-sabay na kami kaya nandirito ako ngayon sa hapagkainan. Kumakain.

Si Tatay Chico, Nanay Carmen, Pretty, Kerus at ako. Ang anak ni Pretty ay mukhang kanina pa tulog.

“Bukas ay maaga kang gumising, hijo. Mangingisda tayo,” kausap ni tatay kay Kerus.

“Sige po.”

Hindi ako nagsalita. Nagfocus ako sa pagkain. Kapag tinatanong ako ni Pretty ay doon lang ako sumasagot.

Nakaramdam ako ng init sa katawan matapos kong kumain at ngayon ay umiinom ako ng tubig. Hinayaan ko ’yon baka dahil lang sa panahon. Ngunit kumunot ang noo ko dahil parang lumalalim ang aking paghinga at para akong nauubusan ng hangin. Sa ganoong kalagayan ay mabilis akong tumakbo papunta sa lababo dahil naramdaman kong nasusuka ako.

Lahat ay kinain ko ngayong gabi ay naisuka. Pawis na pawis ako dahil doon. Naghugas ako ng bibig at umalis sa lababo.

Bago pa makalapit sina Nanay Carmen at Pretty na may nag-aalalang mukha ay bigla na akong nahimatay. Naramdaman ko pang nauntog ang ulo ko sa isang matigas na bagay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status