Share

9: He Kissed You

Matapos kong makipag-usap kay Hacob sa telepeno ay tumayo ako mula sa kama. Humikab ako at pumunta sa balkonahe. Binaba ko ang aking mga braso mula sa pagkakaunat bago pumunta sa halamang mayroon ng bulaklak. Hinawakan ko ito at sinuri. Sa isang taon ay isang beses lang siyang mamulaklak. Ang nakakainis pa ay isang piraso lamang.

“Ang bigat!”

Mabilis napunta ang tingin ko sa ibaba nang marinig ko ang boses ni Kerus. Halos manlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala. Akala ko ang huli naming pagkikita ay sa mall! Ilang araw na rin ang nakalipas at nandirito na naman siya sa bahay?!

Nilibot ko ang aking paningin. Si dad ay nagpupukpok ng kahoy. Ang hardinero ay naglalagari. Si Kerus ay nagbubuhat. Sina mom at Bridelle ay nagpipintura ng mga paso. Para silang naggegeneral cleaning and gardening.

My cellphone rang so I went inside the room. I saw a text from Celeste so I immediately read it.

From Celeste:

papunta ako sa bahay niyo, aerthaliz. ang walanghiya mong boyfriend ay nautusan pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status