Share

Satrikana Series 1: Heart’s Desire
Satrikana Series 1: Heart’s Desire
Author: ItsyourgirlZiryang

Prologue

”Alam mo bang nahuli iyong dalawang senior sa restroom na nagsesex noong isang araw?” rinig kong sabi ng isa kong kaklase.

“Dalawang senior na lalaki?” sagot naman ng isa.

“Boba! Malamang lalaki at babae! Tangina mo, BL pa! Tingnan mo! Tingnan mo ang epekto sa ’yo niyan sa napakawalang kwenta mong utak!”

“Tangina mo rin!” ganti ng isa at hinatak ang ilang hibla ng buhok.

Muli silang naging kalmado at bumalik sa chismis.

“Iyon nga, alam mo iyong ginawa ng teacher na nakakita? Hinatak sa buhok ’yong babae at nginudngod ’yong mukha sa lababo habang nakabukas ’yong grupo. Halos hindi makahinga ’yong babae kaya kahit na malandi siya, may naawa pa rin.”

“Ang harsh naman ng teacher,” komento ng nerd.

“Oo kasi ang plot twist, anak ng teacher ’yong lalaking tigang!”

“Oh, anong nangyari sa teacher at anak?”

“Iyong lalaki, pinatalsik sa paaralan. Iyong teacher, tinanggalan ng lisensya dahil naku! Nananakit pala raw iyon ng estudiyante! Paano na siya makakapagturo? Tutal pinatalsik naman na ang anak niya, iyon na lang ang turuan niya kasi mukhang naalog ang utak n’on, e.”

Nagulat ang isa.

“Nananakit ang nanay, ’di ba? Baka sinasaktan niya ang anak niya like inumpog, sinapak sa ulo, pinalo sa ulo, mga ganoon? Kaya naalog ’yong utak.”

“Umpog ko kaya iyang ulo mo nang matauhan ka,” sagot ng source.

Napaikot ako ng mga mata at hindi na lang sila pinansin. Kaya ko lang naman naririnig dahil tahimik akong nag-iisip.

Napatingin ako sa kuwaderno habang nag-iisip sa ngayong pinagkakaabalahan ko. I sniffed and looked at the door, hoping to find an answer there, but my mind remained blank. Hanggang ngayon ay wala akong maisip kung anong p’wede kong iregalo kay Bridelle, my youngest sister.

“Reigan, sa tingin mo anong p’wedeng iregalo for someone?” I asked.

He was surprised by my sudden question. He stared at me, speechless, while looking at my face. I smirked, kahit kailan ’tong lalaking ito! Dalawang taon na kaming magkasama sa klase pero natutulala pa rin ’to hanggang ngayon sa hindi ko malamang dahilan.

“For someone? May crush ka na?” he asked, confused.

Napailing-iling na lang ako sa kaniyang tanong. Bakit pa ako nagtanong sa kaniya ng idea kung ayaw kong sabihin kung sino ang pagbibigyan ko? Same school lang kami ni Bridelle and she knows my friend, Reigan. Lagi niya ’tong kinukulit tungkol sa iregalong ibibigay ko sa kaniya.

She’s such a stubborn girl!

“Crush mo pa rin talaga ako, ano?” walang hiya-hiya kong tanong habang nagsusulat sa kuwaderno nang may maisip pagkatingin ko sa mukha niya.

“Who cares kung may gusto ako sa ’yo? You don’t have a boyfriend.”

He took a deep breathe. Tumingin siya sa bintana dahil biglang umulan nang malakas. Doon ko napansin na kahit nakasideview siya mula sa akin ay nalalaman kong he’s really handsome.

His haircut is a faded style, clean-cut. His thick, intersecting eyebrows are clearly visible. You’ll notice his prominent nose right away because that part is so attractive. His thin lips that he often wets with his tongue. His jawline and adam’s apple drive women crazy.

Pero wala akong gusto sa kaniya.

Natigil lang ang pagtitig ko nang may tatlong babaeng dumaan sa pasilyo. Mabilis silang kumaway nang makitang nakasilip si Reigan sa bintana. Based on the actions of the women, I know they passed through our room to sneak a look at the man in front of me.

There are only two reasons why women keep passing through our room. First, they’re checking out Reigan and seeking attention. Halos lahat ng mga babae ay pinapansin niya so he won’t be called rude.

Second, there’s a guy named Kerus Ferenz. Our classmate.

I looked forward as our professor arrived. We’ve been waiting for him since earlier and he just arrived now.

Tinigil ko ang pagsusulat. Lumipat lang ako ng upuan katabi ng upuan ni Reigan kaya kailangan kong bumalik sa aking upuan. I stood up and saw Kerus sitting in my seat, engaged in a serious conversation with our male classmate.

Hindi niya ba napapansin na kanina pa siya tinitingnan ng mga kaklase kong babae? Siguro that’s normal to him.

Nawala ang paningin ko sa kaniya nang mapansin kong mariing nakatitig sa akin si professor. Siguro naaalibadbaran na siya sa akin dahil tuwing walang guro ay panay lipat ako ng upuan. I smiled at him at hindi ko siya nakuha sa pagano’n ko kaya hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya na may matamis na ngiti.

“Kerus, lipat ka na. Nandiyan na si prof,” mahina kong sabi sa lalaki nang matunton ko sa row ko.

Hininto niya ang pakikipag-usap at tumingin kay prof. Senyales na kailangan niya nang bumalik sa puwesto niya.

Kamot-ulo ako habang nakatingin kay prof. Naniningkit ang kaniyang mga mata habang umiiling-iling sa akin. Napapikit ako nang biglang kumulog.

Sir began to discuss so I didn’t take my eyes off him. I also sat down in my seat.

“Hey,” I heard a deep voice beside my ear so I turned to look at it.

I quickly turned my face away from him when I looked at him. Our noses almost collided. He frowned while staring at me.

When I realized my mistake, I immediately stood up mula sa pagkakandong sa kaniya. Halos lahat ng kaklase namin ay nakatingin sa aming dalawa. Lalo na sa akin dahil sa ginawa ko.

Hindi naman talaga ’yon kandong! Nagdidikit pa lang ang mga balat namin! Hindi pa ako tuluyang nakakaupo!

“I—I’m sorry!” hingi ko ng tawad. Nananatili siyang nakaupo habang ako ay nakatayo sa harap niya. “That’s my seat! Akala ko lumipat ka na nang palipatin kita!”

Tinitigan niya ako ng mariin. “I didn’t hear your voice.”

Hindi ko alam kung bingi ba siya o talagang malakas lang talaga ang ulan sa labas. Samahan mo pa ng kulog.

Kung ganito araw-araw ang klima, sana man lang araw-araw din siyang maglinis ng tainga niya para marinig niya ako.

“Your eyes seem eager to judge, huh,” malamig niyang sabi at tumayo na sa pagkakaupo.

Hindi ako nakasagot lalo na nang magtawanan ang mga kaklase ko. Ang ibang babae naman ay panay tanong kung totoo nga bang kumandong ako sa kaniya.

Bakit ba sila curious? Hindi ko naman crush ang lalaking ’yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status