Share

1: It’s Him Again

”Let’s go, Aez,” ani dad sa maowtoridad na boses.

Nasa hapagkainan kaming lahat ngayon, nag-aalmusal. Hindi pa ako tapos kumain pero gusto ako nitong madaliin upang sumama sa kaniyang event na pupuntahan because he’s our city mayor.

Everything about him needs to be formal. That’s why dad also brings me to these events so I have an idea of how to manage a city. He wants me to follow in his footsteps but I’ve long resisted his wishes. I just don’t know now. Maybe he’s forcing me.

“Brivous, hindi pa tapos kumain si Aerthaliz,” kontra ni mom. “Nine o’clock pa naman ’yon. May one hour pa. The venue is just nearby, you won’t be late.”

Hindi nagsalita si dad. Wala siyang naging kontra sa desisyon ni mommy kaya wala siyang nagawa kun’di ang hintayin ako matapos kumain.

“Where are you and dad going, ate?” Bridelle asked, my youngest sister.

“Seems like they’re going to an event called Pantawid Hapag,” Aecus answered.

Katatapos niya lang magpunas ng tissue sa kaniyang bibig. Mabigat niya akong tiningnan pero agad ding iniwas at nilipat kay dad. Aecus, the eldest son in our family but ampon lang siya ni mommy. Pero kahit ganoon hindi namin pinamukha sa kaniya ang bagay na ’yon.

“I’m done. Alis na ako.”

Ate Bridgette didn’t show respect by standing up from her seat. Maingay pa ang pag-urong niya sa upuan causing our father to furrow his brow at her.

She grabbed her bag and walked away without a care. Hindi pa siya nakalalabas ay agad siyang pinigilan ng aming nanay.

“Where are you off to again, Bridgette? It’s Sunday and you don’t have work.”

She’s 26-year-old at pinayagan siya ng mga magulang namin kung anong gusto niyang kuhaning trabaho pero alam kong masama ang loob ni dad sa kaniya dahil gusto nitong maging abogado siya.

After Ate Bridgette’s graduation, she rebelled, which caused our dad a lot of regret. Gusto ni dad na maglaw school siya para kahit papaano ay may pakinabang daw sa pamilya.

I know my sister, no matter what bribe or beautiful words you say to her, she won’t be swayed or scared. Whatever she wants, iyon na talaga.

“Mama Aera, uuwi rin po ako,” pabalang niyang sagot.

Napailing-iling na lang ang aming mga magulang nang tuluyan na siyang nakalabas. Habang kami nina Aecus at Bridelle ay nakasunod lamang ng tingin sa kaniya. Hindi na nakigatong sa usapan.

After I finished eating, dad and I left. While in the car, I just stared out the window, looking at the tall buildings.

Dad’s bodyguard was driving. There was another car following us filled with my dad’s bodyguards. As mayor, whenever he goes out, palaging ganito.

Tahimik akong nakaupo nang magsalita si dad.

”Kaya ikaw, Aez. Huwag kang gagaya kay Bridgette. Ang mga gano’ng tao ay walang mararating sa buhay. Graduate ng college pero walang pagsisikap? Gusto ay easy money? Ano pang kwenta ng mga pinag-aralan niya? Sayang ang gastos ko at pagmamalaki ko sa mga konsehal na mag-aabogado siya,” aniya na halata ang iritasyon.

“I think, dad, we just need to support her in whatever she wants because she’s no longer a minor. She already has her own decisions,” magalang kong sagot.

“Kung iyon ang gusto niya, sana ay sinabi niya!” sigaw niya. “Hindi ’yong binabastos niya kaming mga magulang niya. Wala siyang utang na loob!”

I didn’t respond to his last statement, especially when we arrived at the barangay we were heading to.

Lumabas si dad na sinundan ko. Aalukin sana ako ng bodyguard na tulungan pero agad ko ’tong tinanggihan at nagpasalamat.

Nag-ingay ang mga tao nang tumapak si dad sa entablado. Mga naghiyawan at nagpalakpakan. Sobrang ingay ng cover court at nag-eecho ang kanilang mga sigaw.

Ang mga konsehal at kapitan ay nakaupo sa mismong entablado. Lahat ng may tungkulin sa lungsod ay nandoroon lahat. Ako namang anak lang, sa baba ako naupo. Sa pinakaunang upuan kung saan ang mga cameraman na panay kuha ng litrato at video.

Dad just gave a speech and greeted the citizens. He sat down on his chair and immediately looked for me with his eyes. I waved at him and smiled. He felt reassured upon seeing me.

Ang ibang konsehal na kararating lang ay nagbigay din ng speech. Hindi na ako nakinig at kinuha nalang ang cellphone ko para magpost ng picture kung anong nangyayari dito.

I was about to take a picture of the people screaming at the back but I paused when someone started speaking on the microphone.

“Good morning mga nanay at tatay! Lolo at lola! It’s a pleasure to see all of you here today,” the man said. ”Nag-almusal na ho ba ang lahat?” malambing niyang tanong. “I’m Kerus Ferenz, your councilor. If not accepted, your husband instead.”

Sa huli niyang sinabi ay nagtilian ang lahat kasama ang mga matatanda. Hindi na ako nakakuha ng litrato dahil pinanuod ko nalang ang mga babae kung paano mabaliw sa lalaking nagsalita sa harapan. Panay bulong nito na ang gwapo at panay yugyog sa mga katabi.

Nagtawanan pa nga ang lahat nang may bra na naghagis sa taas.

I chose to just return to my seat and watch the man giving the speech.

He became even more handsome now. His height also increased, and among all councilors, he is the tallest. His thick eyebrows, sharp nose, and rosy lips appear soft to me. His light skin. His attractive jawline. His hair, whether messy or neat, will always suit him. While his broad shoulders and confident posture exuded an aura of strength and charisma. Each movement was graceful yet powerful, drawing attention effortlessly wherever he went.

But he’s a fucking heartless and useless.

Gusto kong umalis sa upuan at sa kotse na lang maghintay ngunit alam kong hindi papayag si dad kaya wala akong pagpipilian na manatali sa upuan.

Kasusuyod ni Kerus ng tingin sa mga tao, napunta ang tingin niya sa akin. Mabilis ding iniwas na tila alam niyang kasama ako ng tatay ko.

Paano siya naging councilor? Hindi ko alam na tumakbo pala siya dahil wala naman akong pakialam noong nakaraang botohan. Pero paano siya naging councilor?! Anong maganda niyang nagawa para iboto siya ng mga tao?! Ang lalaking may matamis na ngiti ngayon sa entablado ay isang napalaking putanginang hayop!

The audacity of him to deceive people! Wala pa rin siyang pagbabago!

Yumuko nalang ako at huminga nang malalim para kahit papaano ay kumalma ang aking sarili. Tiningnan ko ang likod ng palad ko kung saan peklat na nandoroon. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang napakaganda kong kamay.

As I lifted my head, I was surprised because all the women were looking at me. Kerus was still speaking in front, so it was strange that they shifted their attention so I looked at the stage. I immediately felt annoyed when Kerus stared at me while he was speaking. He was smiling but I knew the smile was for the people. Kitang-kita ang maputi niyang ngipin. Nakaaakit ang ngiti niya na akala mo ay walang ginawang masama.

Alam kong nagtataka na ang mga babae kung bakit titig na titig sa akin si Kerus kaya para makaiwas sa atensyon, pumunta nalang ako sa likod ng entablado upang magbathroom.

Nilapag ko ang bag ko sa sink at huminga nang malalim. Tumingin ako sa salamin. Normal pa rin ang hitsura ko. Isang rason para matuwa ako sa aking sarili dahil hindi na ako apektado sa kaniya.

“Ngayon lang ako nakapunta rito kaya natatakot akong gumamit ng banyo. You never know, as soon as I enter, I might suddenly get stabbed,” tawa ng babae mula sa labas.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Naningkit ang aking mga mata nang makilala kung sino ’tong magbabanyo. Hinawi niya ang takas na buhok bago siya tumingin sa akin.

“Oh, Aerthaliz!”

She’s our vice mayor.

Hanggang ngayon matinis pa rin ang boses niya.

“I just saw you again now. How are you?” Adeline asked.

Nagsalita ako ng mahina. “Really, huh?”

I rolled my eyes at her at dahil nakaharap ako sa salamin ay nakita niya ’yon. Tumawa siya ng nakakaloko. My God! This girl talaga! Kakakita lang namin noong nakaraang linggo because we’re friends!

”You’re so mataray talaga,” she laughed. “And still clumsy.”

Nakita niya kung paano nalaglag ang phone ko sa sink. Mabuti nalang ay walang tubig kaya kakaunti lang ang basa.

“Diyan ka na,” sagot ko. “Hindi talaga magandang pumapasok ka sa ganito. Kulob at sobrang tinis ng boses mo. Sobrang sakit sa tainga,” pranka kong dagdag.

“Hahaha!” she laughed. “Wala ka sa mood, huh! And I know what’s your reason, girl!”

I just came out of the bathroom. I had only taken a few steps when I saw Kerus standing near the bathroom. It immediately crossed my mind that the person Adeline was talking to outside earlier was Kerus.

Tumingin ako sa pinto ng banyo at nakaramdam ng inis. Sadya ni Adeline na magpasama sa bathroom. Hindi ito ang unang beses niyang makapunta rito. Sa tingin ko ay nakita niyang papunta ako sa bathroom at nakuha niya pang isama si Kerus dahil alam niyang ex-boyfriend ko ’to. Mula high school hanggang ngayon. Adelina is still Adeline.

What a bitch.

Pormal kong nilagpasan si Kerus.

“Miss Satrikana, nice to meet you. And you—” bati niya sa akin na hindi natuloy dahil nagtuloy lang ako sa paglalakad.

Don’t care kung tawagin niya kong rude. Hindi ko siya pinansin and nice to meet you?! Acting na hindi niya ako sinaktan before? Oh, wow.

“Ate, ’yong bag niyo po nakabukas,” sabi ng lalaking bata sa akin.

He’s wearing a t-shirt and short. I think he’s 8-year-old.

“Thank you,” matamis kong ngiti.

Nahihiya siyang ngumiti sa akin at mabilis na tumakbo patungo sa nanay niya.

Pagbalik ko sa upuan ay nakahinga ako nang maluwag dahil tapos na ang event. Saglit lang naman ’to at nagbibigayan na ng relief goods sa mga tao. Mga staff na ang bahala kaya lahat ng opisyal ay napagpasyahan nang umuwi kaya tumayo na rin ako upang tunguhin si dad sa labasan.

Nakikipagkamay at ngitian siya sa mga tao habang hinihintay ako.

“Napakaganda talaga ng anak niyo, mayor!” sigawan ng mga lalaking nakakumpol sa isang sulok

Hindi ko na sila pinansin at tinungo na si dad. Bago ko lagpasan ang mga lalaki, pansin kong sabay-sabay silang tumingin sa bandang likuran ko kaya tiningnan ko rin ’to.

I saw Kerus formally walking behind me. His hands were in the pockets of his slacks.

“Hey, dad! Tara na po,” magalang kong tawag.

Nagpaalam si dad sa mga tao at inakbayan na ako. Sabay kaming naglakad patungo sa sasakyan.

“So did you discover or learn something new today, Aez?” biglaan niyang tanong.

“Interact properly with people?” hindi sigurado kong sagot.

Natawa siya hanggang malapit kami sa sasakyan kung saan may dalawang bodyguards na naghihintay. Papasok na sana si dad nang may tumawag.

“Mayor,” he called in serious tone.

Dad smiled immediately at him. “Ferenz!”

Tinapik ni dad ang balikat niya nang makalapit.

“Will the rice field in Pampanga be the one I will report to you next week? Can I know the information so that I won’t have a hard time when I go there, mayor?” he asked, sinuklay niya ang buhok niya.

Tumingin ako sa ibang direksyon at nakinig nalang sa usapan.

Pansin kong tinapik muli ni dad ang balikat niya.

“Konsehal, ngayong linggo kasi ay maraming akong gawin kasi ’yong kabilang barangay? Maraming humihingi ng tulong sa titulo ng kanilang mga bahay kaya hindi ko mabigyan ng atensyon ang mga rice field. I would like to join you so you won’t have a hard time.”

“It’s okay, mayor,” he chuckled.

“Pero si Aerthaliz, madalas mamalagi roon sa rice filed. Sina manong at manang na nag-aalaga ng palayan ay halos ituring niya na ngang pamilya!”

Nagtawanan sila. Bakit? Anong nakakatawa roon? Kung makisabay na lang itong si Kerus ay akala mo may nakakatawa talaga!

“Is she your daughter, mayor?”

Ramdam kong sinulyapan niya ako ng tingin.

Dad nodded at looked at me. “Hey, Aez, bakit hindi mo na lang samahan si Kerus sa rice field natin? Sigurado akong marami kang matututunan sa kaniya. Kilala mo naman ang mga tao roon para mas mapadali?”

Sumimangot ang mukha ko. Ang rice field na ’yon ay para sa mga tao.

”Dad, I’m busy this week,” I reasoned.

Hindi na mapinta ang mukha. Mas lalo pang nalukot nang titigan ako ni Kerus.

“This is a big opportunity for you, hija. Give your cellphone so Kerus can type his number. You can answer any questions about the rice field, hija.”

Kung tatanggihan ko si dad sa mismong harap ng ka-opisyal niya ay sigurado akong papagalitan niya ’ko.

I took a deep breathe and tumayo ng maayos. “My cellphone got wet in the bathroom,” I said coldly.

“Your number?” agap agad ni Kerus sa dahilan ko. Hindi ako sumagot. “Don’t tell me hindi mo—”

“Yes, hindi ko kabisado.”

His eyebrows furrowed. He stared at me intently and I noticed how his adam’s apple moved as he swallowed. I looked at him seriously.

“I know Aerthaliz’s cellphone number!” sigaw ni Adeline hindi kalayuan.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero tila wala siyang nakita. Kinuha niya ang cellphone ni Kerus at nagtipa roon.

Minsan talaga napapaisip ako kung p’wede ba tadyakan ang vice mayor na hindi kontra ang mga bodyguards niya? At wala akong makukuhang bash sa mga tao?

“Thank you, vice mayor,” rinig kong sabi ni Kerus bago ako pumasok sa loob ng kotse.

Pumayag ba ako sa gusto ni dad? Sa tingin niya rereplyan ko siya? No way. Kahit mamuti ang mga mata niya kakahintay sa reply ko.

Ayoko.

Lalo na’t uminit ang ulo ko sa lahat ng tao. Gusto kong magwala rito sa loob ng kotse o kaya habulin si Kerus at itapon ang cellphone niya.

Narinig kong nagpaalam na siya kay dad kaya pumasok na rin si dad sa sasakyan. Wala akong imik sa biyahe at nakasimangot lamang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status