Share

3: Keeping My Distance

Pabagsak kong nilagay ang maleta ko sa compartment kaya masama akong tiningnan ni Kerus na abala sa pakikipag-usap sa tatay ko. Nakatingin din sa akin si dad kaya hindi nakita ang kaniyang reaksyon. Hindi ko siya pinansin. Umirap ako at nakasimangot na pumasok sa sasakyan. Siyempre padabog ko ring sinara ang car door.

“Antok ka pa rin, anak? Masama ang mood mo,” puna ni dad sa akin kaya ngumiti ako sa kaniyang maayos ako.

Kerus didn’t inform me early that we’re going to Pampanga. I didn’t reply to his text last night, but I wish he had mentioned when and what time we’re leaving, so I could have gone to bed early. I woke up feeling bad and extremely tired, which is why my mood is ruined.

“O, siya, mag-ingat kayong dalawa, Ferenz!” Tinapik ni dad ang balikat ni Kerus. He looked at me. “Aerthaliz, i-text mo ako kung nandoon na kayo, huh? Siguraduhin mong tutulungan mo si Konsehal. Malaki ang tiwala ko sa ’yo, anak.”

I just nodded. Hindi ko na sila tiningnan. Naramdaman ko na lang na pumasok na si Kerus sa driver seat. Hindi niya ako tiningnan at hindi iyon big deal sa akin.

“Kumain ka na?” he asked calmly.

Nag-umpisa na siyang magmaneho pero bago ’yon ay bumusina muna siya ng dalawang beses senyales kay dad na aalis na kami.

Hindi pa ako nag-aalmusal at wala akong balak sabihin ’yon sa kaniya. Kapag sinabi kong hindi, bibili siya ng pagkain? Kakain kami? Ng sabay? Tatanggapin ko ang pagkain na siya ang gumastos? Ayoko! Para ko na ring nilunok ang pride ko at baka isipin niya pang maayos kaming dalawa.

No. Never.

I didn’t answer him. Sinandal ko na lamang ang aking ulo at pinikit ang mga mata. Nakabukas ang bintana kaya tumatama ang malamig na hangin sa aking mukha. Mabango talaga ang hangin kapag umaga. Sari-sari ang amoy. Lumalamang ang amoy dahon, damo at mga bulaklak ng halaman.

“Anong alam mo sa pagpapalay?” tanong niya muli matapos ang kinse minuto.

Napansin niya sigurong hindi ako makatulog.

“Wala, kumain lang,” pabalang kong sagot at lihim na napaikot ng mga mata.

He glanced at me and raised an eyebrow. He didn’t like the way I responded. If that’s the case, then he shouldn’t ask.

“Kumain ka. Ilang oras bago makapuntang Pampanga.” Hindi ako sumagot kaya muli siyang sumulyap sa akin. “Kargo de konsensya ko pa kung magkasakit ka.”

Wala pa rin akong naging tugon. Nangunot lang ang noo ko nang ihinto niya ang sasakyan niya sa harap ng isang fast food chain. Dito niya napiling kumain dahil sarado pa ang ibang resto.

“Let’s go.”

Nauna na siyang bumaba sa akin. Napaikot ako ng mga mata at sumunod. Ako ang magbabayad ng pagkain ko para hindi ko siya awayin. Subukan niyang pumapel, iinit talaga ang ulo ko sa kaniya.

Umupo kami sa table for two.

“Let me order for us,” he said.

“Ako na ang sa akin.”

I was about to stand up when he gave me a disapproving look.

“Maupo ka na nga lang,” iritado niyang pigil.

Hindi na ako nagprotesta. Naupo na lamang ako. Kumuha ako ng pera at nilagay sa parte niya sa lamesa. Gusto kong ako ang magbabayad ng sa akin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na siya. Sa likod niya ang crew dala-dala ang pagkain namin. Nangunot ang noo ko dahil ang dami.

“Tangina, mukha ba akong patay-gutom?!” pigil kong sigaw.

He ignored what I said because he was staring at the money on the table.

“I-dodonate ba natin ’yan do’n sa cashier?” he asked.

“You idiot, that’s my bayad!”

He wasn’t looking at me and kept his gaze on the money. He furrowed his brow and took the money on the table. I smiled because he accepted it. My smile faded as he went straight to the cashier. He dropped my payment into the donation box. I didn’t know what it was for.

“Ano ba?” inis kong tanong nang makaupo siya.

“Just eat,” seryoso niyang sabi.

Halata na sa mukha niya ang iritasyon. Tahimik siyang kumain at hindi na muli ako tiningnan.

Even though I felt reluctant, I ate. He remained silent, which was fine by me because sometimes I get annoyed with his voice or chattiness.

We were quietly eating when a teenager approached.

“Tito Kerus!” the boy called out.

I raised an eyebrow.

The boy was wearing a polo shirt, black jeans, and sneakers. He was smiling at Kerus, revealing a dimple on his right cheek. From his voice and demeanor alone, it was obvious na habulin siya ng mga babae.

Nagpunas ng bibig si Kerus gamit ang tissue at hinarap ang binata.

“Aziz, bakit ka nandito? Where’s your parents? Friends? Girlfriend?” Ngumisi siya nang banggitin ang panghuli.

Ngumisi rin ang tinawag niyang Aziz.

“I’m with my dad po. Bumili lang po ako ng fries,” magalang niyang sagot.

Ginagalang niya pa ang lalaking ‘yan?

“Uh... sige. Tell Kuya Hide na nagkita tayo.”

Nagpamulsa si Aziz at ngumiti na. Pinipigilan niya ang kaniyang ngiti kaya kinagat niya ang kaniyang labi. Sumulyap siya sa akin at tumalikod na.

“Yes, tito. I’ll tell my dad na may kasama kang magandang babae!”

Mabilis siyang tumakbo palabas ng fast food chain para hindi siya masita ni Kerus. Napailing-iling na lang itong kaharap ko at bumalik sa pagkain.

“Who is he?” kuryoso kong tanong.

“Pamangkin,” he answered.

Wala akong kilala kahit ni isa sa pamilya niya kaya medyo nabigla ako na may pamangkin siya. Ibig sabihin ay may kapatid pa siya. Ilan? Babae ba? Lalaki?

After we finished eating, we resumed our journey. Neither of us spoke. I also didn’t want to talk to him as if our communication was fine. Because of boredom, I fell asleep, especially since I lacked sleep.

Nakagising lang ako ng maramdamang huminto ang sasakyan. Mainit na ang sikat ng araw kaya tiningnan ko sa cellphone kung anong oras na.

Oh, wow. 3 hours akong natulog.

Sinulyapan ko si Kerus na abala sa pagmamaneho dahil umusad na ang mga sasakyan. Magaling siyang magdrive, smooth. Kaya siguro napasarap din ang tulog ko.

Kinuha ko ang bottle of water at ininom. Tumingin ako sa labas at kita ko na ang Bundok Arayat. Siguro mga trenta minuto pa bago kami makapunta sa kinaroroonan.

Mas bumilis ang pagmamaneho ng driver. Ang nakikita ko kalsada ay taniman ng mga palay, mais at mga gulay. May napapansin din akong malalaking fish pond. May mga hayop din katulad ng kambing, baka at kalabaw hanggang sa puro puno at damo na lang ang nadadaanan namin. Hudyat na malapit na kami.

Several minutes passed as he drove the car through the rough road until it leveled out because of the sand and soil. He parked on the side once we arrived.

I quickly got out of the car and looked around. The wind blew strongly, causing my hair and clothes to flutter.

I could see the vast expanse of the rice field. It was beautiful to behold, with its entirety colored green. My eyes also caught sight of some animals.

Sa malalaking puno, nandoroon ang isang napakalaking kubo. Sa likuran ng kubo, ang isang napalaking fish pond. Tinignan ko ang nasa harapan ko, puro taniman ng mga gulay; malunggay, papaya, kamoteng kahoy, talbos, saging, sitaw, gabi at langka. May maliit lang na daanan at doon kami dadaan para makatungo sa malaking kubo.

Muling humangin nang malakas. Napapikit ako dahil may mga dalang dahon. Pagkadilat ko ay papalapit na sa amin si Tatay Chico. Sa pagkakaalala ko ay kasing-edad niya lang si dad. Sa likuran niya ay isang itak na nakalagay sa kahang kahoy.

“Ang bilis niyong makarating, hija,” aniya. Kinuha ang mga dala ko. Sinipat niya ang lalaking nasa aking likuran. “Konsehal, tara na po. Ako na po ang magbubuhat niyan at mukhang napagod po kayo sa pagmamaneho.”

So he knows Kerus as a councilor?

“Huwag na po. Kaya ko na po. Ang kay ma’am na lang po ang buhatin niyo,” magalang niyang sagot.

Napataas ang isang kilay ko kahit hindi niya kita. Natawa na lang si tatay at nauna nang maglakad. Doon ako napairap dahil sa iritang nararamdaman.

Pagdating namin sa kubo, nakita ko ang mga itik, manok at pato na mga naglalakad. May isang inahing manok pang naglalakad kasunod ang kaniyang mga sisiw. Sa isang malayong puno ng mangga, nandoroon ang mga alagang baboy. Mukhang sinadyang ilayo sa kubo dahil mukhang hindi maganda ang amoy.

“Ae, nandiyan na pala kayo!”

Nawala ang atensyon ko nang may tumawag sa akin. Si Nanay Carmen, ang asawa ni Tatay Chico. Yayakap sana siya kaso hindi natuloy.

“Bakit po, ’nay?” natatawang tanong ko sa kaniya dahil paamba na rin sana ako ng yakap.

“Madumi ang mga kamay ko dahil naglalaba ako ng mga damit,” nanggigil niyang sagot. Hindi mapigilan ang sarili. “Nag-almusal na ba kayo? Tanghalian? Aba, magluluto na ako!”

“Hindi po, ’nay. Busog pa po ako,” sagot ko.

Sa totoo lang ay gusto ko nang kumain ng tanghalian dahil nakakaramdam na ako ng gutom kaso mukhang ang dami pa nilang ginagawa. Kaya ko namang maghintay.

”E, itong si Konsehal ba?” Hinarap ni nanay si Kerus. “Hijo?”

Tumaas ang dalawang kilay ni Kerus, nagtatanong. Tumingin siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya hilaw siyang ngumiti.

“Mamaya na po ako, ’nay.”

“Ay, kahit na! Magluluto na ako! Ang labahin ko ay makakapaghintay!”

Nagpunas siya ng kamay gamit ang tela ng saya niya. Aalis na sana kaso may nakita. Tiningnan din naming tatlo nila tatay, nakita ko ang isang babaeng nasa labingsiyam na taong gulang, may hawak na sanggol na sa tingin ko ay nasa pitong buwan.

”Ay, ang anak ko pala. Si Pretty at ang apo ko, si Miles. Ang gwapo-gwapo, ’di ba?” nanay’s question was quite affectionate.

I’ve only seen this woman just now, even though I’ve been here several times. I didn’t even know they had a daughter. May lahing chinese si Tatay Chico at maganda ang mukha ni Nanay Carmen kaya kahit magulo ang buhok ni Pretty, her beauty still shines through. Bagay na bagay ang pangalan niya sa kaniya. I think she’s maputi pero mukhang nalantad ang balat niya sa araw, that’s why her skin is now morena.

She smiled. I saw her two dimples.

“Magandang umaga sa inyo,” she greeted sweetly.

“Pretty, akin na si Miles,” si Tatay Chico. “May bisita tayo, mabuting tulungan mo muna ang nanay mo.”

Binigay niya ang anak niya kay tatay. Kinuha niya ang upuan at binigay sa amin ni Kerus. Umupo ang kasama ko pero ako ay nananatiling nakaupo. Bukod sa gusto kong magpahinga, katabi ng upuan ko ang upuan ng lalaking ’to.

“Hey, ganda. Which room can I rest in?” I asked, staring at her eyes.

“Anak, samahan mo ang ate mo sa dulong kwarto,” utos ni Tatay Chico. “Pasensya na, isa lang ang bakante naming kwarto. Ginawa lang kasi namin ’yon para kay Brivous,” tukoy niya kay dad.

What does he mean? What?!

I’ve been avoiding Kerus and then... Nevermind, why do I care about his presence? Argh! The truth is, I do care, that’s why I’m annoyed right now! That’s bullshit!

Nakarating kami ni Pretty sa sinabi ni Tito Chico. Siya ang unang pumasok para masiguradong malinis ang kwarto. Ngumiti siya sa akin nang masiyasat niya. Pumasok ako dala ang maleta ko. Doon siya naglakad patungong pintuan.

“Electric fan lang ang gamit namin. Wala kaming aircon. Pasensya na. Pero nasa ilalim ng puno ang kwartong ’to kaya hindi masyado main—”

”No, it’s okay. Bubuksan ko na lang ang bintana.”

Nahihiya siyang tumayo. “Sige, mauna na ako. Sabihin mo lang kung may kailangan ka.”

I took off my shoes when Pretty came out. I opened the window so the fresh air could come into the room. Tiningnan ko ang paligid at masyadong matirik ang araw. Naglalaban ang init at malamig na simoy ng hangin.

Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako kahit natulog ako ng tatlong oras kanina. Nagising lang nang may kumatok, si Pretty.

“Kakain na raw po, ma’am,” magalang niyang pahayag.

Umupo ako sa kama at sinuklay ang ash gray na buhok.

“Sinong mga kumain na?” Nangunot ang noo niya sa tanong ko. ”I mean, tapos na bang kumain si Kerus?”

“Hindi pa po. Tinatawag pa po siya ni mama.”

“Ah.” Napatango-tango ako. “Pwedeng pakisabi sa akin kung tapos na siya kumain? Doon ako lalabas para kumain.”

Muli na namang nangunot ang kaniyang noo.

“Gusto ko lang ng tahimik kapag kumakain.”

“Pwede ko po kayong dalhan na lang ng pagkain dit—”

“Sorry. Hindi ako sanay na sa kwarto kumakain.”

Nahihiya siyang ngumiti. “Sige po, ma’am.”

I nodded at her. Bumaling ako sa bintana. Ganoon na lang ako magulat at mahiya nang makita ko si Kerus na nakadungaw. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa itaas. Ang isa naman ay nakapatong kung saan nilolock ang bintana. Dibale nasa gitna ang napakawalanghiyang pagmumukha niya.

Ang gago ay nakangisi pa.

“Iniiwasan mo ba ako?” naniningkit ang kaniyang mga mata.

“Oo,” I bravely replied. “So what if I’m avoiding you? That’s just the right thing to do when it comes to you.”

I rolled my eyes at him. Fuck you.

Naghanap ako ng kumot para magtalukbong. Ipahayag sa kaniyang ayoko siyang kausap kaso wala akong nakita.

“Ang sabi ni Mayor ay tutulunga—”

“Hindi lang ako ang tao rito. At p’wede ba? Umalis ka na riyan. Hindi natin bahay ’to para gumawa ng away!”

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi matapos kong magsalita.

“Do you want me to have our house built so that everything we want to do is possible?” panunuya niya.

Iba ang pumasok sa isip ko kaya uminit ang pisngi ko. Naiirita at nahihiya sa kaniya.

“Sa tingin mo gusto kong tumira kasama ka? Of course, never!”

Sumama agad ang tingin niya sa akin pero wala akong pakialam doon.

“Sinong sasama sa ’yo habang buhay kung isa kang napakalaging gago?! Na napakakapal ang mukha?! Wala!”

“That’s all?” he asked coldly.

“Hindi, marami pa. Gusto mo isa-isahin ko lahat?”

Huminga siya nang malalim at bumaling saglit sa paligid. Muli niya akong hinarap. Parang kinalma niya ang sarili niya upang hindi kami magkasagutan dito.

“3 hours tulog mo kanina, ’di ba? Tapos ngayon 1 hour?” Ngumuso siya. “Tulog ka pa. Kulang pa ’yon. Init pa ng araw covered by your hair.”

Kinagat niya ang labi para ngumiti. Tinaas-baba niya ang kaniyang mga kilay, pasabi na aalis na siya. Kahit wala na siya sa panigin ko, masama pa rin ang tingin ko sa bintana.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status