Share

2: My Composure Waned

“Tara na, Adeline! Ang bagal mo naman!” reklamo ko sa kaniya dahil hindi siya makuntento sa shade ng lipstick niyang nilagay sa kaniyang labi.

“Sandali! Palibhasa lipgloss lang ang sa ’yo, e! Edi sana all effortless ang ganda!” masungit niyang sigaw at napaikot pa ng mga mata.

“Tanga ka ba? Ipapabura rin ’yang makapal mong lipstick ni prof! Alam mo namang maarte ’yong baklang ’yon!”

“Hoy, nasaan ang respeto mo sa teacher, huh?” paalala niya.

Nangunot ang noo ko.

Pabalang akong sumagot. “Naiwan ko sa bag. Notebook lang ang dala ko.”

Nang matapos siya ay nagmadali siyang tumakbo papunta sa akin. Inirapan ko pa siya ng mga mata nang makalapit.

“Red days mo ba?” mahinhin niyang tanong.

Kalmado akong sumagot. “Hindi. Naiirita lang ako dahil panay tingin sa ’yo ’yong kaklase nating manyakis.”

Binalik niya ang tingin niya sa silid namin kahit malayo-layo na kami.

“Sino ro’n? Tatlo kaya ang lalaki sa classroom.” Huminto siya at parang napaisip. Sumilay ang ngiti sa labi. “Don’t tell me si Ferenz?! Huwag ka nang magalit! Ayos lang sa akin!”

Humagikhik pa siya kaya mas lalong nangunot ang noo ko sa kaniya.

“Kapag gwapo ba ay ayos lang sa ’yo kahit binabastos ka na?”

“Aba! Oo! Basta si Ferenz lang!”

Humalakhak siya.

“Hindi naman si Kerus,” mahina kong sabi na akala ko ay makaliligtas sa kaniyang pandinig.

“E, sino?”

”Iyong lalaking palaging nagcucutting classes.”

“Si Santiago?! Aba! Gagong lalaki ’yon!”

May sumilay na ngiti sa labi ko dahil sa reaksyon niya. Nagdedeliryo pa siya habang naglalakad kami hanggang may mauna sa aming isang lalaki. Sabay kaming napahinto ni Adeline at nagkatitigan.

“Gago, narinig niya mga pinagsasabi ko?!” Halata sa mukha niya ang hiya. “Hindi mo man lang naramdaman na may naglalakad sa likuran natin, Aez?! My God! You’re so manhid!”

“Paano kasi kung makapagsalita ka ay nakasigaw. Sigurado akong narinig niya lahat ng usapan natin,” sagot ko na mas lalong nagpamula ng kaniyang mukha.

“Baka isipin n’on na pinagkakamalan natin siyang manyak,” mahina niyang bulong sa akin na may ngiti sa labi dahil natatawa sa nangyari.

Natawa ako. “He’s really pervert. Minsan nga nakatitig ’yon sa dibdib ko, e.”

Her eyes widened. “We? Sa akin din!”

Sabay kaming humalakhak dahil sa mga naisip. Alam naming dalawa na hindi gano’n si Kerus. Imbento lang talaga kaming dalawang magkaibigan.

“Basta talaga lalaki ang pinag-uusapan, magcacause ng late sa klase.”

Tumigil kami sa tawanan dahil may nagsalita sa likuran. I saw Reagan. Buhat ang ilang libro.

“Inutusan ka ni sir, ’no?” panghuhula ni Adeline.

“Oo,” he answered seriously.

“Crush ka n’on!”

Reagan frowned. Tinitigan nang mariin ang kaibigan ko. “So kapag inutusan kita, may gusto ako sa ’yo?”

”Siyempre wala!” Adeline smirked. “Si Aerthaliz gusto mo, e! HAHAHAHAHAHAHA!”

Hindi ako nakatawa sa sinabi ng kaibigan ko lalo na si Reagan dahil nakita ko si Kerus na papalapit sa puwesto namin. Seryoso niyang tiningnan si Reagan at walang pakundangan na kinuha ang dala ng kaibigan ko.

“You’re so slow. Lalaki ka pa naman,” bulong ni Kerus at naglakad na dala-dala ang mga libro.

“Problema ng lalaking ’yon?” inis na tanong ni Reagan.

Nakatitig siya sa akin. Tila sa akin niya mahahanap ang sagot kaya tinaasan ko siya ng kilay kung bakit sa akin siya nakatingin. Umiling-iling na lamang siya. Sabay-sabay na kaming tatlong naglakad papasok sa subject.

Kaming tatlo nalang ang hinihintay kaya tabi-tabi kami sa likuran. Si Reagan, ako at si Adeline. Hindi ko alam kung bakit hindi gumitna si Reagan, alam niyang ayaw kong katabi si Adeline sa klase dahil sobrang daldal at kulit nito kagaya ngayon.

“Look at Kerus’ hands, the veins on his hands are very prominent!” kinikilig niyang sabi.

“Ugat saan?” Reagan asked, narinig ang sinabi.

Dahil nagtuturo ang guro sa harapan ay huli akong tumingin kay Adeline. Nakikinig siya sa harapan pero nananatili ang kilig. Si Reagan naman ay mariing nakatingin dito sa katabi ko.

Dahil sa isiniwalat ng kaibigan ko. I looked at Kerus’ left hand, resting on one of his legs because he used his right hand to comb his hair. He has fair skin kaya kahit dito sa puwesto namin ay kita ko ang kulay ng ugat niyang bumakat sa kaniyang mga balat.

Pagkatapos niyang suklayin ang kaniyang buhok. Ganoon na lamang ako matigil sa paghinga dahil ang mga tingin niya ay dumiretso sa akin. Akala ko ay mabilis siyang iiwas pero nakuha pa nitong makipagtitigan. Naiwan pa ang kamay niya sa kaniyang batok.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Muli akong bumaling sa guro. Tumingin muli ako kay Kerus pero nasa akin pa rin ang titig niya.

What’s his fucking problem?!

Dinilaan ko ang ibang labi at pinag-ipit silang dalawa ng itaas kong labi. Muli akong lumunok at tumingin nalang sa guro.

Nagtaka ako dahil tumigil ito sa pagtuturo. Tiningnan ko kung sino ang tinitingnan niya, si Kerus na... nakatitig pa rin sa akin hanggang ngayon.

“Ferenz, you’re not even listening despite how great my topic is right now?” mahinhin ang puna ng bakla.

“You’re right, sir,” magalang na sagot niya.

I saw his smirked bago nilipat ang tingin sa guro. Pansin ko rin na papalit-palit ang tingin ng mga kaklase kong babae sa amin ni Adeline. Siguro ay inaalam nila kung sino sa aming dalawa ang kumuha ng atensyon ng crush nila.

“Oh, my God!” pigil na tili ni Adelina sa tainga ko. “Alam kong ikaw ang tinititigan niya, hindi ako! Tell me, Aez! Is that you?! Of course, yes! You’re freaking beautiful and fucking sexy!”

“Miss Gregorio, you’re mouth!”

Isang matinis na boses ang sinigaw ng bakla naming guro. Hindi na yata kinaya ng pasensya niya. Sobrang ingay ni Adi at may kasama pang mura ang mga pinagsasabi niya.

“S-Sir, I’m just complimenteng her.” Adi pouted.

“Ingudngod mo na lang kaya ang mukha niya sa ’yo!” Sir rolled her eyes. Kinuha ang pamaymay niya at maingay na hinampas.

“I’m sorry, sir! Hindi na po mauulit!”

Hindi na nasundan ang sinabi ni Adi dahil biglang natapos ang oras ng klase niya. Mainit ang ulo ng bakla nang lumabas ng silid. Ni hindi man lang nagpaalam sa amin.

“Tsk... Tsk...” Iling-iling ni Reagan kaya dinalaan siya ni Adi.

Natawa ako sa naging kilos niya. Tumayo ako para bumalik na sa sariling silid namin. Ako lang ang tumayo dahil hindi pa tapos magtalo at mag-asaran ang dalawa sa likod.

How childish.

“Aerthaliz.”

Someone called me so I looked at it. I saw Kerus followed me. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya at seryosong naglakad papalapit sa akin habang nakatingin sa akin ng malamig.

“Uh, bakit?” I asked, waiting for his answer.

“I heard na magaling kang gumuhit. Can you draw me?” seryoso ang boses niya at nang malamang wala akong reaksyon, muli siyang nagsalita. “I can pay you whatever amount you want. If I’m causing any inconvenience to your schedule, I’ll wait. We can meet during your free time. If you prefer to meet at your house, I can come over.”

Hindi agad ako nakapagsalita. Natulala ako sa kaniyang mukha dahil sa mga tanong nasa aking isipan. How did he find out that I know how to draw? I only told Reagan and Adeline. Almost all of my works are just in my room.

“P’wedeng... pag-isipan ko muna?”

“Oh! Yeah, sure.”

I smiled at him awkwardly. Aalis na sana pero mabilis niyang hinawakan ang balikat ko. Naramdaman ko ang malambot at mainit niyang palad na dumikit sa aking balat. Ang sarap niyang manghawak at tila ayaw kong tanggalin niya ’yon pero nang mapagtanto niya ang kaniyang ginawa, mabilis siyang bumitaw.

“Can I get your number? Para alam ko kung tinanggap mo ba ang offer ko. Kung tanggapin mo man, madali mo akong matatanon—”

“I have her number!” matinis na sigaw ni Adi palapit sa aming puwesto.

Mabilis niyang sinulat sa kamay ni Kerus ang number ko gamit ang hawak niyang ballpen. Napailing-iling ako. Sa ganitong pag-uusap, alam kong kakalat ’to sa university namin. Hakot atensyon ang hitsura niya.

“Thank you, miss,” pasalamat ni Kerus.

“Hoy, ano ka ba! Kaklase mo kaya ako!”

Pinalo pa ni Adi ang balikat nito.

“Uh?”

Hindi alam ni Kerus ang isasagot kaya tumingin siya sa akin.

“Yes, she’s our classmate and also my friend.”

Nahihiya siyang tumango. Ngumiti na lamang ako para ipaalam na kailangan ko nang umalis. Pinanlakihan ko ng mga mata si Adi para sabihin sa kaniyang kailangan na naming iwan ang lalaki.

“Ah, yes! Tara na, Aez!”

A week has passed since the event my dad and I attended. On the first day Adeline gave my number to Kerus Ferenz, I didn’t receive any text from him. That arrogant guy is just too pretentious and trying to impress my dad.

Wala pa rin siyang kwenta.

I glanced at the painting on my wall. I smiled bitterly as I realized I haven’t been drawing anymore. My interest in that hobby never returned.

I yawned and decided to take a shower before heading downstairs for dinner. I just came from Reagan’s place this afternoon so I’m sweaty.

Matapos kong maligo ay sinuot ko ang bathrobe. Pinulupot ko rin ang tuwalya sa aking buhok bago lumabas ng banyo. Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang aking kabuoan. Tumalikod ako ng kaunti, niluwagan ang tali ng suot ko upang matingnan ng kaunti ang aking likod kung nasaan ang peklat ko when I was in college.

My scar is really long. It stretches from my shoulder down to below my breast. The stitches are still visible even though it’s been a long time and it healed well.

My bedroom door suddenly swung open. I thought it was one of our maids or one of my siblings. But when I saw it was someone else, I quickly pulled up my bathrobe over my shoulders.

Uminit ang aking ulo. Una, sa hindi niya pagkatok. Pangalawa, sino nagbigay ng permiso sa kaniyang pumasok? Pangatlo, basang-basa sa mga mata niya ang gulat at pagtataka nang makita kung ano ang tinitingnan ko sa aking likuran. Uminit ang mukha ko dahil sa inis na nararamdaman.

“Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?! Are you fucking rapist, Mr. Ferenz?! Konsehal ka pa naman pero pagdating sa babae, bastos ka!” I shouted at him.

Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Ang mga tingin niya ay nasa likod ko pa rin kahit nakatagilid na ako. Nakatatakot ang kaniyang mga titig pero hindi ko ’yon ininda. Napalunok ako nang galit siyang tumingin sa akin. Siyempre hindi ako nagpatalo, ginantihan ko rin siya.

“Ah, sorry, ate!”

Sumilip si Bridelle sa bandang baywang ni Kerus. Nakasandal si Kerus sa hamba ng pintuan kaya hindi ko napansin ang kapatid ko kanina. Kita ko ang malawak niyang ngiti at magagandang mga mata.

“Sinabi kasi ni dad na i-diretso ko si Kuya Kerus dito dahil hindi ka naman daw busy. Sorry for not knocking. Nasanay kasi ako when it comes to you,” she smiled sweetly.

I raised my right eyebrow to her. Dinilaan niya ako kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata. Binaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon at napaikot ng mga mata. I can’t bring myself to get angry at her antics.

Bridelle pushed Kerus into my room, but because Kerus was heavy and tall, hindi niya man lang napahakbang. Buong lakas niya pang tinulak ang likod nang paulit-ulit hanggang si Kerus na ang kusang humakbang papasok. Pagkakataon ni Bridelle para isara ang pinto ng kwarto ko.

Huminga ako nang malalim. Hinigpitan ko ang roba kong suot para masiguradong walang nakahihiyang mangyari.

“What are you doing here?” I glanced at his cellphone in his pocket. “May number ka, ’di ba? You can text me! Hindi mo na kailangan pumunta sa bahay at pumasok pa rito sa kwarto ko!”

Seryoso niya akong sinagot. “Who else wants to come into your room? It’s just your dad anyway.” Sinuyod niya ang buong katawan ko. “You’re not replying to my texts, that’s why I’m here. I didn’t know you prefer talking in person and don’t like using your phone?”

Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko ang cellphone ko at ang dami niyang texts and call. Simula kasi nang ibigay ni Adi ang number ko sa kaniya, nag-do not disturb ako at silent. Hinihintay ko rin ang call at text niya para mablock ang number.

“I’ll reply, what’s next?” masungit kong tanong. Hindi siya sumagot. Nakatitig lang sa akin ng seryoso habang ang isang kamay niya ay nasa isang bulsa. “Wala na?” Hindi ulit siya sumagot kaya tumalikod na ako. “You can go out now. I’ll get changed.”

“So, the mayor has a rude daughter? I thought everyone from their family was formal and polite in dealing with people.”

I wasn’t sure if he was insulting or just expressing himself. I felt insulted by what he said so I glared at him again.

“This is my room! And you?! Can you just leave?” Lumapit ako sa kaniya at pinagtutulak siya. “Labas! Labas! Labas! Get out! From the beginning, I didn’t want to see you, so please, just leave! I don't want to see your face anymore, please!”

Sa ginawa niyang insulto ay bigla akong sumabog. Napakakapal din ng mukha niya. Lahat ng sinabi ko ay totoo. Kung grabe ang pagtataboy ko sa kaniya, wala akong pakialam basta ay umalis nalang siya. Kung p’wede lang huwag siyang magpakita sa akin ay gawin niya nalang.

Wala siyang naging laban. Nagtiim-bagang siya at hinayaan akong palabasin siya ng kwarto. Malakas kong sinara ang pinto. Napahilamos ako ng mukha at napasandal sa likod ng pintuan upang pakalmahin ang sarili. Narinig ko ang tunog ng kaniyang sapatos, hudyat na umalis na siya. Ilang segundo lang ang lumipas ay tumunod ang cellphone ko.

Unknown number:

This is Councilor Ferenz. Pack your things and prepare because we’re leaving for Pampanga tomorrow. Sorry for my behavior, Aerthaliz.

Out of frustration, I threw my cellphone. I couldn’t stand being with Kerus for long. I couldn’t bear seeing his face every now and then.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status