Share

Scream Your Name
Scream Your Name
Author: Luna Marie

Chapter 1

1

"Sino ka ba? At nasaan ako? Hindi nga kasi kita kilala! Paalisin niyo na ako please." Sigaw ko at nagpupumiglas.

Shit, nasaan ba ako? Kanino ba itong bahay? Puro maid ang kasama ko ngayon at ni isa sa kanila ay walang nasagot sa akin.

Sumasakit na rin ang kamay ko dahil sa pagwawala. Itinali nila ang kamay ko ngayon dito sa gilid ng kama.

"ANONG KAGULUHAN ITO?" Galit na sigaw sa amin ng isang matangkad at makisig na lalaki. Napapitlag naman ako dahil sa galit niyang boses.

"Sir Xavien, si Ma'am ho kasi..." Hindi na rin naituloy ng isang maid ang sasabihin niya dahil sa takot sa bagong dating na lalaki.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa panga.

"Ano na namang katarantaduhan ang pinaggagagawa mo Andrina? Nakatali kana at lahat ay gumagawa ka pa rin ng kalokohan?" Galit na titig naman niya sa akin.

Dahil sa takot ay napaiyak na lamang ako pilit kumakawala sa hawak niya.

"Sir, please nasasaktan ho ako. " Iyak ko.

"Sir? Ginagago mo ba talaga ako? " Pagak siyang napatawa.

"Wala akong maalala. Sino po ba kayo? " Hindi makapaniwalang napatitig siya sa mukha ko.

"PUTANGINA TALAGA! " Galit na sigaw niya sa mukha ko at pabalyang binitiwan ang panga ko.

"Sir, kakagising lang po ni Ma'am Andrina. Baka po mas mainam na tumawag muna tayo ng doktor." Hindi mapakaling sabi ng isang may katandaang katulong.

"Tawagan mo si Rowan Manang Lucing. Kayo naman! Huwag ninyong aalisin ang tali ng babaeng ito! Ilang beses na niya akong nilinlang." Galit na utos niya bago lumabas ng kwarto.

Mas lalo akong napahagulhol ng iyak.

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod.

FLASHBACK

"Tulong! Tulungan ninyo kami! Inay, huwag po kayong bibitaw sa akin. Makakaalis din tayo dito." Iyak ko habang bitaw ang kamay ng isang babaeng tinawag kong inay.

"Erin anak ko..." Napabitaw siya sa akin kasabay ng pagsalpok ng malakas na alon sa aming sinasakyan na barko.

"INAY! " Sigaw ko.

Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil sa masamang panaginip na iyon. Tagaktak ako ng pawis at hinihingal.

Napatingin ako sa paligid at sa kamay kong nakagapos.

"Masamang panaginip? " Napatingin ako ngayon sa bagong lalaking palapit sa akin. Dahil sa takot ay umatras ako sa aking pwesto.

"Sino ka? Huwag mo akong lalapitan." Takot na takot na sabi ko.

"Ako si Dr. Ibasco. Dr. Rowan Ibasco, ako ang doktor mo simula nung iniuwi ka rito ng asawa mo."

"Asawa? May asawa ako? " Naguguluhang sabi ko.

"Andrina, wala kaba talagang maalala? " Napabuntong hiningang sabi niya.

"Andrina? Iyan din ang itinawag sa akin ng lalaking nanakit sa akin kanina." Natatakot na sabi ko ng maalala ko ang ginawa sa akin ng lalaking iyon.

Mas lalo siyang lumapit sa akin.

"Hindi kita sasaktan. " Malumanay na sabi niya at chineck up ako.

"Wala bang sumasakit saiyo? " Tanong niya.

"Bukod sa kamay kong nakagapos ay wala ng sumasakit sa akin."

"Ano ang huli mong naaalala? " Tanong niya.

Naaalala? Tama iyong panaginip ko.

"Iyong napanaginipan ko kanina. Nasa barko ako at kasama ko ang aking inay. " Parang wala sa sarili kong sabi sa kanya.

Nabuntong hininga siya at napatitig sa akin.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok doon ang lalaki kanina.

"Rowan, nagsisinungaling ba ang babaeng iyan? " Malamig na bungad niya.

"Sinaktan mo ba siya Xavien? "

"Hindi na iyon mahalaga. Hindi mo sinagot ang tanong ko." Nakakunot na noong sabi niya.

"Sa labas tayo mag usap."

Agad namang tumalima ang lalaki at mabilis na lumabas.

"Huwag kang gumawa ng kalokohan Andrina, huwag mong ubusin ang pasensiya ng asawa mo." Iyon lang ang sinabi niya sa akin at lumabas na rin.

Andrina? Iyon ba talaga ang pangalan ko.

Kahit pa takot na takot ay sinunod ko na lamang ang sinabi ng doktor.

Baka mas malala pang panananakit ang gawin niya sa akin.

Gutom na gutom na ako ngunit wala naman akong mahingian ng makakain.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal naghintay bago pa may nagbukas ng pinto.

Pumasok doon iyong matandang maid kanina.

May dala siyang pagkain para sa akin.

"Para sa akin po ba iyan? " Talagang gutom na gutom na ako.

"Kanino pa ba hija? Ikaw lang naman ang tao sa kwartong ito." Kahit malumanay ay maririnig sa boses niya ang inis.

" Pasensiya na po, gutom na gutom na po kasi talaga ako." Nagtungo ng ulo na sabi ko.

Napabuntong hininga naman siya.

" Oh siya, aalisin ko ang pagkagapos mo pero huwag kang gagawa ng kalokohan Ma'am Andrina. Maraming tauhan ngayon ang naririto para magbantay sa iyo. Hinding hindi ka na makakatakas." Babala niya sa akin.

"Pangako po, hinding hindi po ako tatakas. Pakainin ninyo lamang po ako." Napatitig naman sa akin ang matanda at inalis ang tali ko.

Pagkaalis niya ng tali ay agad akong kumain. Hindi ko alam kung kailan pa ulit ako makakakain kaya dadamihan ko na. Isa pa talagang gutom na gutom ako. Pati huli kong pagkain ay hindi ko na maalala pa.

"Maghinay hinay ka sa pagkain Ma'am. " Nag aalalang paalala niya.

" Pasensiya na po, gutom na po kasi talaga ako. Hindi ko rin po alam kung kailan ninyo uli ako papakainin kaya uubusin ko na po ito."

Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko habang nakabantay sa akin ang matanda.

Pumasok ulit ang lalaking galit na galit sa akin.

"Sir..." Tumayo ang matanda sa kanyang pagkakaupo.

"Iwanan mo muna kami Manang Lucing."

Hindi ko na naituloy ang pagkain ko dahil sa pagdating niya.

"Andrina..."

"Please, huwag mo akong sasaktan." Natatakot akong umatras.

"Hindi mo ako maloloko Andrina. Sinisigurado kong hindi ka na ulit makakatakas sa pamamahay na ito."

"Hindi kita kilala. Paalisin mo na ako parang awa mo na."

Pagak siyang tumawa.

"Kung hindi lang dahil kay Pixie, ako na mismo ang papatay saiyo." Mapanganib na sabi niya.

"Pixie?" Alinlangan kong sabi sa kanya.

"Pati ba naman anak mo ay kunwaring malilimutan mo para lamang makatakas ka sa mga kasalanan mo?" Galit na sabi niya.

May anak ako?

"Maaari ko ba siyang makita? " Kahit pa takot ay nais kong makita ang bata. Baka sakaling may maalala ako.

"Why? To brainwash her again para kampihan ka niya? " Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin.

"Hindi. Kung ako man nga ang asawa mo at anak ko si Pixie, baka maalala ako kung makikita ko siya." Natatakot akong salubungin ang matatalim niyang tingin kaya tumungo na lang.

Sinakal niya ako at tinitigan sa mata.

"Hindi ako naniniwalang hindi ka nakakaalala Andrina. Suit yourself, dahil maghihiganti ako sainyo ng lalaki mo. Napakaraming beses na kitang pinagbigyan but not this time."

"Please... Huwag, masakit." Mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Mas masakit pa riyan ang ginawa mo sa amin ni Pixie. " Puno ng hinanakit na sabi niya at binitiwan ang leeg ko.

Hindi ako si Andrina!

Sigaw ko sa isip ko.

Lumabas na siya at iniwan akong umiiyak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status