34"Xavien, kumusta ang araw mo? Halika, nagluto na ako." Malumanay na sabi ni Erin kay Xavien."Si Pixie?""Ah. Nasa kwarto pa niya, babe. Bakit? " Nag alala naman bigla si Erin dahil sa itsura ni Xavien. Mukhang may malaking bagay na bumabagabag dito."Puntahan ko muna siya." Hindi na nakaimik si Erin at sinundan na lamang si Xavien. Hindi rin maganda ang kutob niya at hindi siya mapakali."Daddy! Nakauwi ka na po pala. Kumusta po ang work niyo? Napagod po ba kayo? " Bigla namang napatigil si Xavien ng marinig ang masayang boses ng anak niy moa. Masaya itong makita siyang umuwi.Niyakap ni Xavien si Pixie at saka napahagulhol ng iyak."Baby... Baby ko..." "Xav..." Nag aalala ring lumapit si Erin sa mag ama."Daddy, why? May masakit ba sayo? ""No, baby. I'm just so happy..." Umiiling na sabi ni Xavien sa bata."Sorry kung umiiyak si daddy, okay? Mahal na mahal kita anak." Hindi pa din tumitigil si Xavien sa pag iyak, yakap yakap niya ang bata na nagtataka."Daddy, why are you cryin
Matapos magpacheck up sa ob-gyne ay umuwi na rin si Xavien at Erin."Babe, tatawagan ko na si Everett para makapunta na tayo sa islang sinasabi niya."Tumango lamang si Erin ngunit nanatili itong tahimik."Babe, sigurado akong mahahanap natin ang nanay mo. Don't stress yourself too much, okay? Hindi ba at sabi ni Dra.Nieves ay huwag ka masyadong magpakastress, makakasama daw iyon sa inyo ni baby. Nandito lang ako, Erin. Hindi ko kayo iiwan ng baby natin."Napatango lamang si Erin."Salamat, Xavien. Sana ay makita na talaga natin si nanay. Gusto kong kasama ko rin siya sa bagong yugto ng buhay ko." Nakangiting sabi ni Erin.Kinabukasan ay maagang umalis ang dalawa. Iniwan na nila si Pixie sa pangangalaga ni Rica. Ipinagtapat ni Xavien kay Erin na si Rica ay kinuha ni Xavien upang bantayan silang dalawa ni Pixie. Ito rin ang nagmanman sa bawat kilos ni Manang Lucing noong ito ay nasa mansion pa ni Xavien.Lulan ng kanilang sasakyan ay narating nila ang port sa Batangas, doon nakaraparada
"Stay calm, Erin. " Paala ni Rowan sa dalaga. "Paano kung ayaw na akong makita ni Nanay? Paano kung mas lalong hindi niya ako maalala dahil nag iba ang mukha ko? " Naiiyak na sabi nito, agad naman siyang dinaluhan ni Xavien. "Don't say that, babe. Kung nakalimot ang nanay mo ay tutulungan natin siya, okay? I'm here, babe. We're here for you. Tutulungan ka namin." Pag aalo ni Xavien kay Erin. Nasa byahe na sila ngayon patungo sa bahay ng Mayor Reyes. Maayos namang kausap ang dalawa nilang kasama. "Nagustuhan ni Mayor kung paano magtrabaho si Miriam kaya naman hindi na niya ito pinaalis sa bahay niya. " Sabi ng isa sa mga kasama nila. "Miriam? " nagtatakang sabi ni Kyros. "Ah. Opo , Sir. Iyon po ang ipinangalan sa kanya ni Mayor. Katunog ng pangalan ng namatay niyang asawa." Dagdag pa ng isa. "Malayo pa po ba tayo? " Malumanay na tanong ni Erin sa dalawa. "Malapit na po tayo, Ma'am. Mabuti na lang po at hindi gaanong busy ngayon si Mayor. Nais niya rin daw kasing perso
1"Sino ka ba? At nasaan ako? Hindi nga kasi kita kilala! Paalisin niyo na ako please." Sigaw ko at nagpupumiglas. Shit, nasaan ba ako? Kanino ba itong bahay? Puro maid ang kasama ko ngayon at ni isa sa kanila ay walang nasagot sa akin.Sumasakit na rin ang kamay ko dahil sa pagwawala. Itinali nila ang kamay ko ngayon dito sa gilid ng kama."ANONG KAGULUHAN ITO?" Galit na sigaw sa amin ng isang matangkad at makisig na lalaki. Napapitlag naman ako dahil sa galit niyang boses."Sir Xavien, si Ma'am ho kasi..." Hindi na rin naituloy ng isang maid ang sasabihin niya dahil sa takot sa bagong dating na lalaki.Lumapit ito sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa panga."Ano na namang katarantaduhan ang pinaggagagawa mo Andrina? Nakatali kana at lahat ay gumagawa ka pa rin ng kalokohan?" Galit na titig naman niya sa akin.Dahil sa takot ay napaiyak na lamang ako pilit kumakawala sa hawak niya."Sir, please nasasaktan ho ako. " Iyak ko."Sir? Ginagago mo ba talaga ako? " Pagak siyang napatawa
2Inalisan na nila ako ng tali pero hindi pa rin ako nakakalabas ng kwarto. Palagi pa rin akong dinadalhan ng pagkain. Tanging si Manang Lucing ang kumakausap sa akin.Naglibot libot ako sa kwarto at may nabuksan akong isang pinto. Pagkapasok ay bumungad saakin ang napakaraming damit, bag, alahas at kolorete sa mukha. Nilibot ko ang buong kwarto at puro mamahaling gamit ang nakikita ko. Lahat ng iyon ay hindi naaayon sa aking mga gusto. Kung ako nga si Andrina, bakit ayaw ko sa mga ito? Napadako ang tingin ko sa napakalaking salamin kaya lumapit ako dito. Nakikita ko ngayon ang aking repleksiyon, nakasuot ako ng isang bestidang puti na pantulog. Mugtong mugto ang aking mata, maputla ang maputi kong balat at magulo ang aking buhok. Pinagmasdan ko ang aking mukha sa salamin, pilit kong pinagtatanto kung sino ba talaga ako. Ako ba talaga ang asawa ng Xavien na iyon? "Namimiss mo na bang magsuot ng magagarang damit? Hindi mo na ba kayang panindigan ang pag arte mo? " Kinilabutan ako ng
3"You're Pixie? ""Opo mommy, namiss po kita. Saan po ba kayo nagpunta? " Maluha luha niyang sabi."Uhm... Pasensya kana kung umalis si Mommy." Iyo lamang ang nasabi ko at hinimas ang buhok niya.Parang bago sa akin ang ganito ngunit magaan sa pakiramdam."Maupo na kayo." Malamig na sabi ni Xavien.Sinunod ko naman agad siya at inalalayan sa tabi ko si Pixie.Nagsimula na kaming kumain, ipinagsandok ko si Pixie ng kanin at ulam. Mukha ngang namiss niya ako at tuwang tuwa pa siya habang ipinagsasandok ko siya."Salamat po mommy." Ngiti niya sa akin. Ang kaninang napansin kong takot sa mga mata niya ay nawala na."Kumain ka ng kumain Pixie, ito gulay. Mainam ito sa katawan mo." Sabi ko sa kanya, sabay lagay ng sitaw at kalabasa sa pinggan niya."Mommy, hindi po ako kumakain niyan." Simangot niya. Napangiti ako dahil sa cute niyang reaksiyon."Ah, pasensya na nakalimutan ko. Pero mas mabuti kung kakain ka ng gulay. Gusto mo bang tikman? Kahit kaunti lang? " Magiliw na sabi ko."Sige mom
4Nagising ako sa parehong kwarto na tinutulugan ko nung mga nakaraan. Dahan dahan akong bumangon.Kumikirot pa rin ang ulo ko."Kumusta ang pakiramdam mo?" Rinig kong sabi ng doktor."Sa tuwing pupunta ka rito, iyan ang itinatanong mo. " Wala sa sariling sabi ko, mukhang nagulat naman siya sa isinagot ko."Mukha bang ayos lamang ako? Iniisip ko kung ako ba talaga si Andrina para danasin ko ang ganito. Nabuhay lamang ba ako para pahirapan ng lalaking iyon? " Umiiyak kong wika.Napabuntong hininga lamang ang doktor at sinuri ako."Tulungan mo ako, parang awa mo na..." "Sa tingin mo? Saan ka pupulutin kapag umalis ka rito? Sa tingin mo ba kapag nakaalis ka ay titigilan kana ni Xavien? " Malamig na turan ng doktor."Doktor, anong gusto mong gawin ko? Antayin ang kamatayan ko sa lugar na ito?" Umiiyak kong sabi sa kanya."Paano si Pixie? Paano ang anak mo? " Nakatitig na sabi ni sa akin, noon din ay napatigil ako sa pag iyak at napatingin rin sa kanya."Palagi kang hinahanap ng anak mo.
5Pagkatapos kumain ay naglinis na rin ako ng katawan. Matapos makapaglinis ay ibinaba ko na ang aking pinagkainan."Hija, hindi mo na sana iyan ibinaba. Paakyat na rin sana ako sa kwarto mo." Bungad sa akin ni Manang Lucing.Umismid naman ang ibang katulong na nasa kusina."Ano kaba manang? Hayaan mo siya, hindi na niya tayo pwedeng artehan ngayon ano? Kita mo bang halos isuka na siya ni Sir Xavien." Sabi ng isang katulong, sa tingin ko ay mas matanda lamang siya sa akin ng ilang taon."Kaya nga manang, tapos na ang pagrereyna reynahan niyan dito. " Sabi pa ng isa."Magsitahimik kayo. Kahit ano pang sabihin ninyo ay siya pa rin ang asawa ni Sir Xavien. May mas karapatan siya kaysa sainyo. Naiintindihan niyo ba? " Napapitlag ako dahil maotoridad na tono ni Manang Lucing. Miski ang ibang katulong ay nagulat rin."Naiintindihan niyo ba? " Striktong dagdag pa nito.Napayuko naman ng ulo ang dalawa bago sumagot."Opo manang." "Mabuti kung ganon, kuhanin niyo ang dala niya at hugasan na