Share

Kabanata 45

Halos mamuti na ang kamao ni Lucas sa higpit nang pagkakakapit niya sa manibela ng sasakyan. Pinipigilan niyang kainin ng galit ang kan'yang sistema. 

Paano nagawang itaya ng kan'yang ina ang kanilang mga ari-arian sa sugal? Napakahalaga ng mga lupain nila dahil iyon ang unang naipundar ng kan'yang yumaong ama. Hindi niya akalaing kayang isakripisyo ito ng ina para sa bisyo.

Sumunod siya sa ina sa kanilang mansyon. Umaasa pa din siyang sinisiraan lamang ito ni Lera.

"Is that true?"

Natagpuan niya ang ina sa opisina nito. Abala itong tumawag sa mga kaibigan at dating kasosyo sa negosyo upang humingi ng tulong.

Pilit na ngumiti si Ginang Juana sa anak. 

"Hindi, anak. Bakit ka maniniwala sa babaeng iyon? Nagsisinungaling lamang siya."

Nagbinata man siya sa America, kilalang-kilala niya ang ina. Sa paggalaw pa lamang ng mga mata at tono ng pananalita nito, alam niyang nagsisinungaling ito.

"Mom, stop lying please! Just te

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status