Share

Kabanata 50

Nagtatanong na mga tingin ang ipinupukol ni Arim kay Lera at Lucas sa hapag dahilan upang hindi makakain nang maayos ang dalawa.

"Kumain ka na anak, may pasok ka pa," maotoridad na sabi ni Lucas sa bata.

Iniabot ni Lera ang gatas dito, kasabay ng kape ni Lucas. Dahan-dahan na lumingon ang lalaki. Animo'y nagtataka sa ginawa nito.

Matapos ang higit tatlong taon ngayon lamang siya muling nalanghap ang kape na timpla ni Lera.

Sumimsim siya. Mainit iyon, tamang-tama lamang upang maibsan ang lamig na nararamdaman niya ngayong kasabay muli nila ng anak si Lera sa hapag.

Nakakapagtakang ang paglapit ni Lera sa kanilang anak ang bumabagabag sa kan'yang isipan subalit hindi niya matukoy kung paano napapanatag ang kan'yang puso sa presensya nito. Katulad na lamang kagabi na sa condo niya ito natulog. Kung iisipin ay dapat siya maging maingat dahil anumang oras ay kayang-kaya nito na makuha si Arim nang sapilitan o hindi niya alam. 

Subalit heto s

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status