Share

Kabanata 57.5

Hahakbang paabante. Hahakbang paatras.

Kanina pa nasa tapat ng pintuan ng opisina ni Lucas sa mansyon si Lera, hindi niya malaman kung itutuloy ba ang binabalak o hindi.

“Lera?” Halos atakehin siya sa puso dahil gulat nang biglang sumulpot ang lalaki sa kan’yang likod.

Kapwa sila nakasuot ng pantulog.

“May kailangan ka?” Dumapo ang mata ni Lucas sa librong hawak ng babae.

“Busy ka ba?” tanong nito.

Umiling si Lucas kahit ang totoo’y tambak ang papeles na dapat niyang review-hin sa opisina.

“Not really, what is it?”

Nag-aalangan man ay nagpatuloy si Lera sa sadya niya sa lalaki.

“Hindi ko kasi maintindihan ang topic kanina sa klase. Exam namin bukas. Baka alam mo? Pwede mo ba akong turuan?”

Totoong hindi niya nauunawaan ang lecture kanina. Ang gawing tutor si Lucas ay hindi kasama sa mga plano niya.

“Sure, pasok ka.”

Hindi pa kailanman na-excite si Lucas na magturo, kahit noon na nag-substitute instructor siya ay hindi niya ito kinahiligan, maliban ngayon.

Umupo silang dalawa sa sofa. Ikwenento ni Lera ang parte ng topic na hindi niya maintindihan. Sa una’y pormal na tanong-sagot ang naging pag-uusap nila pero habang nagtatagal ay kapwa na sila nagiging komportable sa bawat isa.

Hindi maitatanggi ni Lera na noon pa man ay magaling nang magturo si Lucas, kaya hindi nakakapagtaka na mabilis niyang natutunan dito ang topic kanina.

“No, that’s wrong.”

Nangunot ang noo ni Lera at pinaulit muli kay Lucas ang tanong nito.

Na-enjoy yata ng lalaki ang pagtuturo dahil nag-alok pa itong i-review siya para sa magiging exam bukas.

“Just kidding,” pagbawi ng lalaki na nagpairap kay Lera.

Tumawa si Lucas sa naging reaksyon niya.

Kanina pa nahahalata ni Lera ang pang-go-good time nito sa kan’ya, kaya hindi naging mailang ang pagturo niya.

“Ang badoy mo,” komento pabalik ni Lera na nagpatawang muli kay Lucas.

Mas lalo niyang nakilala ang lalaki. Walang kwestyon ang pagiging matalino nito subalit ang hindi niya inaasahan ay marunong din pala itong magbiro at tumawa. Palibhasa’y puro na lamang away ang namamagitan sa kanila noon.

Niligpit na ni Lera ang mga libro. Halos magdadalawang oras na pala siyang tinuturuan ng lalaki.

“Tatabihan mo ba si Arim?” Ilang gabi nang siya ang tumatabi sa anak, kaya naisip niyang itanong ito kay Lucas.

“No, ikaw na, para naman bukas inspired ka mag-take ng exam.”

Napangiti si Lera. Ang gaan ng kan’yang loob, hindi niya alam kung bakit gayong nasa kan’yang harapan ang taong puno’t dulo ng mga paghihirap niya noon.

Tumayo siya kasabay ni Lucas na sinamahan pa siya patungo sa pintuan.

“Thank you, Lucas,” sinsero niyang saad.

Marahan na tumango ang binata sa pag-aakalang iyon lang ang gagawin ng babae at lalabas na. Subalit ikinagulat niya nang tumingkayad ito at inabot ang kan’yang pisngi para sa isang halik.

Sayang ang pagkakataon na ito kung hanggang ‘thank you’ lamang ang sasabihin ni Lera, kailangan niyang umaksyon.

“Good night,” ani Lera upang itago ang pamumula ng sariling mga pisngi.

Siya itong h*****k pero bakit siya pa itong tila kinilig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status