Share

Kabanata 58

Kapal ng mukha at lakas ng loob. Hindi sinabi ni Maris na ito pala ang kailangan ni Lera.

“Mama?” Nakakatatlong tawag na sa kan’yang pangalan si Arim pero hindi pa rin lumalabas sa kwarto si Lera. Paulit-ulit na lumilitaw sa kan’yang isipan ang ginawang paghalik kay Lucas kagabi.

“Sa pisngi? Ang hina mo! Sa pisngi lang ‘yon kaya lumabas ka na d’yan.” Narinig niyang sabi ni Maris sa kabilang linya. Kagabi niya pa ito tinatawagan subalit hindi sumasagot kaya maagang-maaga pa ay tumawag na ito sa pag-aakalang may emerhensya siya.

Bahagyang binuksan ni Lera ang pinto at nakita ang anak na nakahalukipkip sa tapat ng kan’yang kwarto. Gusto niyang ngumiti nang makita kung gaano kaseryoso ang mukha nito, animo’y nayayamot na sa tagal niyang magbukas, subalit umurong ang kan’yang ngiti nang makitang ganoon din ang itsura ni Lucas sa likod ng anak.

Nanlaki ang kan’yang mata kasabay nang pag-iin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status