Share

Kabanata 57

Hindi kailanman lubos maisip ni Lera na darating ang araw na mamomoblema siya sa kulay ng kurbatang babagay sa dark blue na longsleeve polo. Itim ba? Puti o light blue?

Mabilis niyang ibinalik sa cabinet ang mga kurbata nang mawala ang tunog ng shower sa cr. Hudyat na tapos nang maligo si Lucas. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya gayong nasa kwarto din ang anak.

“Mama, mas bagay po ‘yong itim,” suhestyon ni Arim na kakatapos niya lang ibutones ang uniporme kanina.

Ibinalik niya ang puting kurbata sa lalagyan at kinuha ang itim. Eksakto namang paglabas ni Lucas sa banyo. Tanging tuwalya lamang ang nagsisilbing tapis nito sa katawan, kaya mabilis na umiwas ng tingin si Lera.

Kung hindi naiwan ng anak ang aklat sa kwarto ng ama ay hindi siya papasok dito at hindi niya rin maiisip na ipaghanda ito ng damit na maisusuot.

Umawang ang labi ni Lucas nang makita ang mag-ina.

“Mama, iihi lang po ako!” Tumakbo ito

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status