Share

Kabanata 52

Walang pagsidlan ang tuwa sa puso ni Lera nang sa wakas ay maalala na siya ng anak. Simula nang tawagin siyang 'mama' nito ay hindi na ito mawalay sa kan'ya. Naging mas madali para sa kan'ya na bumawi sa mga panahon na nawala sa kanila bilang mag-ina.

"Saan kayo pupunta?" sabat ni Lucas nang makitang kapwa nakabihis ng damit pag-alis si Lera at Arim. Hinikayat niya ang babae na manirahan sa mansyon ng kanilang pamilya sa Sta. Ignacia kaysa sa bago nitong mansyon sa 'di kalayuan.

"Susunduin ko lang si inay at Mikoy. Ngayon na kasi sila babalik dito sa Sta. Ignacia." Nagkita nang muli ang kan'yang anak at ang lola nito kaya labis ang kagalakan ng pamilya ni Lera.

Naalarma si Lucas at dali-daling inubos ang kapeng tinimpla ni Lera para sa kan'ya.

"Sasama ako," anito.

"Lucas, huwag na. 'Di ba i-me-meet mo pa 'yong mga bagong supplier natin para sa farm?" Kaswal lang naman ang pagkakasabi ni Lera ngunit para kay Lucas ang dating nito ay nais na masolo s

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status