Isinantabi ni Lera ang bigat ng kan’yang loob nang marinig ang boses ni Ginang Juana sa hapag kainan. Ipinagpatuloy niya ang pagtimpla ng kape ni Lucas at gatas ni Arim.
“Ito na ang gatas mo baby Arim.”
Bumusangot si Arim nang marinig ang tinawag sa kan’ya ng ina. Nagkamot ito ng ulo.
“Mama, hindi na po ako baby. Big boy na po ako.”
Nagkatinginan si Lera at Lucas. Sabay pa silang napangiti nang marinig ang sinabi ng anak, maliban kay Ginang Juana na hindi maitimpla ang mukha.
“Don’t grow up too fast, Arim,” sabi ni Lucas na sinalinan pa ng pagkain ang anak sa plato.
Ipinagpapasalamat niyang narito ang anak kun’di ay magiging mabigat ang hangin sa pagitan ni Lera at ng kan’yang ina.
“You’re always my baby boy, Arim.” Matapos sabihin iyon ay inilapag ni Lera ang tasa ng kape sa harapan ni Lucas. Hindi ito ang unang beses na ipinagtimpla siya nito ng kape
Walang kasing-saya ang mabuhay sa mundo nang hindi nakakaramdam ng negatibong emosyon. Gayunpaman, parte na ng ating mga buhay ang masaktan, malungkot, matakot, at magalit, pero nakadepende sa’yo kung paano mabubuhay na kaakibat ang mga ito. Pipiliin mo ba’ng sanayin ang sarili o gagawa ka ng paraan para mawala ang bagay na nagdudulot sa’yo ng mga pakiramdam na ito?“Getting rid of the things that keep you hurting is the only way to be truly happy.”Ang sinabing ito ni Maris ay paulit-ulit na pinapakinggan ni Lera sa kan’yang isipan habang pinagmamasdan ang sasakyan ni Lucas na mag-park sa loob ng university campus.Binitiwan niya si Arim nang tumakbo ito patungo kay Lucas. Naglakad siya sunod dito.Ang mga ginawa noon ni Lucas at Ginang Juana sa kanilang pamilya ay patuloy na nagdudulot ng sakit at galit sa kan’ya sa tuwing nakikita ang mag-ina.Masaya siya, oo, dahil kasama niya na ang anak, subalit hindi
Hindi kailanman lubos maisip ni Lera na darating ang araw na mamomoblema siya sa kulay ng kurbatang babagay sa dark blue na longsleeve polo. Itim ba? Puti o light blue?Mabilis niyang ibinalik sa cabinet ang mga kurbata nang mawala ang tunog ng shower sa cr. Hudyat na tapos nang maligo si Lucas. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya gayong nasa kwarto din ang anak.“Mama, mas bagay po ‘yong itim,” suhestyon ni Arim na kakatapos niya lang ibutones ang uniporme kanina.Ibinalik niya ang puting kurbata sa lalagyan at kinuha ang itim. Eksakto namang paglabas ni Lucas sa banyo. Tanging tuwalya lamang ang nagsisilbing tapis nito sa katawan, kaya mabilis na umiwas ng tingin si Lera.Kung hindi naiwan ng anak ang aklat sa kwarto ng ama ay hindi siya papasok dito at hindi niya rin maiisip na ipaghanda ito ng damit na maisusuot.Umawang ang labi ni Lucas nang makita ang mag-ina.“Mama, iihi lang po ako!” Tumakbo ito
Hahakbang paabante. Hahakbang paatras. Kanina pa nasa tapat ng pintuan ng opisina ni Lucas sa mansyon si Lera, hindi niya malaman kung itutuloy ba ang binabalak o hindi. “Lera?” Halos atakehin siya sa puso dahil gulat nang biglang sumulpot ang lalaki sa kan’yang likod. Kapwa sila nakasuot ng pantulog. “May kailangan ka?” Dumapo ang mata ni Lucas sa librong hawak ng babae. “Busy ka ba?” tanong nito. Umiling si Lucas kahit ang totoo’y tambak ang papeles na dapat niyang review-hin sa opisina. “Not really, what is it?” Nag-aalangan man ay nagpatuloy si Lera sa sadya niya sa lalaki. “Hindi ko kasi maintindihan ang topic kanina sa klase. Exam namin bukas. Baka alam mo? Pwede mo ba akong turuan?” Totoong hindi niya nauunawaan ang lecture kanina. Ang gawing tutor si Lucas ay hindi kasama sa mga plano niya. “Sure, pasok ka.” Hindi pa kailanman na-excite si Lucas na magturo, kahit noon na nag-subst
Kapal ng mukha at lakas ng loob. Hindi sinabi ni Maris na ito pala ang kailangan ni Lera.“Mama?” Nakakatatlong tawag na sa kan’yang pangalan si Arim pero hindi pa rin lumalabas sa kwarto si Lera. Paulit-ulit na lumilitaw sa kan’yang isipan ang ginawang paghalik kay Lucas kagabi.“Sa pisngi? Ang hina mo! Sa pisngi lang ‘yon kaya lumabas ka na d’yan.” Narinig niyang sabi ni Maris sa kabilang linya. Kagabi niya pa ito tinatawagan subalit hindi sumasagot kaya maagang-maaga pa ay tumawag na ito sa pag-aakalang may emerhensya siya.Bahagyang binuksan ni Lera ang pinto at nakita ang anak na nakahalukipkip sa tapat ng kan’yang kwarto. Gusto niyang ngumiti nang makita kung gaano kaseryoso ang mukha nito, animo’y nayayamot na sa tagal niyang magbukas, subalit umurong ang kan’yang ngiti nang makitang ganoon din ang itsura ni Lucas sa likod ng anak.Nanlaki ang kan’yang mata kasabay nang pag-iin
Itinuon ni Lera ang atensyon sa daan habang abalang magmaneho si Lucas patungo sa opisina. Hindi niya malaman kung bakit nagawa niyang sabihin na sira ang kan’yang kotse para lang makasabay sa lalaki. Ideya iyon ni Maris, hindi kan’ya. Kulang na nga lang ay iuwi niya na ang sasakyan sa kanilang bahay dahil hindi niya naman ito nagagamit.Tumikhim si Lucas kaya dahan-dahan siyang tumingin dito. Hindi niya nagugustuhan na tila kaytagal nilang makarating sa paroroonan.“Doon ba kayo matutulog ni Arim mamaya kina nanay Nora?” kaswal nitong tanong.Walang pasok ang bata kaya napagpasyahan nilang ihatid ito sa nanay ni Lera.“Oo,” tipid niyang sagot. Masyadong mabait ang kan’yang ina para ito na ang magsabi kay Lucas na tawagin siyang nanay. Minsan naiisip niyang tama na naglihim siya dito sa planong ipaghiganti ang ama, dahil kung hindi ay paniguradong ito ang unang sasaway sa kan’ya.Naalala niya nang isa
Isang malamig na baso ng alak ang nilagok ni Lera habang sinusundan ng tingin si Lucas palabas ng bar. Nakatanggap ito ng tawag kaya sandali munang iniwan silang apat sa pabilog na sofa.Padabog niyang inilapag ang baso sa lamesa pagkatapos ay kinuha ang bote ng alak upang sana’y inumin pero wala na itong laman. Hindi lang iyon kun’di lahat ng boteng nasa lamesa. Higit tatlong oras na silang nag-iinom kaya hindi na iyon nakakapagtaka.Sumimangot siya kay Jervy.“Ubos na, Jervy.” Ang kan’yang panalita ay hindi na malinaw, indikasyon na nasa wisyo na siya ng alak.Marahas na kinuha ni Maris ang bote sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit halos ito pa ang walang pakundangan na um-order ng alak sa kanila, gayong hindi naman ito mahilig uminom. Hindi niya rin gusto na hinayaan ito ni Lucas na magpakalasing.Masamang tingin ang ipinukol ni Lera kay Maris. Kung hindi sana nito inimbitahan si Lucas ay hindi siya iinom nang ma
Ang pamilyar na amoy ng lalaki ang nagpamulat kay Lera sa malalim na pagkakatulog. Mabilis siyang bumangon nang maalala ang nangyari kagabi. Dahan-dahan siyang lumingon sa tabi at nakahinga nang maluwag nang makitang wala na doon si Lucas.Napatingin siya sa ilalim ng kumot at napagtantong suot niya ang damit ni Lucas. Malaki ito kaya natatakpan ang boxer shorts na isunuot din ng lalaki sa kan'ya bago ito tumabi sa kan'ya sa pagtulog kagabi. Hindi niya iyon maalala dahil mabilis siyang nakatulog sa pagod at pagkalasing.Napatingin siya sa kan'yang teleponong nasa side table. Kinuha niya iyon at bubuksan sana nang makarinig ng kaluskos mula sa pintuan. Mabilis siyang bumangon at nagtungo sa banyo.Siguradong tandang-tanda pa ni Lucas ang nangyari kagabi. Kung paano niya hinila ang lalaki dahilan upang may mangyari sa kanila."Lera?" Napapitlag siya nang kumatok ito sa pintuan ng banyo. Dali-dali niyang binuksan ang shower upang magmukhang naliligo siya. Tu
Ano nga ba ang pakiramdam ng nililigawan? Paano ba ito ginagawa? Palagi ba’ng nagbibigay ng bulaklak at tsokolate ang lalaki sa babae o may iba pa’ng mas nakakakilig na paraan upang ipadama sa nililigawan mo na seryoso at totoo ang nararamdaman mo para sa kan’ya?Muling binura ni Lera ang ginagawang report sa kan’yang laptop. Hindi siya makapag-pokus dahil naglalaro sa kan’yang isipan ang binitiwang salita kahapon ni Lucas.Pinapatigil nitong manligaw si Jervy sa kan’ya gayong simula’t sapol ay wala pa’ng nanliligaw sa kan’ya. At ayaw nitong may karibal. Karibal saan? Sa panliligaw ba?Ano ba’ng alam ni Lera sa panliligaw? Simula nang magkaroon siya ng anak ay ibinuhos niya na ang lahat ng pagmamahal dito at ‘ni minsan ay hindi sumagi sa kan’yang isipan ang magkaroon ng nobyo.Subalit kung totoo man na manliligaw si Lucas, hindi ba dapat ay masaya siya? Dahil ibig sabihin lamang nito