Share

Kabanata 53

Bata pa lamang si Lera ay nangangarap na siyang magkaroon ng buong pamilya at payak na buhay, kaya nang isilang niya si Arim nang walang ama ay labis na kalungkutan ang naramdaman niya para sa bata.

"Mrs. Valle?" tawag sa kan'ya ng matandang guro na sumasalubong sa mga kalahok sa family day.

Mabilis siyang umiling. Hindi niya masisisi na pagkamalan siya nitong misis ni Lucas, dahil siya ang ina ni Arim.

"Miss Santillan po," pagtatama niya bago kinuha ang name tag nilang tatlo.

Nakangiti siyang sinundan ng tingin si Arim, na hila-hila si Lucas patungo sa mga booth. Kagabi pa sabik ang bata para sa araw na ito kaya masayang-masaya ang puso ni Lera.

Ikinabit niya ang name tag sa kan'yang puting polo-shirt na napili nilang maging kulay bilang pamilya sa event ngayon.

Patakbo siyang lumapit sa dalawa. 

"Mama! Magpa-picture po tayo doon!" pag-aaya sa kan'ya ng anak habang itinuturo ang isang photo booth.

Iniabot ni Lera ang name

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status