Share

Kabanata 51

Kung iguguhit ang Sta. Ignacia, mapupuno ito ng berdeng kulay. Bukod sa payak na mga bahay ay mga matatayog na puno at sakahan ang makikita sa lugar. Ito ang dahilan kung bakit namamangha ang mga tao sa tuwing may magpapatayo ng mataas at magandang bahay sa lugar.

Katatapos pa lamang ng mansyon ni Lera subalit doon niya na dinala ang anak. May mga gamit na doon kaya walang naging problema ang kanilang pagpapalipas ng gabi.

"Arim, gising na." 

Malaki ang kan'yang ngiti upang salubungin ang pagmulat ng anak. Namamaga ang mga mata nito mula sa pag-iyak. Labis siyang naawa at hindi niya na mabilang kung ilang beses niyang minura si Lucas sa isipan. Hindi man lang nito naisip na matatakot ang anak sa pagtataas nito ng boses.

Kung galit sa kan'ya ang lalaki ay dapat hindi na dinamay ang anak.

"Uuwi na po ako Tita Lera." Kagabi pa nais umuwi ng bata pero hindi siya pumayag. Hanggang sa ikatulog na iyon ng anak.

"Sige, after school pupunt

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status