Share

Kabanata 71

Posible ba'ng sundin ang puso sa araw-araw? P'wede ba'ng kalimutan ang sakit ng nakaraan at manatili sa kasiyahan ng kasalukuyan?

Hindi maramdaman ni Lera ang lamig ng aircon sa loob ng kwarto ni Lucas dahil nananaig ang init na hatid ng mga bisig na bumabalot sa kan'ya. Bahagya siyang gumalaw upang sana'y abutin ang telepono sa side table nang higpitan ng katabi ang pagkakayakap sa kan'ya.

"Dito ka lang."

Ito na yata ang pinakamasayang gising niya. Walang problema. Walang iniisip. Sana ay palaging ganito.

Masuyo niyang hinaplos ang mukha ni Lucas at ginawaran ito ng halik. 

Sumilay ang malaking ngiti sa labi ng lalaki habang nakapikit.

"Isa pa." 

Pinitik niya ang ilong nito nang humirit pa ng isa. 

"Bumangon ka na. Hinahanap na tayo ni Arim. Hindi tayo umuwi kagabi."

Sila lang ang nakakaalam kung ano ang nangyari kagabi. "Best night ever. I love you," ani Lucas nang dumilat ito.

Mahal kita. Dalawan

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status