Share

63.1 - I Love You

Mabilis ang kilos ko hanggang sa makarating sa kama. Hindi ko alam kung susunod ba siya gaya nang sabi ko sa kanya, pero deretso pa rin ako sa kama, sa tabi ng anak ko at kinumutan ang sarili.

Hindi ako mapakali, paano kung doon pa rin siya matulog? Pero, Gillian, kung gustohin niya roon, wala ka nang pake roon. Matulog ka na lang! Hindi ko maiwasang bulyawan ang sarili sa inis.

Pumikit ako at niyakap na lang si Zacky. Hindi ko alam kung bakit ako natataranta.

Nakagat ko na lang ang labi nang marinig ang pagbukas ng pinto. Sumunod nga siya Naikuyom ko ang lapad ko na nakayakap kay Zacky. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

Ang lakas pa rin ng epekto niya sa'kin. Nakakainis!

Hinintay ko siyang mahiga sa tabi ni Zacky, ngunit nakagat ko na lang ang labi nang mapagtantong hindi siya kasya sa tabi ni Zacky, sa parte ko mas maraming space, at siguradong doon siya pupwesto.

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko, pero hindi ko siya binalingan. Nanatiling sa dereksyon ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status