"Bilisan mo na kasi Pris. Napakabagal mong kumilos.", singhal sa akin ni Arc habang binubulatlat ang papel na supot na pinaglalagyan ng pandesal. Kumuha ng isa at binuklat iyon saka nilagyan ng peanut butter, at buong pinasok sa bunganga nya.
"Gutom na gutom?", ani ko saka dinampot ang aking bag at cellphone. Tinapik ko ang matigas nyang braso."Tara na." yaya ko dito nang hindi pa kumilos at muling kumuuha ng isa pang pandesal. Nagmamadali itong lumabas saka ko ini-lock ang pinto."Bilisan mo na, late na tayo.", he held my hand at hinila ako nang mabilis. Nakakainis! Pag ako talaga nadapa, may kotong to sakin.Mabilis naming narating ang kanyang motorsiklo, nang bumaling sya sa akin para ibigay ang helmet ay napansin ko ang mantsa ng palaman sa gilid ng kanyang labi. Napailing ako bago kumilos, ang isang kamay ko ay nilagay ko sa likod ng kanyang ulo upang hindi nya iyon maigalaw, kita ko ang pagkagulat nya ngunit agad din namang nakahuma nang ipahid ko ang aking hinlalaki sa peanut butter na takas."Ang amos mo kumain, para kang bata." tanging sabi ko atsaka sinubo ang nakuhang peanut butter sa kanyang bibig. Napailing na lamang sya sa ginawa ko, at muling inabot sa akin ang helmet, mabilis ko iyong isinuot at sumampa sa kanyang NMAX."Kasi nga lagi na lang tayong late dahil sayo. Kapit ha.", hindi pa niya iyon sinasabi ay ginawa ko na dahil alam na alam ko na kung paano sya magpatakbo, kaskasero kasi 'tong unggoy na to.Nakarating kami agad sa restaurant na aming pinagtatrabahuan, we're both in a hurry at kanya kanyang dampot ng apron bago mag-in. Ako ay cashier at sya naman ay sa dining, pareho daw kasing pang-harap sa tao ang mga hitsura namin. Hindi ko naman maikaila kung gaano talaga ka-gwapo si Arc, nuon pa man. At lalo pang gumagwapo habang lumilipas ang panahon. Lalo na ngayon na palagay ko'y nagwo-work out ito, dahil sa tigas ng mga muscles nito at ang pagkakaroon ng abs. We've been friends for almost five years, sya ang naging kaagapay ko sa lahat ng bagay simula nang umalis ako sa poder ng aking ina, kaya naman alam ko kung may nagiging pagbabago sa kanya."Matunaw yang bff mo beb.", napalingon ako kay Rodel nang sabihin nya iyon. Nililinis nito ang counter habang nagsasalita. Natawa lang ako sa sinabi nito."Ayaw pa kasing aminin na bet nyo ang each other eh. Mga in denial pa kasi.", nag-roll pa sya ng eyes habang sinasabi iyon, mas natawa ako. Palagi kasi nilang sinasabi iyon, pinipilit nila na type daw namin ang isa't isa or kami na. Well, hindi namin sila masisi, napakakomportable kasi namin sa bawat isa. Palagi kaming sabay sa lahat ng bagay, kahit na mag-overtime ako at sya ay hindi, naghihintay pa rin sya sa akin para sabay kaming umuwi. He also requested na sabay ang lunch namin, hindi din kasi ako gaanong makakain nang hindi sya kasabay, and lastly we live in the same apartment pa at magkatabing pinto. Kaya naman hindi maalis ang speculations na kami daw, kuno.But Arc is just a very special friend para sa akin. Ayokong sayangin ang kung anong meron kami, dahil alam kong walang relasyong nagtatagal. At ayokong humantong sa wala ang pagkakaibigang binuo namin. Isang halik sa pisngi ang gumulat sa akin at nawala sa aking iniisip."Ano na naman yan Pris, late na nga tayo tulala ka pa. Trabaho na", simpleng sermon nya sa akin matapos akong halikan sa pisngi. Normal na sa kanya iyon, ang alam ko kasi mayaman yan sila. At alam kong ganon ang batian ng mga mayayaman."Ito na po." sumbat ko at pinagana na ang aking POS machine.Lumipas ang nakakapagod na maghapon, nawala sa isip ko na Sabado nga pala ngayon, kaya marami kaming customer. I removed my apron nang matapos mag-inventory ng aking benta at isurrender iyon sa aming manager"Okay, Princess. One great job again. See you on Monday." buong ngiting wika ni Sir Gabby habang gumagawa ng paper works sa kanyang opisina.Natanaw kong naghihintay na sa labas si Arc habang inaabala ang sarili sa kanyang phone, I hurried dahil baka naiinip na naman."Let's go.", yaya ko sa kanya ngunit tila hindi ako napansin dahil buo pa rin ang atensyon nya kakadutdot. Sa inis ay inagaw ko iyon atsaka tiningnan, he just let me, alam naman nyang wala syang magagawa. Yeah, busy pala sa babae, he is having a conversation with a girl named Dahlia on her account."Tapos ka na?", tila bagot na tanong nito saka nilahad ang palad para sa kanyang telepono. Mabilis akong umiling atsaka tiningnan ang profile ng babae. Ganon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita kung gaano kaganda iyon. Shit!! may profile pic pa sya na naka-two piece na kahit akong kapwa nya babae ay talagang humanga nang husto. Napakakinis nya at napakatangkad, ang liit ng mga labi. Napalunok ako at tila may kirot na naramdaman, pag naging jowa to ni Arc for sure hindi na yon aalis sa tabi nitong babaeng to and he will leave me alone. Napasulyap ako sa kanya, pero nakatingin din pala sya sa akin kaya nagtagpo ang aming mga mata. Walang gana kong binalik ang gamit nya saka binuksan ang top box ng kanyang motor at agad na kinuha ang helmet na para sa akin. Napasulyap akong muli at nakatingin pa rin sya sakin."Ano? Selos?", agad na tanong ng walang hiya. Umiling lamang ako, this is what I am scared of. Ang iwanan ako ni Arc, sya na lang kasi ang meron ako. Hindi naman sa bet ko sya, or mahal ko sya in a romantic way, it's just that nasanay na akong palagi syang kasama everyday, and I don't know kung paano umpisahan maging mag-isa kung sakaling iwanan nya ako. Kaagad akong sumampa sa motor at sumandal sa top box, waiting for him to drive."Pris, ayan na naman yang ugali mo ah.", he said habang nilalagay ang cellphone sa bulsa at dinampot ang sariling helmet na nakapatong sa upuan nya. I didn't speak, ewan ko, it's like anytime iiwanan nya ako and I don't like what I'm feeling right now."Problema mo? Anong gusto mo hindi na ako magjowa? God! ayokong tumandang binata Princess Symphony.", suplado nyang saad saka sinuot ang helmet at inistart ang makina. Pero ilang minuto na ay hindi pa rin kami tumatakbo."Ano na?", inis kong turan."Ikaw, ano na?", naiinis na din ang damuho, ayaw din talagang patalo nito eh. I got what he wants. I snaked my arms around his waist kahit na labag iyon sa loob ko pero ayoko makipagmatigasan sa kanya, for sure aabutin talaga kami ng bukas dito. The moment he felt my hands around him ay saka nito pinatakbo ang motor. Napangiti ako, yung mga ganong simpleng gesture nya ang hahanapin ko pag naghiwalay kami ng landas. I don't wanna be selfish, I want him to be happy with his special girl, but the fact na iiwanan nya ako is ripping me off. I have to do something about this, hindi ko sya pwedeng pigilan sa bagay na makakapagpasaya sa kanya. He is my bestfriend and I love him, I want him to be happy because he deserve it. Sa kakaisip ay hindi ko na namalayan na nakapark na pala ang motor sa loob ng inuupahan naming apartment. Inalalayan nya akong makababa gaya ng palagi nyang ginagawa, I can't look into his eyes now, para kasing ang samasama kong kaibigan. We get in to our rooms nang walang imikan. Well, hindi naman ako bothered dahil ganito naman talaga kami, mamaya o bukas we'll act na parang walang tampuhang nangyari. Sa labas, pagkakamalan na naman kaming magjowa.Nakapagpalit na ako ng damit pambahay at ngayon ay chinecheck sa ref kung ano ang pwedeng initin para sa hapunan when I heard someone open the door and close it."Sabaw ng pares at lumpiang shanghai.", dirediretsong sabi ko."Okay."Nilagay ko sa kaserola ang sabaw at sinalang sa kalan, then I prepared a pan para lutuin ang nakabalot nang shanghai. Naramdaman ko na lamang sya sa likod ko at ipinatong ang dalawang kamay sa ulo ko, saka doon pinatong ang baba nya, I smiled ito na naman ang mga pangmalakasan nyang galawan."Pris." masuyong tawag nya sakin"Hmm.""I think I like her.", napakabog ng mga salitang iyon ang dibdib ko. I stopped from what I'm doing, ramdam ko ang ngatal ng mga kamay ko. Shit! parang ang OA ko naman mag-react."Pwede ko ba syang ligawan?", pagpapaalam nya. Napanganga ako sa tanong na iyon, ganon ba talaga ako kaimportante sa kanya? Even sa mga babaeng gusto nya, he needs my approval?"Sabi mo kaya ka umalis sa poder ng parents mo kasi pati mga babaeng gugustuhin mo dinidikta nila? Bakit ngayon nanghihingi ka ng permiso ko?", wala sa sarili kong tanong. Narinig ko ang pagtikhim nya."Because I know you love me.", bigla akong napaharap sa kanya dahil doon."At bilang babae kaya mong basahin ang kapwa mo, if she's being serious or not.", nakangiti pa sya."My parents decision is based on wealth. Hindi sa kung anong ikasasaya ko, unlike you. Priority mo ang happiness ko, right?", that was sweet. Pero hindi ko na appreciate, I hate it. Dahil sa totoo lang ayoko, ayokong magkajowa sya at ayokong iwanan nya ako."Ahh..", I replied at muling tumalikod. Sya ay nanatili sa likod ko ngunit ngayon ay nasa magkabilang gilid na ang mga kamay at nakatukod sa lababo. I think I have to savor moments like this, mukhang hindi na magtatagal ang magiging mag isa na ako."Alis na ko.", paalam sakin ni Arc nang pumasok ito sa loob ng kwarto ko, I'm still lying on my bed at ninanamnam ang sarap ng mahabang pagkakahiga dahil isang araw lang naman ang pahinga ko sa trabaho. Pero ang isang ito, nakuha pang makipag-date. Mukhang tinamaan talaga sa Dahlia na iyon, napapanganga ako sa kagwapuhan nito ngayon. Pink button down polo fits perfectly on him, lalong pumusyaw ang kutis nito at hubog na hubog ang matitigas nyang mga muscles kahit na long sleeve iyon. He partnered it with a semi skinny denim jeans, napatigil ang mga mata ko sa gitnang bahagi nya na medyo umbok."Eyes up here Pris.", dumagundong ang boses nya sa maliit kong kwarto kaya naman niligtas ko ang aking sarili sa pagkapahiyang iyon."So andyan ang highlight?" his forehead creased na parang hindi nagegets ang sinasabi ko. Naupo sya sa aking kama at inalis ang tumataklob sa akin, hinihila ko iyon pabalik dahil wala akong suot na bra. Tanging spaghetti strapped top lamang at cotton shorts, nagtag
"Mauna na muna ako today Pris, I need to pick up Dahlia to her photo shoot." Paulit ulit kong binabasa ang chat nya sa akin kahit nasa jeep ako, it hurts me bad. Mula nang maging independent kami pareho ay hindi ito sumablay sa paghatid at sundo sa akin, ngayon lang. Pagdating sa trabaho ay naabutan ko na sya doon na nag aayos ng mga dining tables and chairs, at ang iba kong kasama ay matamang nakatingin sa akin. Alam kong nagtataka sila dahil simula nang magtrabaho kami dito ay ngayon lang nangyaring hindi kami nagsabay. Rodel came near me,"LQ beb?", natawa ako sa tanong nyang iyon habang nag-i-in ako."Hindi ah, hinatid nya kasi jowa nya kaya nauna na sya dito.", kita ko ang gulat sa mga mata nya."You mean talagang hindi kay--","Ang kulit nyo kasi eh, hindi nga kami. Bestfriend ko lang talaga si Arc.", I said at kinuha na ang apron saka tumungo sa station ko. In my peripheral vision, I saw him heading his way to me. Gaya ng dati, he kissed my cheeks."Good morning Pris. Natangga
I know it's crazy, pero why not? Marami na ngayon ang single mother and it doesn't matter, I have my savings naman. Matagal tagal na din ang naging pagtatrabaho ko para lang sa board exam at sobra sobra na ang ipon ko pra doon. If I am to be a mother, magiging mabuting ina ako, I will love my child unconditionally and it will take so many years bago nya ako iwan para bumuo ng sarili nyang pamilya. Right! Maraming taon pa kaming magkakasama and I'm sure pasasayahin nya at pasisiglahin ang buhay ko just like what Arc did. Sa ganon ay hindi na ako gugupuin ng lungkot sa oras na mag-settle down na ang bestfriend ko. Hindi nmn siguro selfishness ito dahil mamahalin ko naman ng anak ko. I think this is a great idea, having a child will save me from the dark world of being alone again. Napaigtad ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad ang pupungas pungas na si Arc, parang tulog pa itong naglalakad, pinagmamasdan ko kung saan sya pupunta at natawa nalang ako nang mahiga sy
We went to work nang hindi magkasabay, I admit na nabigla si Arc sa naging desisyon ko pero hindi naman nya kailangang magalit nang ganon, he can always explain everything to me. Pero hindi na talaga mababago pa ng kahit na ano ang desisyon ko. Mag-aalas singko na ako nakarating sa trabaho, opening kami pareho, I was shocked nang pagdating ko ay naroon na sya at nag-aasikaso sa dining. Alam kong nakita nyang pumasok na ako pero ang damuho hindi manlang talaga ako pinansin, nakakabwisit.Dirediretso ako sa biometrics at nag-in bago nagsuot na ng apron tsaka tinungo ang kaha."Good morning Pris.", malakas na bati sa akin ni Rodel matamis ko syang nginitian kahit na nagmumuryot ang kalooban ko."Good morning del.", ganting bati ko."Napapadalas ang LQ nyo ni pogi ah?", komento nya na syang ikinasimangot ko. At para namang umarangkada ang kamalditahan at katabilan ng dila ko."May mga tao talagang hindi nakakaintindi." malakas kong tugon na syang ikinalaki ng mata at bibig ni Rodel."Ikaw
Archie Damian Esquivel"Chill bro, you're an Esquivel. You can get her.", patawa tawang usal ni Edward sa akin. We are at my high end bar here in BGC Taguig. Ilang araw na akong hindi pinapatulog ng kabaliwang iyon ni Pris. I sipped my whisky once more at dinama ang pait na dumaloy sa aking lalamunan."That woman is crazy!", inis na bulalas ko saka inurong nang malakas ang shot glass, Edward catches it."But you're crazier dude, kaya nga nasa ganyang lugar ka at nagttlatrabaho. Independent kuno, fuck you!!", he laughed again. Nagiging hobby na yata ng gagong to ang pagtawanan ako, masama ko syang tiningnan bago muling nagsalita."Shut up!! singhal ko dito."So, what's the plan then?", he asked at inisang lagok ang kanyang alak."Then? I'll make her pregnant if that's what she want.", balewala kong tugon, halos maibuga nya ang laman ng bibig nya, naalala ko tuloy nung unang sinabi sa akin ni Pris ang kalokohan nya, ganitong eksena din yon."You're her bestfriend!!" bulalas nito."Well,
My heart pounded so fast, lately bakit parang palagi na lang ganito ang pakiramdam ko sa tuwing ganito sya kalapit. Kahit nakasalampak ako ng upo sa kama ay ramdam ko ang panghihina at panginginig ng katawan ko. Dapat ay magagalit ako sa sinabi nya, hindi ba sya kinikilabutan sa kanyang naiisip, we're bestfriend! Pero walang pagpoprotestang lumabas sa aking mga labi, it's just trembling. He moved closer to me at haplos pangapusan ako ng hininga sa sobrang lapit nya."A-Arc..", nakakainis! parang hindi naman pagpoprotesta yung dating ng sinabi ko, it's like I'm inviting him."Yes, Pris. I won't allow anyone to touch you, kaya wag kang umasa na susundin kita.", sobrang hina ng bulong niyang iyon and it sounds so sexy. Naipilig ko ang aking ulo, hindi tama ito, sabihin na nating we can have casual sex kahit na magkaibigan lang kami at walang intimate relationship, pero may nobya sya. And this is fucking cheating. Inilayo ko ang aking mukha sa kanya at pinakatitigan sya only to see those
"Don't be jealous Pris, you'll always be the first. I didn't make love to anyone before you." bulong nya sa aking tainga. I looked at him."Hindi kayo nag-kiss?", paninigurado ko. He smiled as he shook his head."It's always your lips that I've been wanting baby.", tila ako nalalasing sa bawat salitang binibitiwan nya."I don't believe yo--""I don't care!", then he kissed me again and cupped my left booby. Napaangat ako mula sa aking pagkakaupo pero nagpumiglas muli dahil hindi ako kuntento sa sagot nya."Listen baby," parang napipikon na nyang utos."Fucking and making love are two different things okay? I fucked! many times! But making love with you tonight 'll be my first and so as you. Right, honey?", malamyos nyang paliwanag. He got me there, para akong isang batang muling napaamo sa mabulaklak na mga salita. Nang halikan nya akong muli ay sinubukan kong sumabay. Pinag-aralan ko ang bawat galaw ng kanyang labi, I felt he grinned in between our kisses, I guess I'm doing it right.
Padabog kong inilapag sa mesa ang scrambled egg na niluto ko, Arc just keep on staring at me na ang ngiti sa labi ay hindi maalis alis."Ano ba!!", bulyaw ko dito."What?", patawa tawa nyang tanong, sumandok sya ng kaunting itlog at inumang sa tapat ng aking bibig. Isinubo ko iyon nang masama pa rin ang tingin sa kanya."It's normal Pris, we made love kaya may ganyan.", paliwanag nya. Nakakabwisit dahil hirap na nga akong maglakad nang maayos dahil tatlong beses nya akong inangkin magdamag tapos pagtingin ko sa salamin puro kiss mark ang leeg at itaas ng aking dibdib, as in sobrang dami at sobrang pula."Paano ako makakapasok sa trabaho nito?!", sigaw ko sa kanya, pero ang mas nakakainis pa ay parang balewala lang sa kanya ang kalokohang ginawa nya. Tumayo sya at pumuwesto sa aking harapan he snaked his both arms around my waist at pinagdikit ang ibabang bahagi ng aming katawan. My heart pumped hard, sana lang ay hindi nya maramdaman iyon."Pag nagtanong sila Rodel, tell the truth. Pa