Share

Kabanata 34

Chapter • Fourteen

Sinimangutan ako ni Hank matapos niyang maisuot ang gloves niya. Prente siyang naupo sa bench at pinasadahan ng tingin ang team mates niyang nagwawarm up na sa field. Unti-unti na ring napupuno ang stadium ng mga manonood mula sa limang bayan ng lycans.

Itinupi ko ang aking mga braso sa tapat ng aking dibdib. "I'm sorry, okay? Taga-Galum ako. People will expect me to be on our team."

Nagkamot siya ng batok. "Wala! Madaya ka. Ang sabihin mo, maglalaro lang 'yang si Pearce sa team niyo kaya bigla kang lumipat ng side. Hay, Meiko. Ano ba 'to? Pustahan pa rin ba 'to o iba na?" Makahulugan niyang sabi.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Itikom mo nga 'yang bibig mo? Mamaya may makarinig pa sayo." Naiinis kong sabi saka siya inirapan.

Umayos siya ng upo saka niya isinangkal ang kanyang mga siko sa kanyang tuhod. "Di nga, seryoso 'tol. Pustahan pa rin ba o totoo na 'yan?" Nagtaas-baba ang kanyang mga kilay habang may ngisi sa kanyang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status