Share

Kabanata 38

Chapter • Eighteen

Hindi ko na alam kung paano ko nagawang umuwi ng bahay. Lumulutang ang isip ko at wala pa ring patid ang mga luha ko sa pagpatak.

Nanlalambot ang mga kalamnan ko nang hawakan ko ang doorknob ng main door. Natigilan ako nang sa pagpasok ko pala ay naghihintay sa akin ang mga magulang ko. Hindi maipinta ang galit sa kanilang mga mukha nang makita ako.

Nabaling ang tingin ko sa maletang malapit sa fireplace. Para akong nanlumo lalo nang makilalang akin iyon.

Galit akong tinitigan ni Dad saka niya dinampot ang maleta. Lumakad siya palapit sa akin saka niya hinawakan ang isa kong braso at kinaladkad ako palabas. Nang itapon niya palabas ng gate ang bag ko ay binitiwan na rin niya ako. May dinukot siyang susi ng sasakyan mula sa kanyang bulsa at iniabot ito sa akin.

"Take my car, take your things, and leave this place. Hindi ko na kayang tignan pa ang pagmumukha mo. Sobra na ang kapahiyaang idinulot mo sa pa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status