Chapter • Seventeen
Walang tigil sa pagbayo ang dibdib ko habang nasa taxi patungo sa bahay nina Pearce. Hindi ko na alam ang gagawin. Namamayani ang matindi kong takot sa pwedeng makitang reaksyon niya.
Nanginginig ang mga tuhod ko nang bumaba ako ng cab. Napalunok ako nang simulan kong humakbang palapit sa gate. Nakita ko itong nakaawang. Nakaparada lang din sa tabi ng daan ang kanyang sasakyan.
Habang palapit ako sa pinto ng basement ay lalong nagwala ang dibdib ko lalo nang makitang bukas ito at mula sa labas ay naririnig ko ang ingay na nagmumula sa basement. Tunog ng mga bagay na tila ibinabato sa pader, mga nababasag na gamit, at galit na galit na mga sigaw ng taong pakay ko.
Maingat ang bawat hakbang ko hanggang sa tuluyan akong nakababa ng basement. Nanlambot ang mga tuhod ko nang makita si Pearce na nakatalikod mula sa akin. Marahas ang bawat pagtaas-baba ng kanyang mga balikat. Hindi ko pa man nakikita ang kanyang mukha, n
Chapter • EighteenHindi ko na alam kung paano ko nagawang umuwi ng bahay. Lumulutang ang isip ko at wala pa ring patid ang mga luha ko sa pagpatak.Nanlalambot ang mga kalamnan ko nang hawakan ko ang doorknob ng main door. Natigilan ako nang sa pagpasok ko pala ay naghihintay sa akin ang mga magulang ko. Hindi maipinta ang galit sa kanilang mga mukha nang makita ako.Nabaling ang tingin ko sa maletang malapit sa fireplace. Para akong nanlumo lalo nang makilalang akin iyon.Galit akong tinitigan ni Dad saka niya dinampot ang maleta. Lumakad siya palapit sa akin saka niya hinawakan ang isa kong braso at kinaladkad ako palabas. Nang itapon niya palabas ng gate ang bag ko ay binitiwan na rin niya ako. May dinukot siyang susi ng sasakyan mula sa kanyang bulsa at iniabot ito sa akin."Take my car, take your things, and leave this place. Hindi ko na kayang tignan pa ang pagmumukha mo. Sobra na ang kapahiyaang idinulot mo sa pa
Chapter • NineteenOnce there was a troubled wolf who always do bad things to others. Mahilig siyang magtaray sa kahit kanino at gustong-gusto niyang pinaglalaruan ang damdamin ng ibang tao hanggang isang araw,the stubborn wolf met a very handsome and clever knight who loves to paint. The wolf tried to make the knight fall in love with her just like what she used to do with the other knights in tbe castle but the knight was not that easy to get. Instead, he played with the wolf until the wolf realized that what she's doing is wrong. The wolf fell in love with the clever knight. They were happy until the bad prince and the evil sister of the wolf came and ruin everything. They did everything to separate the wolf and the knight until they finally succeeded. The knight pushed the wolf away and until now, the wolf is still wishing that someday, she will still come home to the knight's arms...with their cute little boy and live happily ever
Chapter • Twenty"Meiko?" Nagtatakang tanong ni Faye at Zon. Kunot-noong nagpabalik-balik ang tingin nila sa aming dalawa ni Jomyl.Napalunok ako at hindi alam ang gagawin nang balingan ko si Zon. Pilit akong ngumiti kahit gumagapang ang matinding kaba sa dibdib ko."Z-zon, pwedeng diyan muna sayo si Faye at Chad? K-kailangan lang naming mag-usap." Untag ko habang kinakabahan.Lalong kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko pero mayamaya'y tumango rin naman siya. Isinenyas niya ang kamay niya kay Chad para tawagin ito. "Buddy, let's go. I have something for you."Kaagad namang sumunod si Chad. Kinarga siya ni Zon saka sila pumasok sa apartment ni Zon. Nagtataka na lamang na sumunod si Faye sa kanila.Napabuga ako ng malalim na hininga nang tuluyan silang nakapasok. Nag-aalangan kong nilingon ang ngayon ay nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa aking si Jomyl. Malaki na ang pinagbago niya magmula nang huli kaming na
Chapter • Twenty OneMatapos ang sampung oras na byahe, tuluyan kaming tumapat sa West Gate ng syudad. Hindi ko na maipaliwanag ang halo-halong emosyong bumabalot sa puso ko.Marahan kong hinaplos ang buhok ni Chad na tulog na tulog sa mga hita ko. Mataas na ang sikat ng araw kaya naaaninag na ng sinumang tumitingin sa loob ng sasakyan ang mukha ko. May ilang tila nabibigla. May ilang ngumingiti pero marami pa rin ang kumukunot ang noo gaya ng dati.Pinili kong ituon ang tingin ko sa natutulog na si Chad. Hindi ko pa kayang pagmasdan ang Galum kahit ba tila ang laki na ng pinagbago nito."I'm sure matutuwa ang lahat kapag nakita ka. Hindi ko muna binanggit sa kanila ang tungkol kay Chad. Gusto kong maging surpresa ang bata." Ani Jomyl habang nakatingin sa akin mula sa rear view mirror.Lumunok ako bago nagsalita. "Tungkol nga pala kay Chad, sana huwag mo na lang sabihin ang tungkol sa tatay niya. A-ayoko ring bigyan ng false h
Chapter • Twenty TwoKakasikat pa lang ng araw nang maisipan kong dalhin si Dad sa garden. Si Mom ang nagpresintang mag-alaga kay Chad habang nagpapahangin si Dad.Sa unang dalawang araw namin ni Chad sa Galum, naging maayos ang lahat. Hindi pa nagkukrus ang landas namin ni Vera magmula nang dumating kami. Ang sabi ni Mom, bumili ng sariling condo si Vera sa mismong sentro ng syudad at naging abala na rin ito sa pagpapatakbo ng negosyo. Mabuti na rin sigurong ganoon ang nangyayari. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang makaharap ulit.Maingat kong itinulak ang wheel chair ni Dad hanggang sa makapwesto kami malapit sa mga rose bushes. Naupo ako sa bench katabi ng wheel chair niya.Nabaling ang tingin ko kay Dad nang hawakan niya ang kamay ko."Nasabi mo na ba kay Alpha ang tungkol kay Chadler?"Pilit akong ngumiti. "Paano mo nalaman, Dad na si Pearce ang ama ni Chad?"Isang pagod na ngiti ang lumandas sa kanyang m
Chapter • Twenty ThreeHindi ako nakagalaw dahil sa mga salitang narinig ko sa aking isip. He's using his mind and our bond to talk to me. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ikatuwang naroon pa rin pala ang bond namin o dapat akong kabahan dahil sa dating ng mga salitang sinabi niya.Huminga siya ng malalim bago siya umatras. Hindi naputol ang seryosong titig niya sa akin hanggang sa tuluyan siyang nakalayo sa hagdan. Ibinaon niya ang kanyang mga palad sa bulsa ng kanyang pantalon saka siya tuluyang tumalikod para pumunta sa silid ni Dad.Bigla akong napabuga ng malalim na hininga. Nasapo ko ang noo ko. Doon ko lang napansing may namuo na palang mga butil ng pawis rito dala ng matinding kabang ipinaramdam sa akin ni Pearce.Muli akong napabuntong hininga. Limang taon na pero hindi nagbago ang epekto niya sa akin. Napakadali lang para sa kanyang iparamdam ang mga bagay na hindi ko naman nararamdaman mula sa iba.Naramdaman
Chapter • Twenty FourHalos hindi ako nakatulog ng maayos ng gabi dahil sa nangyari sa park. Hindi ko alam kung gaano katagal na hinayaan ko lang si Pearce na angkinin ang mga labi ko. Nang oras na kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay kaagad na akong umalis.Sa buong umaga, iyon lang ang tumakbo sa isip ko. Naiwan pa rin sa labi ko ang tamis ng halik na ilang taon kong pinanabikan pero kung papipiliin man ako, mas gusto ko na lang na hindi na maalala ni Pearce ang nangyari. Ayaw kong pagsisihab niya lang ang bagay na 'yon. Mas mabuti nang ako na lang ang makaalam na kahit sandali, naiparamdam ko ulit sa kanya na siya pa rin ang mahal ko sa kabila ng lahat ng nangyari.Matapos kong mabili lahat ng nakalista sa grocery list ay tuluyan ko nang itinulak ang lalagyan patungo sa mga kahera.Sandali akong napahinto nang isang lalake ang bigla na lamabg bumangga sa balikat ko. Nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig."S-sorry, M
Chapter • Twenty FiveNagising ako sa isang haplos sa aking noo. Pilit kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang nag-aalalang mukha ni Mom. Nakakunot ang kanyang noo at bakas ang pangingilid ng mga luha sa mga mata.Pilit akong bumangon at pinasadahan ng tingin ang silid. Tanging si Mom lamang at Jomyl ang naroroon kasama ko."Magpahinga ka na muna, Meiko. Baka mamaya ay mawalan ka na naman ng malay dahil sa epekto ng marka." Ani Mom.Pilit akong ngumiti. "Okay lang ako, Mom. Si Chadler, nasaan po siya?"Pagod na ngumiti si Mom. "He's in the other room. Pearce is putting him to bed."Bahagyang kumunot ang noo ko. "Si Pearce?"Tumango si Mom. Tila ba may makahulugan ang ngiting gumuhit sa labi niya.Pilit akong tumayo saka bumaba ng kama. Baka mahirapan lang si Pearce sa pagpapatulog kay Chad. Ayaw niyang iba ang nagpapatulog sa kanya. Baka umiyak lang siya magdamag. Nakakahiya kay Pearce.Lumakad