Share

Chapter 22

Savina Pov

Walang imik si Desmon habang nasa loob kami ng kotse niya ay nagbibiyahe pabalik sa bahay niya. Bagama't hindi siya nagsasalita ay dama ko ang kinikimkim niyang galit sa kanyang dibdib. Siguro ay nagalit siya dahil bigla na lamang akong umalis nang hindi nagpapaalam sa kanya. At hindi na ako magtataka kung paano niya ako natagpuan dahil alam ko naman na dahil iyon aa bracelet kong suot.

Suwerte rin ang biglaang pagdating ni Desmon dahil hindi ko kailangang gamitin pa ang aking kapangyarihan para ipagtanggol ang aking sarili laban sa dalawang kidnapper.

Pagdating namin sa bahay niya ay agad niya akong hinila papunta sa aking kuwarto. Nag-aalala namang sinundan kami ng tingin nina Verna at Darla. Tiyak na kinakabahan ang dalawa para sa akin lalo pa at nakikita nila ang galit na anyo ng kanilang boss.

Pagkapasok namin sa loob ng aking kuwarto ay agad akong isinalya ni Desmon papunta sa ibabaw ng kama.

"Ano ba ang problema mo? Hindi ba tayo maaaring mag-usap nang hindi mo ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status