Lloyd"What did you do to Olivia?" sigaw ko na sinabayan rin naman ni Matthew."Anong ginawa mo kay Olivia, Papa?" tanong niya."I don't know what you're talking about!" malamig na tugon ni Daddy. Ni isang saglit ay hindi man lamang niya kami nilingon. Sa halip ay nakatuon ang kaniyang atensiyon sa mga papeles na kaniyang pinipirmahan sa ibabaw ng lamesa.Kapwa kami ni Matthew na nakatayo sa harap ni Daddy habang siya naman ay tila hindi interesadong lingonin kami."Tatayo na lang ba kayo riyan? I still have lots of things to do,so get out!" he added. "I will ask you this question once at kapag hindi mo ibinigay ang impormasyong gusto namin, pasensiyahan na lang, Daddy!" Napalingon sa akin si Matthew matapos kong sabihin iyon. Dahil din do'n ay nakuha ko ang atensiyon ni Daddy. Binitawan niya ang ballpen na hawat niya at humarap sa amin. "What do you need?" he said in a cold tone. "Anong ginawa mo kay Olivia? Bakit naglayas siya?" "Naglayas?" he smirked. "I didn't do anything.""
Lloyd"Kuya, may nararamdaman ka na ba para kay Olivia?" tanong ni Matthew na siyang bumasag sa katahimikan sa loob ng kotse ko. Kasalukuyan akong nagda-drive no'ng tanungin niya iyon. Walang imik ko lamang siyang nilingon at pagkatapos ay muli kong itinuon ang aking atensiyon sa daan at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Alam kong weird pero masaya akong magkasama tayo ngayon!" dagdag pa niya. Hindi pa rin ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang magsalita nang magsalita. Mapapagod rin siya. "Alam mo, Kuya? Matagal kong pinangarap na makasama kita nang matagal gaya nito. Simula pa no'ng nalaman kong may kapatid pala ako!""Shut up! You're annoying!" pagrereklamo ko sa kaniya. "Kahit na lagi tayong nag-aaway at palagi kang galit sa akin, alam mo bang tinuturing pa rin kitang kapatid? Ginagalang pa rin kita gaya nang-" hindi niya na natapos ang kaniyang sinasabi nang lingonin ko siya't pandilatan ng mata. "Ano ba?! Sinabi ko bang mag-drama ka dito? I'm still hated you! Yes, I allowed you to
Lloyd"Tingnan kaya natin siya sa sementeryo?" sambit ni Matthew habang hinihintay ko ang in-order naming pagkain sa receiving area ng drive thru.Nagpasiya kaming um-order para kapag nakita namin si Olivia at hindi pa siya kumakain ay may kakainin siya kaagad."Of all places, sa sementeryo pa talaga, Matthew? Kahit kailan talaga, hindi ka nag-iisip, 'no!" pagsusungit na sambit ko at pagkatapos ay inikot ang aking mata sa kaniya."Hindi 'yon imposible, Kuya! Hindi mo ba alam na patay na ang Mommy niya? Namatay siya no'ng pinanganak niya si Olivia.""I disn't know! Never niyang nabanggit sa akin 'yon!""Palagi mo kasi siyang sinusungitan kaya siguro 'di malapit ang loob mo sa kaniya, pero kung kikilalanin mo lang siya? You will know how amazing she is!"Hindi ko na siya sinagot pa. Pagkakuha ko nang order ko ay umalis na rin kami agad. Ang sabi ni Matthew, ilang kilometro raw ang layo no'ng sementeryo sa building na pag-aari ng Daddy ni Olivia. Pamilyar naman ako sa sementeryong iyon
Lloyd"What happened!?!" tanong ko kay Matthew matapos tuluyang mawala sa paningin namin si Olivia."Hindi ko alam, Kuya! Iyon ang unang pagkakataon na sinungitan niya ako. At tsaka, never niya akong pinagsalitaan nang gano'n." Nauutal na saad ni Matthew habang ang tingin ay nakabaling pa rin sa direksiyon kung saan dumaan at naglakad palayo si Olivia."Let's go! Baka madaanan pa natin siya. Let's just bring her home. Baka pagod lang siya." Sambit ko, at saka naglakad na papunta sa parking kung saan ko ginarahe ang sasakyan ko.Agad-agad namang sumunod sa akin si Matthew. Nang makasakay kami ay kaagad kong pinaandar ang kotse ko. Binagalan ko pa ang pagmamaneho dahil nagbabaka-sakali akong madadaanan ko si si Olivia ngunit bigo ako.Habang nagda-drive ako ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Nagkatinginan pa kami ni Matthew noong mga oras na iyon bago ko sagutin ang tawag."I am busy at the moment! I'll call you later." Sambit ko at tsaka ko in-end ang call.Pagbaba ko nang phone ko
Lloyd"Magpapakamatay ka ba?" sigaw ko matapos lumabas mula sa kotse ko.Nang lapitan ko 'yong naka-bisikleta ay patayo na siya. Naka-alalay ang kaniyang kamay sa bike na hawak niya. Napansin kong nasira ang gulong ng bike kaya't nagmadali akong kunin ang wallet ko para kumuha ng pera."Hey! Take this money. Buy a new bike or buy your own road! Sa susunod, huwag ka dito sa highway dahil maaga kang makakaakyat sa langit dahil diyan sa ginagawa mo!"Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. I gave him twenty thousand bago ako tumalikod sa kanya at bumalik sa loob nang sasakyan ko. Nang i-start ko ang engine ko'y nakita kong nakatingin pa rin siya sa gawi kung nasaan ang driver's seat.Alam kong hindi niya ako nakikita dahil tinted ang kotse ko pero siya ay nakikita ko mula sa labas at nakatingin siya sa akin. Bago ako tuluyang umalis ay binusinahan ko pa siya.Siguro naman ay sapat na ang binigay kong pera sa kaniya. Suwerte nga siya at nagbigay pa ako kahit na siya ang may kasalanan!
Lloyd"If I were you, sasabihin ko kay Francheska 'yong totoo!" aniya saka nagbuntong hininga ng malalim.I looked at him in confusion."Bakit ko naman gagawin 'yon?" tanong ko habang magkasalubong ang dalawa kong kilay."Bakit hindi? Kung tutuusin, hindi ka na nga dapat nakikipag-communicate sa kaniya, 'eh. You're already married. Kahit pa sabihin mong hindi kayo totoong nagmamahalan at arranged marriage lang ang nangyari, sa mata ng batas ay mag-asawa pa rin kayo.""So, anong dapat kong gawin?!" "Let her go! Iyon ang una mong dapat na gawin kung balak mong i-pursue ang asawa mo. Para na rin hindi masayang 'yong malaking ginastos sa kasal niyo." I heaved a sigh at ilang beses din akong napalunok bago ako magsalita habang nakatingin nang diretso sa kaniya. "It's not about the money, Alex! Kung pera lang ang pag-uusapan, alam mong never akong manghihinayang dahil marami ako niyan, pero ang iniisip ko kasi, paano si Francheska? I promised her the best life after my divorce." Saad ko.
Lloyd"Madilim na sa gawing ito, 'ah? Sigurado ka bang nandito si Olivia?" tanong ko kay Alex na palingon-lingon sa paligid namin.I opened the window of my car para na rin mas makita niya kung ano man ang tinitingnan niya mula sa labas."Hindi puwedeng magkamali ang tracker ko, Lloyd! Alam kong nandito siya." Aniya.Napabuntong hininga na lang ako habang patuloy ako sa pagda-drive nang dahan-dahan habang binabaybay namin ang isang one way na daan.Ilang sandali pa, nagulat ako nang mapasigaw si Alex. "Ihinto mo ang sasakyan, Lloyd! Ihinto mo." Narinig kong sigaw niya. Kaya kaagad kong inihinto ang sasakyan. Nagmadali naman siyang lumabas. Paglabas niya'y lumabas na rin ako. at laking gulat ko nang bigla niyang iniabot sa akin ang isang cellphone. "What is this?" I asked in confusion. "Cellphone yata ito ni Olivia!" saad niya. "Paanong..." Hindi pa ako tapos sa aking sinasabi nang umalingawngaw ang isang sigaw. Nagkatinginan kami ni Alex pagkatapos no'n. "Si Olivia," bulong ko
Lloyd"Lloyd, kakausapin ka raw nang doktor!" bungad ni Alex sa akin pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng nurse station."Nasaan siya?""Nasa kabila. Nagra-rounds ng mga pasyente. Puntahan mo na lang raw siya doon-"Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita. Bagkus ay dumiretso na ako kaagad sa doktor.Pagpasok ko naman sa sinasabing kabilang kwarto ni Alex ay nakita ko ngang nandoon si doc. Kumatok lamang ako at sinenyasan niya ako na maghintay lamang dito sa labas hanggang sa matapos niyang kausapin 'yong isang pasyente sa katabing kuwarto kung saan ipinasok si Olivia.Ilang minuto rin akong naghintay at pagkalabas niya nang kuwarto ay tumayo na rin ako at humarap sa kaniya."How's my wife, Doc? Is she okay?" I asked.Mabilis ang tibok ng puso ko noong mga oras na 'yon. Habang nakaharap ako kay Doc ay sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko. Ewan ko ba! Iba ang pakiramdam ko ngayon. Tama lang naman sigurong mag-alala ako kay Olivia dahil at the end of the day, asawa ko pa rin naman