Share

Chapter 2

This is not an ordinary wedding. This is my wedding. Ikakasal ako ngayon kay Rameses...

Halos wala sa sarili kong tinahak ang kahabaan ng nagsilbing aisle na iyon. Nag-angat ako ng tingin at muling nagtagpo ang mga mata namin ni Rameses. Nagkatitigan kami hanggang sa una siyang bumitaw at bahagyang nag-iwas tingin. Napayuko ako't nagpatuloy sa aking mga hakbang tungo sa kanya. Tinitigan ko lamang ang nakalahad niyang kamay kaya siya na mismo ang kumuha ng akin. Hinarap namin ang taong siyang magkakasal sa amin.

Kasal...

Talaga bang ikinakasal ako ngayon?

Nagsimula ang seremonya at nanatili ang pagiging tulala ko sa mga nangyayari.

"I do."

Para akong nabalik sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Rameses ng malapitan. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon at ikinakasal kami. Alam ko ang posibilidad na maari kaming magkitang muli ngunit pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay ipinagdasal kong sana'y hindi na.

"Ivana Hernandez, do you before these witnesses take this man to be your lawfully wedded husband..."

Patuloy iyong Judge sa kanyang mga sinasabi habang nanatili lamang ang aking tingin kay Rameses na ni hindi naman ako matingnan. Malungkot akong napangiti. Hindi maitanggi ang sayang nadarama sa aking puso sa muli naming pagkikita.

"I do..." muli kaming nagkatitigan.

Unti unting bumaba ang kanyang mukha sa akin hanggang sa tuluyang nagtagpo ang aming labi. Napapikit ako't dinama ang kanyang malambot na labi sa akin...

May kaonting salu salo pagkatapos. Ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ang mga tao sa paligid. Abala si Rameses sa pakikipag-usap doon sa Judge. Tahimik naman akong nakaupo sa kanyang tabi at ni minsan ay hindi niya tinapunan ng pansin. Sa mesang iyon ay naroon din si Flor at iyong lalaking nakasalamin na una kong nakita sa bahay na pinagdalhan sa akin ni Uncle. Bahagyang napatiim ang aking bagang ng maalala ang tiyuhin kong iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubusang naiintindihan ang mga pangyayari. Ang sigurado lamang ako'y napakasama ng tiyuhin kong iyon. Paano niya ako nailagay sa ganitong sitwasyon?

"Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, Miss Ivana," puna sa akin ni Flor.

Bumaling ako sa kanya't bahagyang napatikhim. Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti bago tuluyang ginalaw ang aking pagkain.

"Rameses..." mahina kong tawag sa kanya. Papasok kami sa kuwarto kung saan ako nagising kanina.

"What?" tugon niyang hindi man lang bumabaling sa akin.

Nagsimula siyang maghubad ng pang-itaas. Hinagis niya lamang iyon sa couch na naroon. Napaiwas ako ng tingin sa hubad niyang upper body.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ng ginamit kong bathroom kanina. Napabuntong hininga ako't marahang sinara ang pinto ng kuwarto.

Naupo ako sa kama at piniling maghintay doon. Suot ko parin iyong dress mula kanina. Nang bumukas muli ang pinto ng bathroom ay agad akong nag-angat ng tingin na mabilis ko ring binaba. Nakatapis lamang ang isang puting towel sa baywang ni Rameses.

"You won't take a shower?"

Napatango ako. Hindi parin makatingin sa kanya. Mabilis akong tumayo at tinungo ang bathroom. Napasandal ako sa kasasarang pinto at mariing napapikit. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayaring ito. Parang panaginip. O baka naman talagang nanaginip ako?

Nakahiga na si Rameses sa kama nang lumabas ako sa bathroom. Pikit ang mga mata nito. May nakita akong isang oversized white shirt na nakalatag sa paanang bahagi ng kama at pambabaeng underwear.

Mukhang tulog na siya at hindi ko na matatanong. Inisip ko na lamang pwede ko iyong suotin. Nahiga ako sa natirang espasyo sa malaking kama.

Medyo nahirapan akong makatulog sa dami ng mga nangyari ngunit dulot narin siguro ng pagod ay nahila rin ako ng antok.

Kinabukasan ay nagising akong wala na sa tabi ko si Rameses. May nakalatag muli na mga damit sa kama. Nagkusot ako ng mga mata at tuluyang bumangon. Nang bumaba ako sa living room ng malaking beach house na iyon ay si Flor at iyong lalaking nakasalamin ang sumalubong sa akin. Seryoso iyong lalaki. Agad namang lumapit sa akin si Flor at hinawakan ako sa braso upang igiya sa hapag.

"Mag-breakfast ka na Miss Ivana. Inilibot lang ni Sir Rameses si Judge Guerrero sa buong isla," ani Flor

Tumango ako. "Salamat," tukoy ko sa paglalagay niya ng pagkain sa aking pinggan. "Ako na..."

Naupo narin ang dalawa upang saluhan ako sa pagkain ng almusal. Maya't maya silang may pinag-uusapang dalawa habang nanatili naman akong tahimik.

"Kamusta ang gabi niyo ni Sir Rameses, Miss Ivana?" nakakahiyang baling sa akin ni Flor. Halos mabulunan ako.

"What?" kunot noo niya sa katabing mukhang mas naeskandalo kaysa sa akin.

Napatikhim ako. "Nakatulog agad si Rameses kagabi," honest kong sagot.

"Ilang araw din kasi iyong walang pahinga dahil sa kumpanya," iling ni Flor

"Ah, Flor..."

"Hmm?" mula sa pagkain ay muli itong nag-angat ng tingin sa akin.

Sinulyapan ko ang kanyang katabi na tahimik namang kumakain. "Nasaan nga pala tayo?"

Bahagya siyang napatayo sa aking tanong. "Nasa private island tayo ng mga magulang ni Sir Rameses."

Napaawang ang labi ko't dahan dahang napatango. Hindi ko maalala ang nagging biyahe naming patungo rito. Marahil ay tulog ako buong biyahe?

Napailing na lamang ako sa sarili.

"Chopper ang naghatid sa atin patungo rito sa isla, Miss Ivana." medyo naguguluhan ding paliwanag ni Flor.

Tumango na lamang ako't biglang napatanong muli. "Ang Uncle ko?"

Napabaling si Flor sa kanyang katabi na lalaki. Nagkatinginan ang dalawa bago bumaling sa akin iyong lalaki. "Maaring hindi na kayo magkita ng tiyuhin mo dahil pag-aari ka na ni Sir Rameses. Napaka walang puso naman ng Uncle mo. Paano niya ganawa yun sayo? Ikaw na sarili niyang pamagkain, anak ng kapatid niya!"

"A-Anong... ibig mong sabihin...?" Salubong ang magkabila kong mga kilay.

Napaaray ang lalaki at matalim na binalingan ng tingin si Flor na pinanlalakihan siya ng mga mata. "Ang ibig niyang sabihin ay mag-asawa na kayo ngayon ni Sir Rameses—"

"Tss. Ipinambayad siya ng tiyuhin niya sa pagkakautang nito kay Sir Rameses!"

Kita ko ang pamumutla ni Flor. "Jipoy!"

Umiling ang lalaki at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Samantalang halos hindi naman mag-sink in sa akin ang nalaman.

"Pasensya sa inasal ni Jipoy, Miss Ivana."

Tinagilid ko ang ulo paharap kay Flor. Naglalakad lakad kami ngayon sa labas lang ng beach house. Kita ko ang mga guards na sumusunod ang tingin sa amin. Binigyan ko siya ng isang ngiti. "Okay lang. Hindi rin naman malabong magawa nga iyon ni Uncle. Mabuti nga at nalaman ko dahil kahapon pa talaga akong naguguluhan..."

Bumuntong hininga ito at ngumiti narin pabalik sa akin.

"Tsaka Ivana nalang, 'wag ng Miss Ivana."

Napalaki ang ngiti nito. "Ayos lang ba 'yon? Wife ka kasi ni Sir Rameses kaya..." Kibit balikat nito.

Umiling ako. "Okay lang."

Tumango ito. "'Tsaka ang bata mo pa. Nineteen ka lang, halata naman kahit noong unang beses palang kitang makita."

Nabaling ang atensyon namin sa narinig na tawanan. Papalapit sa kinatatayuan namin ay si Rameses kasama iyong Judge na nagkasal sa amin. May kung ano silang pinag-uusapan na siyang ikinangingiti ni Rameses. Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. Nang magtama ang mga mata namin ay unti unting naglaho iyong magandang ngiti niya. Bumalik sa pagiging malamig at seryoso ang mga mata. Nawala rin ang ngiti ko at bigong napayuko.

I still can't believe na kasal na ako ngayon... at kay Rameses pa iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status