Share

Chapter 3

May mga pagkakataong natutulala parin ako tuwing naiisip ang mga nangyari.

Bukod sa amin ni Rameses, Judge Guerrero, sila Flor at Jipoy at iyong mga bodyguards ni Rameses ay wala ng iba pang panauhin sa kasalang naganap sa isla. Sa sumunod na araw din ay sinundo kami ng isang chopper pabalik sa city at inuwi ako ni Rameses dito sa kanyang condo.

"Anong oras ang uwi mo mamaya?" sinubukan kong magtanong kay Rameses. Paiba-iba kasi ang oras ng uwi niya. Madalas lumalamig na 'yong niluluto kong dinner kapag dumating siya. Minsan pa ay nakakatulugan ko ang paghihintay sa kanya at nagigising nalang akong natutulog na siya sa kuwarto namin.

Hindi ko tuloy alam kung nakakain na siya dahil madalas walang bawas iyong niluto ko. Isa pa gusto ko sanang kahit minsan lang ay makasabay ko siya sa pagkain...

Hinarap niya ako't bakas ang pagkakairita sa kanyang mukha. "Can you stop asking and help me do this instead? Para may silbi ka naman."

Natigilan ako't bahagyang napalunok nang makabawi. Mabilis ko siyang tinulungan sa pag-aayos ng kanyang necktie.

"Mag-iingat ka..." habol ko sa kanya palabas ng pintuan ng aming unit.

Sa loob ng isang linggo namin bilang mag-asawa ay parati kaming ganito. May pagkakataon na mabait siya, may pagkakataon na naman na napapatalon na lang ako bigla sa gulat at takot sa tuwing sisigawan niya ako. Gustong-gusto ko itanong sa kanya kung bakit niya ako pinakasalan, pero wala akong lakas para isatinig ko iyon.

I was only thirteen years old back then nang una kong makita si Rameses. My mother is one of his professor noong college siya. Simula noon, parati ko na pinupuntahan si Mama sa university para silayan si Rameses. Nahinto lang iyon nang lumipat kami ng bahay.

Napabuntong hininga na lamang ako. Sinara ko ang pinto at nagsimula sa mga naiwan at hindi natapos na mga gawaing bahay. Nilinis ko ang buong unit maging ang bawat bathroom. Pagkatapos ay naglaba naman ako. Sanay ako sa mga ganitong gawain at halos wala naman itong pinagkaiba sa mga nakasanayan ko sa bahay ni Uncle noon. Sa pagod siguro ay nakatulog ako oras matapos kong makapag-lunch.

Mag-aalas otso na ng gabi nang magising ako. Mabilis akong napabangon at agad na lumabas ng kuwarto. Bumungad sa akin ang kararating lang na si Rameses. Halos mapapikit ako. Hindi pa ako nakakapagluto!

"Rameses..."

"Ano'ng niluto mo?" pauna niyang tanong habang niluluwagan ang kanyang necktie.

Napakagat ako sa ibabang labi. "H-Hindi pa ako nakakapagluto..." agad nag-iba ang kalmado niyang ekspresyon. "P-Pero m-magluluto na ako ngayon." Mabilis kong tinungo ang kusina. Nagkandapaso paso pa ako sa pagmamadali at pagkakataranta. Wala na naman akong narinig mula kay Rameses. Siguro ay dumiretso muna siya sa kuwarto para makapagbihis. Tamang naghahain na ako sa aming dining table nang dumating ito.

"Kain ka na..." mabilis kong pinasadahan ng palad ang pawis na namuo sa aking noo.

Nakapambahay na siya ngayon. Gayon pa man ay, kahit sa simpleng shorts at t-shirt, hindi nabawasan ang kanyang kaguwapuhan at kakisigan. Tahimik at seryoso lamang siyang naupo doon. Maagap kong nilagyan ng pagkain ang kanyang plato. Hindi ko alam kung bakit ngunit bahagya siyang natigilan sa kanyang kinauupuan sa aking inakto.

Para kaming nagbabahay bahayan. At labis kong ikinatutuwa itong nangyayari ngayong pinagsisilbihan ko siya. Naalala ko ang imahe ni Mama na pinagsisilbihan sa hapag si Papa. Wala sa sarili akong napangiti.

"What are you smiling for?" kunot noo niyang puna sa akin.

Napatiim labi ako't maagap na umiling sa kanya. "May naalala lang ako..."

Nagpatuloy siya sa pagkain at inubos ang nasa plato niya. Matapos kong hugasan ang pinagkaininan niya ay naligo na ako at nagpatuyo ng buhok.

Nasa kama na si Rameses, nasa kabila siyang dulo, nakatalikod sa akin. Hindi niya ako kakausapin kung wala siyang sasabihin, o kaya naman ay magsasalita lang siya kapag may itinatanong ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising nang makaitang wala na siya sa kama. Halos patakbo akong bumaba ng hagdan at naabutan siya sa sala na may kausap sa kanyang cellphone at halatang naiinis.

Naghanda ako ng breakfast at hinintay siya matapos sa pakikipag-usap.

"I'm going outside. Pagkatapos mo kumain ay magbihis ka."

Agad akong napatayo at humabol sa kanya. "Hindi ka mag-aalmusal?" tanong ko sa kanya. "Nagluto ako."

Tumingin siya sa lamesa at mabilis na ibinalik ang tingin sa akin. "May kasama ako mag-almusal sa labas." Iyon lang ang sinabi niya at mabilis na akong tinalikuran.

Napatitig naman ako sa kawalan nang makaalis siya. Ano bang ginagawa ko? I'm doing too much for him, pinagsisilbihan ko siya... Pero bakit parang wala lang iyon sa kanya?

Ganito ba talaga ang buhay may asawa?

Nagbuntong-hininga ako at bumalik sa kama. Hindi ko na tinapos ang kinakain ko dahil nawalan na ako ng gana. Pakiramdam ko ay hindi gusto ni Rameses ang kasal naming dalawa. Pakiramdam ko ay napilitan lang siya na pakasalan ako. Pero bakita niya ako pinakasalan kung ganitong napilitan lang naman pala siya.

Matapos ang tatlong oras ay bumalik na si Rameses. Dumeritso agad ito sa banyo para maligo at magbihis. Hindi niya ako kinausap, parang hangin lang siyang dumaan sa harapan ko.

Pilit akong bumangon mula sa pagkakahiga at naligo. Inayos ko ang sarili ko at tulalang napatitig sa harapan ng salamin.

"Ano ba, Ivana! What's taking you so long?!"

Napatalon ako sa gulat nang bumukas ang pintuan ng kwarto at sumigaw si Rameses. Matalim niya akong tinapunan ng tingin kaya nataranta naman ako.

Pilit kong mabilis na tinapos ang pag-aayos sa sarili habang mabilis ang pintig ng dibdib ko sa kaba sa takot na baka magalit siya.

Nang matapos ako at agad siya naglakad palabas.N apabuntong hininga at iling na lamang akong maagap na sumunod sa kanya.

Aniya'y pupunta kami ngayon sa bahay ng kanyang mga magulang. Hindi mapawi-pawi ang kabang nararamdaman ko ngayon. Marami akong naisip kagaya ng kung magugustuhan ba nila ako o kung alam ba nila na ikinasal na kami ng kanilang anak gayong wala naman sila sa araw ng aming kasal at wala namang nababanggit sa akin si Rameses, hindi rin naman kami nag-uusap, at kung anu ano pa.

Bahagyang bumagal ang pagtakbo ng sasakyan papasok sa mataas na gate ng isang malaki't magandang bahay. Tuluyan itong tumigil sa harap ng isang fountain na may mga anghel. Hindi na ako nagulat noong hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kanyang kotse ni Rameses.

Sinalubong kami ng nakaunipormeng katulong papasok sa malaking bahay na iyon. Maganda ang bahay mula sa labas at ganoon din sa loob. Sa malapad pa lamang nitong living room ay punong puno na ng pinaghalong antigo't modernong mamahaling muwebles. Makinang ang malaking chandelier sa mataas na ceiling. Ito ang bahay ng kanyang parents. Ito ang buhay na kinalakhan ng isang Rameses.

Iginiya kami ng kasambahay sa kanilang dining area. Bumungad sa amin ang mahabang dining table na halos mapuno ng mga pagkain. Agad tumayo ang nag-iisang lalaki sa mesang iyon upang salubungin kami ni Rameses. Halos makita ko si Alexander sa kanya sa ganyang edad. Kung hindi ako nagkakamali ay ito si Mr. Grey, ang ama ni Rameses.

"Son," sabay yakap nito sa anak. Hindi naman natinag si Rameses na hindi man lang sinuklian ang bati ng kanyang Daddy. Dumapo ang mga mata nito sa 'kin.

Hinigit ako ni Rameses palapit sa kanya. "Dad, this is my wife, Ivana." Pormal na pagpapakilala nito sa akin sa kanyang ama.

Tumango at ngumiti ang kanyang ama sa akin na maagap ko namang sinuklian. Lumapit sa akin ang dalawang babaeng naroon din.

"Hija," beso sa akin ng may edad na babae.

Ganoon din ang ginawa ng siguro'y kasing-edad ko lamang na babae. Ngiting ngiti ito sa akin na para bang natutuwa siya sa aking presensya.

"Welcome to the family, hija." muling ngiti ng kanyang ama. "This is your Tita Marissa, my wife. And our daughter Raniella, Rameses' younger sister."

"Kumain na tayo," anyaya ni Tita Marissa.

Nagsiupuan ang lahat sa hapag. Nagulat pa nga ako noong ipaghila ako ni Rameses ng silya. Tahimik na lamang akong naupo doon. Sunod na naupo si Alexander sa aking tabi. Kaharap namin sila Tita Marissa at Raniella at nasa gitna naman si Mr. Grey. Nagsimula ang mga katulong sa pagsilbi.

"I told you to settle down, hindi ko inasahang hindi mo kami iimbitahan sa iyong kasal anak..." buntong hininga ng ama ni Rameses.

Halos matigil ako sa pagnguya. Sandaling nabalot ng katahimikan ang hapag bago nagsalita si Rameses.

"Bakit biglaan naman ata, anak?"

Iyon din ang katanungan na gumugulo sa isipan ko. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit biglaan kami ikinasal?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status