Share

Chapter 4

"Kapag may kailangan kayo ay tawagan niyo lang kami... Lalo na Ikaw Ivana. Sana ay makabisita kayong muli, hija." si Tita Marissa noong paalis na kami ni Rameses.

Ngumiti ako't tumango sa kanya. "Opo, makakaasa kayo..."

"Let's go. Mauna na kami." Hila sa akin ni Rameses patungo sa kanyang sasakyan.

Tahimik muli ang byahe pabalik sa kanyang condo nang pinili kong magsalita.

"Aasahan ng Daddy mo at nila Tita ang muli nating pagbisita sa kanila. Hindi man lang tayo nakapagdala ng kahit ano sa kanila."

Hindi siya nagsalita. Nanatiling tahimik at seryosong nagmamaneho. Mahina na lamang akong napabuntong hininga. Para akong nakikipag-usap sa puno. Nasa tabi ko nga siya pero hindi ko naman siya maramdaman.

I woke early the next morning. Nagluluto ako ng almusal habang naghahanda pa si Rameses sa kanyang pagpasok sa trabaho. Halos mapatalon ako sa gulat. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Halos magsitindigan ang mga balahibo sa aking batok, lalo na noong bahagyang lumapat ang kanyang labi sa aking taynga.

"Rameses.... malapit na 'to..." halos wala sa sarili kong nasabi.

Tuluyang nagtindigan ang bawat hibla ng balahibo sa aking katawan nang lumapat ang kanyang malambot na labi sa aking batok at marahang humalik doon. Ang kanyang mahihigpit na braso ay pumulupot sa aking baywang.

"R-Rameses..." Magkahalong kaba at hindi maipalawanag na excitement ang aking naramdaman. Ngayon ay nasa leeg ko na ang kanyang mga halik. "Rameses, ano... y-yung niluluto ko..."

Ngunit parang wala siyang narinig mula sa akin. Pinatay niya lamang ang stove 'tsaka ako hinarap sa kanya. Agad niya akong siniil ng malalalim at sabik na halik sa labi. Naramdaman ko ang pag-angat ng aking katawan. Mabilis niya lamang hinawi ang kung anumang bagay ang naroon malapit sa sink at inupo ako doon.

Naging mabilis ang pangyayari. Naramdaman ko nalang ang malambot na kama sa aking likod. Nasa leeg ko muli ang kanyang mga halik. Binuksan ko ang mga mata at sandaling napatitig sa ceiling bago iginala ang paningin sa paligid. Nasa aming kuwarto kami. Halos hindi ko makilala ang aking sariling boses ng angkinin ng kanyang bibig ang aking dibdib.

Marahas niyang binaba ang suot kong bestida at narinig ko pa ang pagkakapunit nito. Ngayon ko lang din napansin na hindi pa pala siya nakapagbihis at tanging putting tuwalya lang ang nakapulupot sa kanyang baywang!

"Rameses... h-hindi ka ba male-late s-sa trabaho..." nagawa kong ipaalala sa kanya sa kabila ng mga daing at singhap ko.

Nang tuluyan siyang pumwesto sa gitna ng aking mga hita ay halos hindi ko na malaman kung saan kakapit. Sa huli ay ipinulupot ko ang aking nanghihinang mga braso sa kanyang batok. Ang kanyang bawat paggalaw ay may halong rahas na nasasaktan na ako. Hindi ko lubusang naintindihan kung bakit. Kung dahil ba sa pisikal o emosyonal na sakit at naglandas ang luha sa aking pisngi habang inaangkin niya ako...

Hindi pa siya nakontento at dinala pa ako sa may bintana at doon muling gumalaw. Hindi siya tumigil hanggat hindi siya napapagod. Hindi ko nga halos nabilang kong ilang posisyon iyon.

Agad siyang lumayo sa akin at tinungo ang bathroom. Sandali akong natulala bago tuluyang umalis sa kama. Binalikan ko ang naiwan sa kusina at naghain.

Bumabaa si Rameses na nakabihis na at tahimik kaming kumain. Bumaling siya sa akin bago tuluyang lumabas sa pintuan ng aming unit.

"Mag-iingat ka."

Wala siyang sinabi at tumalikod na para umalis. I was expecting him to be home at least 9 to 10 pm, pero almost midnight na ngunit hindi parin nakakauwi si Rameses. Ito na yata ang pinakamatagal niyang uwi. Nag-aalala na ako at hindi ko rin naman alam ang gagawin. Wala naman akong cellphone para makontak siya. May telepono kami rito ngunit hindi ko aman alam ang number niya o ng kanyang opisina. Narinig ko ang pagbubukas ng pintuan.

Agad akong napatayo upang salubungin sana si Rameses, ngunit iba ang bumungad sa akin. Si Rameses nga iyon na mariing nakikipaghalikan sa isang babae.

Nag-uwi siya ng babae...?

I looked at him in disbelief. Paano niyang nagawa na mag-uwi ng babae sa bahay namin?!

"R-Rameses..." nanginig ang aking labi sa nakikita.

Natigil sila sa tawag ko. Bumaling sa akin ang mukhang lasing na Rameses at iyong dala niyang babae. Nakapulupot pa ang mga braso noong babae sa leeg ni Rameses. Nakasuot ito nang revealing at maiksing pulang dress na hapit na hapit sa magandang hubog ng kanyang katawan.

"Sino siya?" Tanong noong babae. Nakakunot ang noo sa akin.

"Just my wife." Hinawakan niya iyong pisngi ng babae upang muling ibaling sa kanya. Ngumisi iyong babae at muli silang naghalikan—Sa aking harapan!

Just my wife?! 

Nilagpasan nila akong dalawa na parang hangin at walang nakita. Mula sa Sala paakyat ng hagdan ay patuloy sila sa paghahalikan. Para akong naipako sa aking kinatatayuan. Narinig ko ang pagkakalock ng pinto ng aming kuwarto. Napaawang ang aking labi at nanghihinang napaupo sa malamig na sahig ng living room.

Bakit... paano... umiling ako kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha. Halos hindi tanggapin ng aking utak ang nangyayari.

Dinig na dinig ko mula rito sa sala ang malakas na unggol ng babae, tila ba enjoy na enjoy. Pati ang mga gamit ay naririnig ko rin ang pagbagsakan. Sa tingin ko ay nililibot nila ang mga sarili sa buong kwarto... Ang kwarto kung saan kami natutulog na mag-asawa. Hindi man lang niya iyon pinahalagahan...

Makaraan ay nakarinig ako ng mga yapak. Hindi ko alam kung gaano katagal na ba akong nakaupo at tulala rito sa sofa ng living room. Nag-angat ako ng tingin at nakita iyong babae. Halos magdilim ang paningin at gusto ko siyang sugurin at pagsasampalin. Ngunit wala. Nanatili lamang akong wala sa sarili.

Hinahanap niya yata ang kanyang stiletto. At nang makita ang mga ito ay para bang invisible ako rito at hindi niya nakikita. Tuloy tuloy lamang ang lakad niya paalis.

Makaraan ay tumayo ako't dinala ng mga paa sa kuwarto namin ni Rameses. Dumapo ang aking mga mata sa kanyang mahimbing na natutulog doon. Gusot ang aming bedsheets at nagkalat ang kanyang mga damit sa sahig.

Nanginginig ang mga kamay kong pinulot ang mga ito. Sinarado ko ang pinto noong lumabas ako. Humilig ako rito at napahagulhol. Buong magdamag akong umiyak sa living room. Nagising na lang ako ay may sikat na ang araw, pero nang silipin ko si Rameses ay naroon pa siya sa kwarto namin at mahimbing na natutulog.

Bumaba ako at tinungo ang kusina para magluto ng almusal. Gulo-gulo ang buhok ko at hindi pa ako nagsusuklay. Kaya naman nang sumulpot si Rameses ay napatitig siya agad sa akin.

"Breakfast ka na..." bati ko sa kanya.

Wala siyang damit pang-itaas at tanging iyong pajamang isinuot ko sa kanya kagabi ang kanyang suot. Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago nag-iwas ng tingin.

Umupo siya roon at nagsimula akong pagsilbihan siya.

Isang masakit na riyalisasyon ang pumuno sa akin kagabi. Iyon ang katotohanang hindi ako narito upang iturin niyang asawa. Narito ako bilang isang kabayaran. Bayad sa pagkakautang ng aking tiyuhin sa kanya. Hindi ko man alam ang buong detalye ngunit sa naalalang sinabi noon sa akin ni Jipoy sa isla...

Nag-angat ako ng tingin at pinagmasdan siyang tahimik na kumakain. Marami nga ang nagbago sa loob ng ilang taon o... nagbago nga ba siya o hindi ko naman talaga siya lubusang nakilala noon? Pakiramdam ko ay ibang Rameses ang nakilala ng batang Ivana noon.

Ni hindi ko na masilayan ang kanyang mga ngiti na sa tuwing nakikita niya ako noon kapag dumadalaw kay Papa sa university ay awtomatikong nginingitian niya ako para batian at tanungin kung anong pinag-aralan sa klase... Ibang-iba na siya sa Rameses ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status