Share

Chapter 2

Marcus POV

"Berting!" tawag ko sa tauhan ko.

"Bakit, Marcus?"

"Nasaan si Isay?" tanong ko sa anak nitong dalaga.

"Nasa bahay, bakit?"

"Papuntahin mo dito. May ipapagbibili ako sa kanya."

Inutusan ko si Isay na bumili ng mga gamit pambabae. Sinabihan ko din si Isay na kung may magtatanong sabihin na bumili siya ng mga bagong damit.

Bumalik ulit ako sa loob ng bahay. Nasa kusina na si Amara. Kumakain.

"Akala ko di ka na kakain."

"Hindi pwede, kailangan ko ng lakas. Kailangan kong makatakas dito, Marcus."

"Hindi pwedeng gawin iyon ngayon, Amara. Mapapahamak ka."

"Anong gusto mo? Tumunga-nga lang ako dito? Kailangan kong umuwi, Marcus."

Dumilim ang mukha ko. May lalaki ba ito?

"Bakit atat na atat kang umuwi? May naghihintay ba sa iyo, doon? May lalaki ka?" galit na tanong ko sa kanya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Paano ako magkakaroon ng lalaki kung sa apat na taon ay nagluluksa ako sa akala kong patay na ang asawa ko? Akala mo ba, wala lang sa akin? Hindi, Marcus. I felt betrayed, sobrang sakit, Marcus."

Natahimik ako. Alam ko naman na wala itong lalaki. Dahil sa apat na taon, pinasusundan ko ito. Dahil gusto kong protektahan ito. Kahit na sundalo na ito.

"Marcus, papunta si Jane dito."

Agad akong tumayo at dinala si Amara tungo sa kulungan ng mga bihag namin. Hindi nila pwedeng malaman na nasa bahay ko si Amara at kilala ko ito.

"Saan mo ako dadalhin?!"

"Sa kulungan muna. Papunta si Jane dito. Hindi niya pwedeng malaman na nasa bahay kita."

Nakarating kami sa kulungan at ipinasok ko siya doon. Pero bago ko siya tuluyang papasukin ay hinalikan ko muna ito ng mapusok. Iniwan ko na ito doon.

Lumabas ako, may dalang pagkain. Alam na ng mga tauhan ko kung ano ang gagawin.

"Pinapakain mo pa ang bihag. Di mo na sana pinakain. Papatayin din naman iyan," ani nito.

Galit ko siyang tinignan. "Nasa teritoryo kita, Jane. Pag nasa akin ang bihag. Walang pwedeng makakagalaw sa kanya. Bihag ko siya. Wag nyo siyang galawin."

Napalatak ito ng tawa. "Sorry, Marcus." Lumapit ito sa akin. Napalingon ako kay Amara. Blangko ang tingin nito sa akin. Nasa dibdib ko ang kamay nito. "Easy, love. Alam ko naman iyon. Alam ko na iyon ang kasunduan ninyo ni ama."

Hinawakan ko siya at hinila. Alam ko na siya lang mag-isa dito. Itinulak ko siya. Papunta sa bukana ng kuta namin.

"Umuwi ka na. Kahit anong gawin mo, Jane. Ang asawa ko lang ang tanging mamahalin ko."

Galit niya akong tinignan. "Tignan natin. Patayin ko na lang kaya ang asawa mo?"

Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso. "Nasasaktan ako, Marcus."

"Subukan mong galawin ang asawa ko, Jane. Kahit babae ka. Kahit anak ka pa ni Ama. Hindi kita sasantuhin. You know me, Jane. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin." Itinulak ko siya ng malakas. Muntik na itong madapa sa lupa.

"Alam nyo kung bakit ako bumalik sa inyo, Jane. Kung di lang dahil sa asawa ko. Hindi ako babalik sa inyo. I put a rules, kaya dapat sundin nyo iyon. Di nyo alam kong ano ang kaya kong gawin."

Natahimik ito. Napalunok, umalis ito. Isinuklay ko ang aking kamay sa aking buhok. Pinuntahan ko si Carding.

"Bakit nyo pinapasok si Jane? Di ba sabi ko. Pag galing kina ama. Wag nyong papasukin."

"Pasensya na, Marcus. Nagpumilit eh."

"Wag mo ng pagalitan, Marcus."

Nakalabas na pala si Amara. Kasama nito si Ka-berta. Ang mga tauhan ko dito ay nasa akin ang loyalty. Ayaw nila sa pamumuno ni ama. Kaya ang iba ang sumama sa akin. Ang iba ay nandoon kay ama.

Sabay sabay kaming napatingin sa babaeng humahangos papalapit sa amin.

"Bakit, Marianne? Anong nangyayari?"

Huminga ito nang malalim, bago nagsalita.

"Balak ni Ama na ipapatay si Amara. Tatlong araw mula ngayon, Marcus."

Bigla akong nabahala, dahil alam ko na hindi talaga payag ang pinuno ng samahan namin na manatili si Amara sa poder namin.

"Anong nangyayari, Marcus?" tanong ni Amara sa akin.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin.

"Wala, pumasok ka na sa loob ng bahay."

Umalis si Amara sa harapan namin ni Marianne. Napalingon pa ito sa aming dalawa ni Marianne, bago pumasok.

"Nagseselos yata ang asawa mo sa akin."

"Hayaan mo na iyon. Susuyuin ko na lang iyon mamaya."

"Bakit ayaw mong sabihin sa kanya ang totoo? Alam mo naman na kailangan mo siyang ilayo dito."

"May kakausapin muna ako. Kailangan na makaalis si Amara dito nang ligtas."

Kinagabihan ay umalis ako. Sampu ng mga kasamahan ko. Ang iba ay nasa nayon, upang bantayan si Amara. Inilipat ko muna si Amara sa isa kong bahay na hindi alam ng pinuno ng nga rebelde.

"Sino ba ang kikitain natin, Marcus?" tanong ni Marianne sa akin.

Hindi ko alam kung bakit sumama ang babaeng ito sa akin.

"Kikitain ko ang pinsan ko."

"Pinsan? May pinsan ka?"

"Yes, I need his help, upang maitakas ko ng ligtas si Amara. Kung ako lang ang tatakas. Kaya ko iyon. Pero kung nasa tabi ko si Amara, ayaw kong ilagay sa panganib ang buhay ni Amara."

"Marcus, ano ka ba talaga?"

"I am an Army, Marianne. Alagad ako ng batas. Sinadya ko noon na umalis sa poder ng ama mo, dahil alam ko na hahabulin nila ako. Alam ng ama mo na kailangan nila ako."

Nabigla ko yata si Marianne sa sinabi ko. Hindi na ito nagsalita.

"Ang mga tauhan mo? Kasamahan mo ba sila? Sundalo din sila?"

"No, mga rebelde talaga sila, pinangakuan ko sila na pag natapos na ang mission ko ay tutulungan ko silang magbagong buhay."

"Paano si Ama? Makukulong ba siya."

"Siguro, kung hindi siya manglalaban."

Nakarating na kami sa lugar kung saan kami magkikita ng pinsan kong si Devon. Sa lahat ng pinsan ko ay si Devon ang tinawagan ko talaga. Dahil alam ko na siya ang makakatulong sa akin.

Pumasok na ako sa isang restaurant. Lahat ng tao na nasa loob ay nakatingin sa aming dalawa ni Marianne, sa ayos namin ay alam ko na iba na ang nasa utak ng mga tao na nandito.

Kaming dalawa lang ni Marianne ang pumasok. Nasa labas naman ang iba kong tauhan.

"Devon."

"Marcus, bakit ganyan ang suot mo? Bakit hindi ka man lang nagpalit."

"Wala na akong oras, Devon. I need your help. Amara is on hand. Hawak ko siya, Devon."

Nanlaki ang mga mata ni Devon.

"Sh*t, Marcus. What are you done?"

"Hindi ko alam na sakay si Amara sa 6by na iyon. Na kasama siya sa lulusob sa isang kuta. Buti ay ako ang nakahuli sa kanya. Kung hindi, baka unang tapak pa lamang niya ay napatay na siya."

"Bakit hindi mo agad siya pinatakas?"

"Kung gagawin ko iyon, malalagay sa alanganin si Amara. Masisira ang misyon ko."

"Iyan pa rin ang iniisip mo? Ang misyon mo. Kesa sa buhay ng asawa mo?"

"Tutulungan mo ba ako o hindi?" sabi ko. Sabay tayo. "Kung tutulungan mo ako. Nandito ang kuta namin." Ibinigay ko sa kanya ang lugar kung nasaan ang kuta namin.

"Tara na, Marianne. Kailangan na nating umalis dito."

Tinignan ko muna si Devon. Bago ako tuluyang umalis sa harapan nito.

Madaling araw na nang makarating kami sa kuta ko. Agad kong pinuntahan si Amara sa bahay na pinaglalagyan ko sa kanya.

Pero agad din akong bumalik ng malaman kong wala doon ang aking asawa.

"Berting!" tawag ko sa aking pinagkakatiwalaan tauhan.

"Marcus, bakit?"

"Nasaan si Amara?!" sigaw ko.

"Nand'yan lang sa loob kanina."

"Wala, Berting. Magsikalat kayo. Hanapin ninyo ang asawa ko!" utos ko sa kanilang lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status