Share

Soldier's First Love (Sanchez Series #4)
Soldier's First Love (Sanchez Series #4)
Author: LauVeaRMD

Prologue

Marcus POV

Napangiti ako nang maalala ang masayang mukha ni Amara. Alam kong nasa bahay siya ngayon, kakatapos lang ng kanyang klasse. Kahit na mahirap ang sitwasyon naming dalawa ay kinakaya namin.

Huminto ang sinasakyan kong bus, at laking gulat ko ng makilala ko kung sino ang mga umakyat. Walang masyadong pasahero. Kaya malaya silang umupo. Tumingin sa akin ang kanilang leader. Umiwas ako ng tingin.

"Long time no see, Marcus," saad nito.

"Ano ang ginagawa ninyo sa patag?" tanong ko.

"Sinusundo ka."

"Hindi ako sasama sa inyo." Madiin kong tangi.

"Wag ka nang magmatigas, Marcus. Alam mo na kailangan ka ng samahan."

"Alam  nyo ding matagal na akong tumiwalag."

Ngumisi ang lalaki. "Dahil lang sa nag-asawa ka, kaya naisipan mo nang tumiwalag? Alam mo bang bawal iyon? Pero pinatawad ka ng samahan natin at tatanggapin kang muli."

"Hindi ako babalik."

"Pwes, sapilitan ka naming isasama."

"Itigil mo sa tabi ang bus."

Huminto ang bus. Tumayo na si Kael, alam ko na siya na ang bagong leader ng samahan na pinamumunoan ko noon.

"Sasama ka o mamatay ang driver ng bus na ito."

"Wag nyo po akong patayin. May mga anak po ako. Maaawa po kayo." Nanginginig na pakiusap ng driver ng bus.

Tumayo ako at naglakad. Ayaw kong may madamay na inosente. Kaya sasama na lang ako. Naisip ko bigla si Amara. Alam ko na mag-aalala ito sa akin. Pero kailangan kong sumama kina Kael.

Amara POV

"Amara, alam mong delikado ang operasyon na iyon. Dito ka na lang sa opisina." Pigil sa akin ni Matias.

"Wala akong pakialam, Matias. Wala na din naman silbi ang buhay ko. Wala na ang lalaking mahal ko, wala na ang asawa ko. Iniwan na niya ako, apat na taon na ang nakakalipas."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumuha. Parang kahapon lang nangyari ang masalimot na nangyari sa buhay ko. Nakita na lang namin ang asawa ko na si Marcus na wala ng buhay sa isang liblib na lugar. Hindi ko matanggap ang nangyari. Tatlong buwan ako noong di pumasok sa pag-aaral. Hindi ko na tinapos ang kolehiyo ko. Pagkatapos ay sumabak ako sa pagiging sundalo.

"Alam ko iyon, kaibigan ko din si Marcus. Ako nga ang naging dahilan, kung bakit kayo nagkakilala. Pero hindi ito ang solusyon, pagpapakamatay iyang ginagawa mo."

"Okay lang ako, Matias. Hindi ako mamamatay. Kung mamamatay man ako, gusto kong tabi kami ang aming libingan ni Marcus. Sige, maghahanda pa ako."

Tinalikuran ko na si Matias. Alam kong nag-alala ito sa akin. Pero hindi niya ako mapipigilan. Ito lang ang tanging paraan para mabigyan ko ng hustisya si Marcus. Kahit papaano ay maipaghigante ko siya.

Lulan na ako ngayon ang sasakyan namin, papunta kami ngayon sa kuta ng mga rebelde. Tutugisin namin ang mga natitirang kasamahan nila. Pero hindi pa kami nakakarating sa paruru-onan namin ay inambus na kami.

Kanya-kanya kaming tago, nagpaputok ang kabilang panig, gumanti kami. Naglabanan kami. Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala ang isang rebelde.

"Ibaba mo ang baril mo," bigla akong nanigas. Dahil kilala ko ang may-ari ng boses na iyon. "Tumayo ka," utos nito sa akin.

Tumayo naman ako at humarap sa kanya. Pagkaharap ko ay isa-isang nagpatakan ang aking mga luha.

"Marcus, buhay ka."

Maskin ito ay natigilan. May nakikita ako sa mga mata nito. Pero agad din itong nawala.

"Kilala ba kita."

"Babe, ako ito, si Amara." 

"I am sorry, pero hindi kita kilala. Kaya lumakad ka na."

Nakita ko ang mga kasamahan ko. Mga wala na itong buhay. Mas napaiyak ako lalo, dahil ako lang ang nabuhay.

"Patayin mo na lang ako, Marcus."

"Ang supremo namin ang hahatol sa iyo."

Naglakad kami. Nakasalubong namin ang mga kasamahan ng lalaking nasa likuran ko. Doon ko lang napagtanto ang lahat. Kaya pala, hindi kami palagi noon nagkikita. Dahil nasa bundok ang tirahan nito. Hindi ko alam na isang rebelde pala ang aking asawa, hindi ko pala lubos itong kilala.

Naglakad kami na para bang wala ng bukas. Nang gumabi na ay nagpahinga muna kami. Sumandal ako sa isang puno. Iniiyak ko ang sitwasyon ko. Bihag ako ng mga rebelde at isa doon ay ang asawa ko.

Nakaupo ako ngayon sa ugat ng isang puno. May lumapit sa akin. "Kumain ka na. Baka malipasan ka."

Tinignan ko ang pagkain. Kamote iyon, pero iniwas ko ang paningin ko.

"Hindi ako nagugutom."

"Kailangan mong kumain, Amara." Lumingon ako sa asawa ko. Galit ko itong tinignan. "Walang magagawa ang pagmamatigas mo."

"Pwes, patayin mo na lang ako." Madiin kong sambit.

"Mamaya, papatayin kita sa sarap." Namula bigla ang mukha ko. Dahil sa sinabi nito. Nasa sitwasyon ako ngayon na maaari akong maipit, pero bakit ganun ang nararamdaman ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Marcus. Patayin mo na lang ako."

"Hindi pwede, Amara. Walang magagawa ang ama ko pag sinabi ko na sa bahay ko ikaw matutulog mamaya. Ako ang magbabantay sa iyo."

"Kilala ba ako ng ama mo?" tanong ko sa kanya.

"Kilalang-kilala. Sino ba ang hindi makakilala sa iyo. Magiting kang sundalo, Amara. Maraming gusto pumatay sa iyo. Pero hinadlangan ko iyon. Kahit sundalo ka ay hindi ka sasaktan ng pinamununoan ako."

Tumahimik na lang ako. "Kumain ka, babe. Ayaw kong malipasan ka ng gutom."

Napatingin ako kay Marcus. Isa-isa na namang pumapatak ang mga luha ko.

"Bakit mo peneke ang pagkamatay mo."

"Dahil iyon ang kailangan. Ayaw kong hanapin mo ako. Dahil baka mapahamak ka lang. Pero mukhang mali ang pagkakilala ko sa iyo. Mas naging matigas ang ulo mo."

Kinuha ko ang kamote na nasa harapan ko. "Pasensya ka na, iyan lang ang maipapakain ko sa iyo, ngayon. Wag kang mag-alala. Pag dating natin sa bahay ko. Ipagluluto kita."

"May sarili kang bahay?" tanong ko.

"Mayroon. Ang mga tauhan ko ay may pamilya din. Sama-sama kami sa isang lugar. Malayo sa bahay ng ama ko."

"Bakit sinabi mo kanina na hindi mo ako kilala?" tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko lang iyon, dahil kasama namin ang ilang tauhan ng ama ko. Ayaw kong mapahamak ka," ani nito sa akin.

"Alam ba ng ama mo na bihag mo ako."

"Hindi, hindi din namin alam na kayo ang sakay noon. Kung alam ko lang sana ay hindi na kami tumuloy."

Kinabukasan ay maaga na nagising ang mga kasamahan ni Marcus.

"Marcus," lumapit ang isang babae dito at inayos ang suot ng asawa ko.

"Ano ba, Jane."

"Alam mo naman na ipinagkasundo tayo di ba."

"At alam mong hindi na matutuloy iyon. Kahit na ilang taon pa ang lumipas, mananatili akong may asawa."

"Pero kinalimutan ka na niya!" sigaw  ng babae.

"Dahil iyon ang gusto ko. Pero mukhang hindi naman niya ako kinalimutan. Mali yata ang pagkakilala ko sa asawa ko."

"Tara na, Marcus. Upang makarating tayo ng maaga."

Nagsimula na kaming maglakad muli. Hinayaan lang nila akong maglakad. Hindi naman nila tinalian ang kamay ko. Dahil iyon ang utos ni Marcus.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status