Share

Chapter 4

Amara POV

Naghihintay pa rin ako hanggang ngayon. Limang taon na ang nakakaraan, mula ng makabalik ako sa pamilya ko.

Naghihintay pa rin ako sa pagbabalik ni Marcus. Kahit na sinabi na ng pinsan nitong si Devon na hindi niya nakita doon si Marcus, pagkadating nila doon.

"Mommy, are you crying again?" nilingon ko ang limang taong gulang na anak kong babae.

Katabi nito ang kakambal nito. "I just miss your dad, Carlie Ann."

"Mom, don't worry, daddy will be back to us," saad naman ng anak kong lalaki.

"I know, Jude, I know."

Bumalik ako nang tanaw mula sa malayo. Isang buntong hininga ang ginawa ko.

Kahit na may mga anak na ako at nanatili pa rin ako sa serbisyo. Hindi ako umalis. Pero hindi nila na ako inilagay sa field. Kahit na gusto ko sa field upang magkaroon ng pagkakataon na mahanap ko si Marcus ay hindi na pumayag ang superior ko.

Mas lalong naging maliit ang chance ko na malagay sa field nang malaman kong buntis ako. Nabuo ang anak namin noong unang gabi naming magkasama. Sobrang saya ko noon.

Gabi na nang makalabas ako mula sa opisina. Dahil may tinapos pa akong mga report. Inilock kong maigi ang opisina bago ako umalis. Ngunit napatigil ako nang may makita akong lalaking nakatayo mula sa malayo. Handa akong manlaban.

"Sino ka?" malakas na boses kong tanong.

Ako lang mag-isa sa department namin. Wala na ang mga kasamahan ko. Lumapit sa akin ang taong iyon. Nang maaninag ko siya ay napatakip ako sa aking bibig. Hindi makapaniwala sa nakikita ko.

"Marcus. . ."

Hindi ako makapaniwala na nandito na ang lalaking mahal ko. Ngunit, galit ako sa kanya. Kahit na gusto ko siyang yakapin ay galit ako sa kanya.

"Amara."

"What are you doing here?" mabalasik na tanong ko sa kanya.

"I am back, Amara. For you."

"Pwes, wala ka ng babalikan," sabi ko.

Nilagpasan ko siya. Ayaw ko siyang makita. Limang taon ko siyang hinintay. Kung noon ay nasasabik ako sa makita siya. Ngayon ay hindi na. Galit ako sa kanya. Kahit na mahal ko siya.

"Amara, love. Please, hear me out."

"Ano pa ang ipapaliwanag mo? 5 years, Marcus. Limang taon akong naghintay. Walang kasiguraduhan kung babalik ka pa ba or hindi na." Hindi ko napigilan ang luha ko.

Bumuhos na silang lahat.

"I am sorry, may nangyari lang. Hindi ako pwedeng bumalik na hindi matatapos ang misyon ko. Dumating si Devon sa lugar kung saan kami nagkukuta. Nagkagulo ang mga tao sa nayon, Amara. I need to help them, especially the family of my men. Maraming namatay, maraming nasugatan. Nakatakas ang iba, ang iba naman at namatay. Kasama ako sa nakatakas. Dalawang taon kaming nagtatago. Hindi ko alam kong nasaan ang iba. Hanggang sa matunton ko ang bagong kuta ng mga rebelde. Dalawang taon mula ng makita ko sila ay nagka engkwentro muli ang rebelde at sundalo. Doon nalaman ng pinuno ng mga rebelde na isa akong spy. Nahuli nila ako, Amara. They torture me. But Marianne, help me. Tinulungan niya akong makatakas. Devon, rescue me. Nagkagulo muli. Ngunit hindi nalipon ang lahat ng rebelde. Dinala nila ako ng hospital. Isang taon akong nasa ICU. Na coma ako, Amara."

"Kung ganun. Bakit walang ibinalita si Devon sa akin."

"Dahil iyon ang gusto ko. Bago ako mawalan ng malay. Sinabihan ko si Devon na wag bangitin sa iyo ang nangyari sa akin."

Galit ko siyang tinignan.

"Sana ay naisip mo iyan, bago mo sinabi iyon kay Devon. Alam ko bang halos mawalan ako ng pag-asa, kung babalik ka pa ba sa akin o hindi na."

"I am sorry, Amara. 9 na buwan akong nag-under go ng therapies. Dahil naapektuhan ang pagsasalita at paglalakad ko. Gusto ko bago ako bumalik sa iyo ay magaling na ako. Gusto ko pagbalik ko. Magiging okay na ako."

"Ayaw muna kitang makita, Marcus. Sa susunod na lang tayo mag-usap."

Iniwan ko si Marcus doon. Dahil hindi ko pa siya kayang harapin. Mahal ko siya, oo. Pero nagtatampo pa rin ako sa kanya. Kailangan muna nitong suyuin ako.

Marcus POV

Napasuklay na lang ako sa buhok ko. Tinignan ko ang palalayong bulto ni Amara. Alam kong galit na galit ito sa akin. Dahil hindi agad ako nakabalik.

But, I need to finish what I started. Gusto kong bumalik sa kanya na wala tapos na ang lahat. Tapos na ang misyon ko. 15 years, na nawalay kami sa isa't-isa. Tama lang siguro na magalit talaga ito sa akin.

"Nahanap mo ba siya?" tanong ni Devon. Nakasandal ito sa hood ng sasakyan nito.

"Yes, but she is too angry with me."

"Alam mo, naiintindihan ko si Amara. Anong gusto mo? After 5 years, salubungin ka niya ng yakap at halik? Alam mo ba na bago ang huling pagkikita namin ni Amara ay sinabi niya sa akin na pag nakita kita. Wag ka nang bumalik?"

"Hindi ko alam iyon."

"Dahil hindi ko sinabi talaga sa iyo. 5 years, Marcus. Hindi biro ang limang taon. Matagal na ang limang taon, Marcus."

"I know."

"Halika na. Inom na lang tayo sa bar ni Luis. Mangbabae na lang tayo. Maglasing tayo ngayon," umiling na lang ako sa sinabi ni Devon.

"Sawi ka din ba?"

"Who knows."

Umiling na lang ako. Dahil hindi ko alam kung ano ang namamagitan kina Devon at Marianne.

Nakarating kami sa bar ni Luis. Puno palagi ang bar ng gago. Sigurado ako na nandito na naman ang mga pinsan ko.

Pagkapasok namin ay nakita agad namin ang mga pinsan ko. Tumutunga ng mga alak. May mga babae ding kasama.

Umiling na lang ako. Hindi pa talaga nagbabago ang mga gagong ito.

"Marcus, cousin. Buti at buhay ka pa?" tumatawang sambit ni Drake.

Alam kasi ng mga pinsan ko na magkikita kami ngayon ni Amara.

"Guess what?" tawang sambit ni Dixson. "Hindi ka hinarap."

"Hinarap siya," sabi ni Devon. "Ngunit, hindi binigyan ng yakap at halik," tawang sambit ni Devon.

Umiling na lang ako. Isang babae ang tumabi sa akin. Ayaw kong tignan ang babae.

"Mariel," pakilala nito.

Tinignan ko lang ang kamay nito. Tapos ay ininom ko ang alak na nasa baso ko.

"Ang suplado mo naman," lumapit ito sa akin. Idinikit ang katawan sa akin. Malambot  katawan nito. Pero walang epekto sa akin ang babae. "Baka kulang ka lang sa lambing."

Hinawakan ko ang kamay nito na hahagod sana sa pagkalalaki ko.

"Stop it or you will regret it." Madiin kong pagbabanta dito.

May aliw akong nakikita sa mga mata ng babae.

"I get it. Pa hard to get. I kinda like it."

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nito.

"Wag mong sagarin ang pasensya ko."

"Mariel, stop plastering my cousin. Sawi iyan. Di iyan titingin sa ibang babae. Iisang babae lang ang sasambahin n'yan. Mainitin ang ulo nyan. Baka makatikim ka nang pinagbabawal na ticnic," tumatawang sambit ni Devon.

Agad na hinila ng babae ang kamay nito. Hindi na niya ako pinansin. Pinagpatuloy ko ang pag-iinom. Hanggang sa mabuo ang plano sa aking utak.

I will get you, Sue Amara, by crook or by hook.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status